NAPAAWANG ang labi ni Daphne ng pumasok silang dalawa ni Alessandro sa isang malaking mansion. Hindi din niya napigilan na ilibot ang tingin sa buong paligid. Namamangha kasi siya sa ganda ng mansion. Hindi lang kasi sa exterior ang maganda, pati na din ang interior design ng nasabing mansion. Malaki na ang mansion ni Alessandro sa Pilipinas pero mas malaki ang mansion na pinuntahan nila sa Italy matapos nilang dumating do'n. Pag-aari din ba ni Alessandro ang mansion na iyon? hindi naman niya napigilan na itanong iyon sa isipan. Pero siya na din ang sumagot sa tanong niya, mukhang pag-aari din nito iyon. Darn. Marami talaga siyang hindi alam tungkol kay Alessandro. At mayamaya ay tumigil ang tingin ni Daphne sa isang malaking portrait na nakasabit sa pader na naroon mismo sa loob ng

