NAPATINGIN si Daphne sa cellphone niyang nakalapag sa ibabaw ng kama ng marinig niya ang pagtunog ng ringtone niyon. At nang kunin niya para tingnan kung sino ang tumatawag ay nakita at nabasa niya na si Alessandro ang tumatawag sa kanya sa sandaling iyon. Why is he calling again? Ano na naman kaya ang kailangan nito sa kanya? Agad naman niyang sinagot ang tawag nito. "Hello?" wika niya mula sa kabilang linya. "What time do you get off work?" bungad na tanong naman ni Alessandro sa kanya pagka-hello niya dito. "Five," sagot naman niya dito. Eight to five kasi ang working hours sa opisina. At kapag maraming ginagawa o hinahabol siyang deadline ay minsan ay alas siyete na siya nakakauwi. "It's six minutes before five," komento naman ni Alessandro. "Okay. I'll wait you here outside yo

