NAPATINGIN si Daphne sa cellphone niyang nakalapag sa ibabaw ng study table ng tumunog ang ringtone niyon. At nang silipin niya iyon kung sino ang tumatawag ay nakita at nabasa niya na unknown number iyon.
Daphne bit her lower lips as she stared the unregistered number on her phone. At sa halip na sagutin niya ang tawag ay ni-reject niya iyon. She even blocked the caller para hindi na ito muling makatawag pa sa kanya.
May ideya na din kasi si Daphne kung sino ang tumatawag sa kanya sa sandaling iyon. Kung hindi siya nagkakamali ay si Alessandro ang tumatawag sa kanya, kahapon pa ito tumatawag sa kanya pero hindi niya sinasagot.
Tatlong araw na ang nakalipas simula noong pakawalan siya ng lalaki nang tanggapin niya ang kondisyon na hinihingi nito. At iyon nga ay ang pakasalan niya ito.
Tinanggap ni Daphne ang kondisyon nito hindi dahil gusto niya itong pakasalan. Tinanggap niya iyon dahil gusto niyang makaalis mula sa kamay ng lalaki. Ang pagtanggap niya sa kondisyon nito ang tanging pag-asa niya para makaalis siya sa poder nito. At noong pumayag siya ay pinauwi na nga siya nito, personal pa nga siya nitong hinatid kung saan siya nakatira.
Pero bago pa siya nito hayaang makababa ng kotse ay binantaan pa siya ni Alessandro.
"I have one rule, Daphne. And it's a matter of trusting people. And never try to break my trust in you. Huwag mong susubukan na kumalas sa kasunduan natin na dalawa. Dahil hindi mo magugustuhan na magalit ako sa 'yo. And I will contact you about our wedding."
Naalala ni Daphne na banta sa kanya ni Alessandro bago siya nito pakawalan. Ipinilig naman na niya ang ulo para maalis iyon sa isip niya. Wala naman na siguro itong magagawa sa kanya dahil wala na siya sa poder nito, hindi na siguro siya nito masasaktan.
Sa nangyari ay hindi na din siya nagsumbong sa mga pulis, wala naman kasi itong ginawa sa kanya. He just threatened her.
At sa tatlong araw na iyon ay hindi na nga din siya lumabas ng bahay. Nag-file na nga din siya ng leave of absences sa kompanya ng magulang. She wanted to cool down the situation.
Tinanong siya ng magulang kung bakit niya gusto mag-leave sa trabaho, sinabi naman niya sa mga ito na gusto lang niyang magpahinga. Hindi naman na nagtanong ang mga magulang niya. At mukhang inakala ng mga ito na broken hearted siya dahil nalaman ng magulang na break na sila ni Carlos. Hindi naman na niya itinama ang inakala ng magulang niya dahil mas mabuti na lang na iyon ang alam ng mga ito kaysa malaman ng mga ito ang tungkol sa nangyari sa kanya. As much as possible kasi ay gusto niyang sarilihin na lang niya iyon dahil ayaw niyang idamay ang mga ito sa problemang pinasok niya. At ayaw din niyang mag-alala ang mga ito sa kanya.
Nagpakawala na lang naman si Daphne nang malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay ibinalik na niya ang atensiyon sa harap ng laptop niya. Kahit na naka-leave of absense siya ay nagta-trabaho pa din siya, hindi din kasi siya sanay na walang ginagawa.
Daphne busy designing the overall structure of her biggest client. Need na din kasi niya iyong matapos next week para ma-present na niya iyon sa client niya. Para kung may gustong ipabago o ipadagdag ang client niya ay magawa niya lahat ng iyon. Para kapag okay na ay masimulan na nila ang pagpapatayo ng building.
At sa sumunod na sandali ay naging abala na din si Daphne sa ginagawa. Tumigil nga siya nang makitang ala-sais na pala ng gabi. Masyadong nakatutok ang atensiyon niya sa ginagawa kaya hindi niya namalayan ang oras. Halos tatlong oras din pala siyang nakatutok sa ginawa niya.
Inusog naman ni Daphne ang swivel chair niya palayo sa table niya. Isinandal niya ang likod at saka ipinikit ang mga mata. She stay there for a moment hanggang sa tumayo siya mula sa pagkakaupo, kinuha niya ang cellphone at saka siya lumabas ng kwarto para salubungin ang pagdating ng mga magulang niya. By now ay baka pauwi na ang mga ito galing sa trabaho. Madalang lang naman kasing mag-overtime ang mga magulang niya.
