NAPATINGIN si Daphne sa kamay niyang nakahawak sa manibela ng maramdaman niya ang panginginig niyon ng ihinto niya ang minamanehong kotse sa tapat ng malaking gate sa Mansion ni Alessandro.
Mayamaya ay napaigtad siya ng may kumatok sa bintana ng kotse niya. Napahawak naman siya sa kaliwang dibdib niya ng biglang bumilis ang t***k niyon dahil sa kabang naramdaman niya. Muli namang may kumatok sa bintana ng kotse niya. Nagpakawala naman siya ng malalim na buntong-hininga bago niya ibinaba ang bintana ng kotse. Nang maibaba niya iyon ay sumalubong sa kanya ang isang lalaki, napalunok siya nang makita niya ang baril na hawak nito sa sandaling iyon.
"Sino ka? At anong ginagawa mo dito?" tanong ng lalaki sa kanya sa malamig na boses.
Saglit naman niyang kinagat ang ibabang labi. Pakiramdam ni Daphne na maling kilos lang niya ay babarilin siya ng lalaki. Kaya ingat na ingat siya sa sandaling iyon.
"My name is Daphne Agustin. At nandito ako para kausapin sana si A-alessandro," sabi naman niya dito kung bakit siya naroon.
"Walang inaasahang bisita si Lord Alessandro, kaya umalis ka na," pagtataboy naman nito sa kanya sa malamig na boses. Pagkatapos niyon ay lumayo ang lalaki sa kotse at bumalik na ito sa pwesto nito. And he is back guarding the gate.
Sa halip naman na umalis do'n ay kinuha ni Daphne ang cellphone niyang nasa ibabaw ng dashboard. At pagkatapos niyon ay tinawagan niya ang numero ni Alessandro.
She was hoping na sana ay sagutin nito ang tawag niya. At nakahinga siya ng maluwag nang makailang ring ay sinagot nito ang tawag niya.
"What?" Iyon na naman ang bungad na wika nito sa kanya ng sagutin nito ang tawag niya. Malamig pa din ang boses nito.
She took a deep breath. "Pwede ba tayong mag-usap?" wika niya sa pakay niya kung bakit siya naroon.
"We are talking now," sabi naman nito sa sarkastikong boses.
Sa sitwasyon niya ay hindi niya maiwasan ang pag-ikot ng kanyang mga mata. "What I mean is...let's talk in personal. N-nandito ako sa labas ng gate ng Mansion mo. At a-ayaw kasi akong papasukin ng tauhan mo," wika naman ni Daphne dito.
Wala naman siyang narinig na sagot kay Alessandro mula sa kabilang linya. At nang tingnan niya ang cellphone niya ay napahugot na naman siya ng malalim na buntong-hininga nang makita na binabaan na siya ni Alessandro ng tawag. Mukhang ayaw nitong kausapin siya dahil binabaan agad siya nito ng tawag.
At natatakot naman niyang ipilit ang sarili na makapasok sa loob dahil baka kapag ginawa niya iyon ay baka barilin siya. Nakakatakot pa naman ang hitsura ng tauhan nitong nagbabantay sa labas ng gate.
At akmang bubuhayin na ni Daphne ang makina ng kotse para sana umalis do'n dahil wala naman ng pag-asa na makausap niya si Alessandro ng mapahinto siya ng mapansin niyang muling lumapit ang armadong lalaki sa kotse niya.
Napatingin naman siya dito. At kahit na natatakot ay sinalubong niya ang malamig na titig nito.
"Maari na daw kayong pumasok," mayamaya ay imporma nito sa kanya.
Kasabay ng sinabi nito ay ang pagbukas ng malaking gate. Senenyasan naman siya ng lalaki na ipasok na ang kotse niya sa loob.
Nakahinga naman ng maluwag si Daphne, mukhang noong mawala mula sa kabilang linya si Alessandro ay tinawagan naman nito ang tauhan nito para utusan na papasukin siya. Kahit papaano ay nakaramdam naman siya ng pag-asa.
Mabilis naman niyang binuhay ang kotse at pinaandar na niya iyon papasok sa loob baka kasi biglang magbago ang isip nito at ayaw na siya ulit nitong papasukin.
Kagat-kagat naman ni Daphne ang ibabang labi niya nang madaanan niya ang nagkalat na armadong kalalakihan sa buong paligid ng mansion. And it looks like they were guarding the whole house. Daig pa yata nito ang White House sa dami ng guard na nagbabantay do'n.
Ang mga armadong lalaki yata ang tinutukoy ni Alessandro sa kanya na tauhan nitong inutusan nito na barilin ang sinumang tumakas sa kamay nito.
