INANGAT ni Daphne ang intercom ng tumunog iyon. "Hello?" wika naman niya ng sagutin niya ang tawag. "Ma'am Daphne, si Anna po ito," wika naman ng nasa kabilang linya. "Oh, Anna?" sambit naman niya sa pangalan nh tumatawag sa kanya. "Nandiyan na sina Mama?" tanong naman niya dito. Si Anna ay secretary nang Mama niya. "Yes po, Ma'am," sagot naman nito sa kanya. Hindi naman niya maiwasan ang mapangiti sa sinabi nito. "Okay, Anna. Thank you for informing me," pasasalamat niya sa babae. "Welcome, Ma'am Daphne," wika naman ni Anna sa kanya. Ibinaba naman niya ang intercom pagkatapos. Tinawagan kasi niya si Anna kanina para bilinan na kung dumating na ang parents niya ay in-form siya nito. Late na din kasi na dumating ang mga ito sa opisina dahil may ka-meeting ang mga ito na malaking in

