"I'll PUNISH you for kicking my groin." Itinulak ni Daphne si Alessandro para makawala siya mula sa pagkakayakap nito sa kanya. Pero para lang siyang tumulak sa pader dahil hindi man lang ito napaatras o gumalaw. Mas lalo pa nga siya nitong hinapit palapit sa katawan nito. Halos dikit na dikit nga ang katawan nila ng sandaling iyon. At pakiramdam niya ay wala nang hangin ang makakadaan sa gitna nila. "A-alessandro," sambit naman niya sa pangalan nito. "What?" Husky naman ang boses na wika nito sa kanya. Pinagdikit nga nito ang noo nila habang nakatuon ang titig nito sa kanya. Napansin nga din niya na palipat-lipat ito ng tingin sa mata at sa labi niya. Napansin din niya ang nakaawang nitong bibig at amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito. Hindi naman napigilan ni Daphne ang ma