Mabuti na lang talaga at hindi niya itinuloy ang balak na tumakas noon dito. Baka sa sandaling iyon ay pinaglalamayan na siya ng magulang. Naramdmaan naman niya ang pagtaas ng balahibo niya sa kanyang katawan. Ipinilig naman ni Daphne ang ulo para maalis iyon sa isip niya.
Inihinto naman ni Daphne ang minamanehong kotse sa parking sa harap ng Mansion nito. Pagkatapos ay bumaba siya sa kanyang kotse. Saktong makababa siya ng bumukas ang pinto ng Mansion at lumabas do'n ang pamilyar na isang lalaki. At kung hindi siya nagkakamali ay si Magnus ang lalaking lumabas at naglalakad palapit sa gawi niya. Bodyguard yata ni Alessandro ang lalaki dahil madalas na kasama nito.
Sinalubong naman siya nito. "H-hi," bati niya dito ng tuluyan itong nakalapit.
Isang tango lang naman ang isinagot nito sa kanya. "Follow me," malamig naman ang boses na wika nito sa kanya. "Lord Alessandro is waiting for you," pagpapatuloy pa na wika nito. Hindi naman na siya nito hinintay na magsalita. Sa halip ay humakbang na ito papasok sa loob. Agad naman siyang humakbang para sundan ito.
Pumasok silang dalawa sa loob ng Mansion. Hindi naman niya napigilan na igala ang tingin sa paligid, inakala niya na hindi na siya muling aapak do'n pero nagkamali siya.
Nag-desisyon si Daphne pumunta do'n dahil gusto niyang makausap si Alessandro. Gusto niyang kausapin ito para pakiusapan na itigil na nito ang pagpapahirap sa pamilya niya.
Hindi lang kasi ang kompanya ang pinupuntirya ng lalaki, pati na din ang lahat ng ari-arian nila. At nagawa lang nito iyon sa loob ng dalawang araw.
Alessandro is a powerful man, not only powerful, he is dangerous one. He's much more powerful and dangerous than you could ever imagine. Because in just one snap of his finger, magagawa nitong pabagsakin kahit na ang isang stable na kompanya. Parang walang imposible dito.
At kung hindi niya ito pakikiusapan ay walang matitira sa kanila kahit isa. Ang kompanya nila, ang kanilang ari-arian at ang bahay na tinutuluyan. Lahat ng iyon ay mawawala sa kanila kung magpapatuloy si Alessandro sa ginagawa nito. Lalo na at sinabi nito sa kanya na humanda siya sa worst pa na gagawin nito. And her parents were worried and problematic about the situation. Halos hindi na makain at makatulog ang mga ito sa kakaisip kung paano masusulusyonan ang problemang kinakaharap ng mga ito.
After all, wala sanang problema kung hindi dahil sa kanya. It's all her fault.
Umakyat naman sila sa pangalawang palapag hanggang sa huminto sila sa nakasarang pinto. Hindi iyon ang kwarto ni Alessandro na pinuntahan niya dati.
Kumatok naman si Magnus sa pinto para ipaalam ang presensiya nila. "Lord Alessandro, Miss Daphne is with me," imporma ni Magnus dito.
"Let her in," narinig naman niya ang baritonong boses ni Alessandro mula sa loob.
Binuksan naman ni Magnus ang pinto. Pagkatapos ay bahagya siya nitong sinulyapan. "You can go inside," wika naman nito sa kanya ng magtama ang mga mata nila.
Nagpakawala muna si Daphne ng malalim na buntong-hininga bago siya pumasok sa loob. Si Magnus na din ang nagsara ng pinto nang tuluyan siyang makapasok.
Agad naman tumigil ang tingin ni Daphne sa harap ng executive table. Naroon kasi sa Alessandro, nakaupo ito sa swivel chair nito. Mukhang study room iyon ng lalaki.
Napansin ni Daphne na nakasandal ang likod nito sa swivel chair nito habang matiim na nakatingin sa gawi niya. Mukhang hinihintay nito ang pagpasok niya.
Naramdaman naman niya ang paglalambot ng mga tuhod niya sa sandaling iyon habang sinasalubong niya ang titig nito. "What are you doing here?" tanong naman nito sa kanya sa malamig na boses, wala din siyang makitang kahit anumang ekspresyon sa mukha nito sa sandaling iyon.
Tumikhim naman si Daphne para maalis ang bara sa lalamunan niya. "I'm...here to talk to you," wika naman niya dito.
"And what are we going to talk about?"
Saglit naman niyang ipinikit ang mga mata niya at saka niya pilit na sinasalubong ang titig nito. "Please...stop this, Alessandro," sabi naman niya sa nagmamakaawang boses dito.