Dumiretso muna si Daphne sa kusina para tingnan kung naihanda na ba ng kasambahay nila ang dinner nila. At nang makita na okay na ay lumabas na siya do'n at dumiretso siya sa sala sa bahay nila para hintayin ang pagdating ng mga magulang do'n.
She sat down on the sofa.
Pero mayamaya ay hindi niya napigilan ang mapakunot ng noo nang makita na alas siyete na ay wala pa ang magulang niya. Hindi naman niya napigilan ang makaramdam ng pag-alala para sa mga ito. Hindi naman kasi ganoon ang oras ng uwi ng magulang at kung late man ay tatawag ang mga ito sa kanya para sabihin na mali-late ang mga ito sa pag-uwi.
May nangyari bang masama sa mga ito? Hindi naman niya napigilan na itanong sa sarili, pero mabilis din niyang ipinilig ang ulo sa isiping iyon.
At para mabawasan ang pag-alalang nararamdaman ay tinawagan niya ang Mama niya. Matagal bago sinagot naman ng Mama niya ang tawag.
"Ma," wika ni Daphne nang sagutin ng Mama niya ang naturang tawag. "Nasaan po kayo?" tanong naman niya dito.
"We're still in the office," sagot naman ng Mama niya mula sa kabilang linya.
"Late na po. Bakit nandiyan pa po kayo?" tanong ulit niya. May problema po ba sa office?" pagpapatuloy pa na tanong ni Daphne dito.
Napakunot naman siya ng noo nang matagal bago sumagot ang Mama niya sa tanong niya. "Wala naman, Daphne. May tinatapos lang kami," sagot naman nito mayamaya. She felt really strange on her mother voice. Parang may kakaiba talaga, hindi lang niya masabi kung ano ang kakaiba do'n. "Hmm...huwag mo na pala kami hintayin ng Papa mo. Mauna ka nang kumain at matulog ka na din ng maaga," bilin pa ng Mama niya sa kanya.
Nagpakawala naman siya ng malalim na buntong-hininga. "Sige po, Ma. Huwag na po kayong masyadong magpapagabi," sabi din niya sa Mama niya.
"Sige, anak," sabi naman nito.
"I love you, Ma," wika ni Daphne bago niya ibinaba ang naturang tawag.
Sa pangalawang pagkakataon ay nagpakawala si Daphne ng malalim na buntong-hininga. Saglit din siyang nanatili sa may sala hanggang sa tumayo siya para magtungo sa kusina.
Nauna naman na siyang kumain gaya ng ibinilin sa kanya ng Mama niya, hindi naman kasi niya alam ang oras kung kailan darating ang mga ito. Mabilis din siyang kumain dahil wala siya masyadong gana dahil mag-isa lang siya.
At nang matapos ay bumalik na siya ng kwarto niya. Nag-half bath lang naman siya at saka na siya sumampa ng kama. At dahil medyo maaga pa ay naisipan niyang manuod muna ng KDrama sa laptop niya, may drama series kasi siyang gustong panuorin.
Nakadadalawang episode pa lang si Daphne ng makaramdam siya ng antok. Kaya hindi na niya itinuloy ang panunuod at nahiga na lang siya sa kama para matulog. At noong ipikit niya ang mga mata ay agad naman siyang nakatulog.
Nagising na nga lang si Daphne na mag-u-umaga na. At nang lumabas siya ng kwarto para bumaba ay nagtaka siya ng hindi na niya naabutan ang Papa at ang Mama niya do'n.
"Aling Lita, nasaan po sina Mama?" tanong niya sa kasambahay nila na nadatnan niya sa kusina.
"Ma'am maaga po silang umalis ni, Sir," sagot naman nito sa kanya. Napakunot naman siya ng noo.
Late na silang umuwi kagabi, maaga naman silang pumasok sa trabaho ngayon. Hindi naman niya maiwasan ang magtaka. May problema yata ang magulang niya.
"Ma'am, kakain na po ba kayo? Ihahanda ko na po ang breakfast niyo," mayamaya ay wika ni Aling Lita sa kanya.
"Mamaya na lang po, Aling Lita," wika naman niya dito. Lumabas naman na siya ng kusina at bumalik siya sa kwarto niya.
