NAPAKURAP-kurap ng mga mata si Dapnhe ng pagmulat ay ang mukha ni Alessandro ang namulatan siya. At base sa mabining paghilik nito sa sandaling iyon ay mukhang mahimbing pa din itong natutulog. At iyon ang unang pagkakataon na naunahan niya ito sa paggising, dati-rati naman kasi ay ito lagi ang nauuna kahit na napuyat ito, kahit na late na itong natutulog. At do'n din na-realize ni Daphne na nakaunan siya sa braso nito habang nakayakap siya dito. Napansin din niya na nakayakap ito sa kanya, halos ang higpit nga ng pagkakayakap nito. Tiningnan naman niya ang oras na nasa ibabaw ng bedside table at nakita niya na mag-a-alas siyete na pala ng umaga. Mali-late na sila sa trabaho na dalawa. Papasok pa naman si Daphne sa trabaho sa araw na iyon. At alam niyang papasok din si Alessandro. Inalis