"Stop what?" tanong naman nito kahit na may ideya naman ito kung ano ang tinutukoy nito.
"Please itigil mo na ang ginagawa mo sa pamilya ko," sabi niya dito.
Napansin naman ni Daphne ang pagseryoso ng ekpresyon ng mga mata ni Alessandro habang nakatingin sa kanya. "You made that choice, didn't you?" wika nito ng umalis ito mula sa pagkakasandal nito sa swivel chair nito. "Choice mo ang nangyayari sa pamilya mo," dagdag pa na wika nito. "I'm already warned you, Daphne. Pero hindi mo pinakinggan ang sinabi ko sa 'yo. Binalewala mo ang banta ko sa 'yo. So, face the consequences of your choice," he said to her with dangerous voice.
Kinagat naman ni Daphne ang ibabang labi habang sinasalubong niya ang seryosong ekspresyon ng mukha nito. "I'm...sorry, Alessandro," wika naman niya, hindi din niya napigilan ang pagpiyok ng boses. Napakurap-kurap din siya ng mga mata para pigilan ang luhang gustong pumatak sa mata niya. Naiiyak kasi siya dahil naiisip niya ang paghihirap ng magulang niya dahil sa kanya.
Kasalanan kasi niya ang lahat ng iyon. Kung hindi siya nagpadala sa inis na nararamdaman para kay Caroos ay hindi magku-krus ang landas nila nang lalaki. Hindi mangyayari ang lahat ng iyon.
"You feel sorry now?" mayamaya ay narinig niyang wika ni Alessandro sa malamig pa ding boses.
Mabilis naman niyang pinunasan ang luha sa kanyang mga mata bago siya nag-angat ng tingin patungo sa mukha nito.
Saglit naman niyang sinasalubong ang walang emosyon na mukha nito.
"Anong gusto mong gawin ko para itigil mo na ang pagpapahirap sa pamilya ko?" Hindi naman niya napigilan na itanong iyon kay Alessandro.
Right now, ang nasa isip niya ay ang matulungan ang pamilya niya. Ma-solusyonan ang problema na kinakaharap nila. At alam niyang siya lang ang tanging solusyon para matapos lahat ng problema ng pamilya niya.
Napansin naman niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito. "Do you want me to stop all of this?" tanong nito sa kanya.
Tumango naman siya. "Yes," mabilis naman niyang sagot. "What do you want me to do to stop all of this?"
Sa halip na sagutin siya ni Alessandro ay tumayo ito mula sa pagkakaupo nito sa swivel chair nito. Pagkatapos ay humakbang ito palapit sa kanya habang hindi inaalis ang titig sa kanya. Napaatras naman siya hanggang sa wala na siyang maatrasan pa dahil tumama na ang likod niya sa pader, wala na siyang maatrasan pa. Nagpasalamat din siya kahit papaano dahil nakasandal siya sa pader dahil nakakuha ang katawan niya ng suporta, pakiramdam kasi niya ay matutumba siya dahil sa panginginig ng mga binti niya.
"First, you have to obey me, Daphne," wika nito sa baritonong boses habang naglalakad ito palapit sa kanya. Hindi naman niya napigilan ang pagkabog ng dibdib dahil sa bilis ng t***k ng puso niya dahil sa kabang nararamdaman sa sandaling iyon. "Second, I want the marriage that we agreed to go through. As early as possible," pagpapatuloy pa na wika nito habang patuloy pa ito sa paglapit sa kanya, sa pagkakataong iyon ay halos dumoble ang kabog ng dibdib niya.
"And lastly," wika naman nito ng huminto ito sa harap niya.
Napansin naman ni Daphne ang pagtingkayad ng itim na mga mata ni Alessandro nang tumingin ito sa labi niya. Sunod-sunod naman ang ginawa niyang paglunok. Halos pigil din niya ang hininga ng humakbang pa ito palapit sa kanya hanggang sa ipitin siya nito sa pader. She was now trapped in his masculine body. Amoy na amoy ni Daphne ang mabangong amoy ni Alessandro sa kanyang ilong sa sandaling iyon. "Lastly..." Bahagya namang nanlaki ang mga mata niya ng ilapit nito ang mukha sa kanya. And their lips were almost touching. Sa katunayan ay halos magdikit na ang tungki ng ilong nilang dalawa sa sandaling iyon.
Alessandro looked at her straight in the eyes.
"I want you to pleasure me, Daphne," he said in a hoarse voice while pinning her on the wall.
Kasabay naman ng panlalaki ng mga mata niya ay ang pag-awang ng labi niya sa gusto nitong gawin niya.