Kinuha niya ang cellphone na nakalapag sa bedside table at saka idinial niya ang numero ng Mama niya. Ring lang nang ring naman iyon. At mayamaya ay operator na ang sumagot. Ang Papa naman ni Daphne ang sinubukan niyang tinawagan pero ring lang nang ring iyon. Kaya napagpasyahan niyang ang Secretary na lang ng Papa niya ang tinawagan niya.
Naka-tatlong ring bago naman nito sinagot ang tawag niya. "Hello, Ma'am Daphne," wika nito ng sagutin nito ang tawag niya.
"Hello, Arlyn," bati naman niya. "Nasa office ka na ba?" tanong naman niya dito.
"Ma'am, I'm on my way pa lang po," sagot naman nito sa kanya.
"Oh, sorry," wika naman niya. Wala pa palang alas otso ng umaga. Eh, alas otso ang pasok nito.
"It's okay po, Ma'am," sabi naman nito sa kanya. "Napatawag po pala kayo?" mayamaya ay tanong ni Arlyn sa kanya.
Since wala pa naman si Arlyn sa opisina ay iba na lang ang itinanong ni Daphne. "Arlyn, may problema ba sa opisina?" tanong naman niya dito, baka kasi may alam ito since Secretary ito ng Papa niya. "Late na kasi umuwi sina Papa kagabi at maaga naman silang pumasok ngayon." pagbibigay imporma ni Daphne sa kanya. "Pakiramdam ko kasi ay may problema sa opisina. Wala kasi silang sinasabi sa akin," dagdag pa na wika niya dito.
Narinig naman ni Daphne ang pagbuntong-hininga ni Arlyn mula sa kabilang linya. "Mayro'n po yata, Ma'am. Nagpatawag po si Sir Salvador kahapon ng emergency meeting sa mga Board of Directors ng kompanya," sagot naman nito dahilan para kumunot ang noo niya.
Bakit nagpatawag ang Papa niya ng meeting? At emergency?
"Any ideya kung bakit nagpatawag ng emergency meeting si Papa sa mga BOD?" tanong naman niya.
"I'm sorry po, Ma'am. Pero wala po akong ideya, wala po kasing sinabi si Sir Salvador sa akin kung ano ang agenda ng meeting po nila. Ang inutos lang po niya sa akin ay tawagan lahat ng Board of Directors para nga po sa meeting," sagot nito.
"Ganoon ba," sabi naman niya.
"Yes po, Ma'am," sagot naman nito.
"Ah, okay. Thank you for your time," wika naman niya dito bago siya nagpaalam.
"Sige po."
Hindi naman napigilan ni Daphne ang mapakagat ng ibabang labi habang iniisip kung bakit nagpatawag ang mga magulang niya ng emergency meeting sa mga Board of Directors ng kompanya.
There must be a problem. At kailangan ni Daphne na malaman kung ano iyon.
UMAWANG ang bibig ni Daphne nang marinig niya ang sinabi ng Mama niya sa kanya nang matapos niyang makausap ang Secretary ng Papa niya na si Arlyn at malaman dito ang tungkol sa pagpapatawag ng Papa niya ng Emergency Meeting ng mga Board of Directors ng kompanya ay nag-desisyon siyang pumunta sa Agustin Architectural and Engineering Firms para personal na malaman kung ano ba ang problema ng kompanya. Ang Mama lang niya ang kausap niya dahil ang Papa niya ay nasa conference room at kausap ulit ang mga Board of Directors. Mukhang may importante na naman ang mga ito na pinag-uusapan.
At hindi makapaniwala si Daphne sa narinig na sagot ng Mama niya sa kanya ng tanungin niya ito kung ano ang problema.
Sinabi kasi ng Mama niya na isa-isang nag-back out ang lahat ng investor ng kompanya. Halos magkakasabay daw at wala daw explanation ang mga ito sa dahilan ng pagba-back out ng mga ito. Hindi lang iyon, pati nga iyong client ng Agustin Architectural and Engineering Firm ay isa-isa ding nag-back out.
At nakakabahala pa ay mayro'n pa silang isang linggo para makahanap ng pwedeng mag-invest sa kompanya nila. Dahil kung wala silang mahanap ay magdi-declare ang magulang niya ng bankruptcy. Kasi kahit na stable ang kompanya, kung wala namang investor at client ay magsasara iyon.
