"ANO ito?" tanong ni Daphne kay Alessandro ng may ibigay ito sa kanyang USB ng lapitan siya nito pagkababa niya sa hagdan mula sa pangalawang palapag ng mansion nito. Mukhang hinihintay siya nito dahil nang makita siya nito ay agad itong lumapit sa kanya. Napansin din niya na bihis na bihis na din ito. Mukhang ready na din itong pumasok sa trabaho. Nakasuot na kasi ito ng puting long sleeves at nakita niya na nakalihis ang manggas niyon hanggang sa siko nito. Sinipat-sipat naman ni Daphne ang hawak na USB at saka siya muling nag-angat ng tingin para hintayin ang magiging sagot nito sa tanong niya. "Panuorin mo para may matutunan ka," sagot naman nito sa kanya. Kumibot-kibot naman ang labi niya. May matutunan ba siya sa USB na iyon kapag pinanuod niya ang laman niyon? Hindi naman niy