Nanghihina namang napaupo si Daphne sa sofa na nasa loob ng opisina ng Mama niya. "Kailan pa po nangyari ito, Mama?" Hindi naman napigilan na itanong ni Daphne iyon sa Mama niya. Bago siya nag-leave of absence ay okay pa naman ang kompanya. Sa katunayan ay marami silang investor at mga kliyente na nakuha. Kaya ang nakakapagtaka ay kung bakit bilang nag-back out ang mga ito. In what reason?
"Kahapon lang nagsi-back out-an ang mga biggest client natin, Daphne," sagot ng Mama niya.
"Kahapon lang?" Hindi nakapaniwalang balik tanong ni Daphne sa Mama niya.
Narinig naman niya ang paghugot ng malalim na buntong-hininga ang Mama niya. At tanging tango lang ang isinagot nito sa kanya.
Kinagat naman ni Daphne ang ibabang labi habang nakatingin siya sa Mama niya. Hindi niya maiwasan ang makaramdam ng pag-alala dito lalo na no'ng makita niya problemadong bumalatay sa ekspresyon ng mukha nito. Hindi naman niya masisisi ang Mama niya kung ganoon ang maramdaman nito. Fruit of labor ng mga ito ang kompanya. Pinaghirapan ng magulang niya ang pagpapatayo ng Agustin Achitectural and Engineering Firm, dugo't pawis. At masakit para sa magulang na sa isang iglap lang ay mawala ang kompanyang pinaghirapan.
Tumayo naman si Daphne mula sa pagkakaupo niya para lapitan ang Mama niyang nakaupo sa swivel chair nito.
"Everything is gonna be okay, Mama," masuyong wika niya habang hinahaplos niya ang likod nito. "Babalik din po sa dati ang lahat, babalik lahat ng investor natin," pagpapalakas pa niya ng loob nito. "Huwag po kayong mag-isip masyado, ha," dagdag pa na wika niya habang patuloy siya sa paghaplos sa likod nito.
At sa sandaling iyon ay nag-iisip na din siya ng pwede niyang itulong sa magulang niya.
At mayamaya ay sabay silang napatingin sa pinto ng opisina ng bumukas ang pinto at pumasok do'n ang Papa niya.
Mukhang hindi maganda ang pinag-meeting-an nito ang mga Board of Directors dahil bagsak ang balikat nito. Napansin din niya na saglit itong natigilan na makita siya do'n. Mukhang hindi nito inaasahan na makikita siya nito do'n.
"Salvador," banggit naman ng Mama niya sa pangalan ng Papa niya. Pagkatapos niyon ay tumayo ang Mama niya mula sa pagkakaupo nito sa swivel chair nito at humakbang ito palapit sa Papa niya.
"Kamusta ang meeting niyo with the Board?" tanong ng Mama niya sa Papa niya ng tuluyan itong nakalapit.
Humugot naman ng malalim na buntong-hininga ang Papa niya. Pagkatapos niyon ay umiling-iling ito. "The Board made their final decision," wika ng Papa niya sa Mama niya sa malungkot na boses at base sa boses ng Papa niya ay mukhang bad news iyon. Tahimik lang naman siyang nakatingin habang nakikinig siya sa sinasabi ng Papa niya.
"And their decision is?"
Her father took a deep breath again. "They are going to withdraw all their shares in the company," sagot naman ng Papa niya sa tanong na iyon ng Mama niya. "And the Board wants to sell their shares to a Businessman," dagdag pa na wika ng Papa niya sa kanya.
"Sinong Businessman?"
"Cesare," sagot ng Papa niya. "Alessandro Cesare," banggit nito sa pangalan ng Businessman na tinutukoy nito.
Kasabay naman ng pag-awang ng kanyang labi ay ang panlalaki ng mga mata ni Daphne nang marinig niya ang pangalan na binanggit ng Papa niya sa Mama niya.
"Alessandro Cesare?" Hindi naman napigilan ni Daphne na ulitin ang pangalan na binanggit ng Papa niya kanina. Napansin naman niya na tumingin ang magulang niya sa kanya.
"Do you know him, Daphne?" his father asked her.
Bumuka-sara naman ang labi ni Daphne. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa tanong ng Papa niya sa kanya.
"I have one rule, Daphne. And it's a matter of trusting people. And never try to break my trust in you. Huwag mong susubukan na kumalas sa kasunduan natin na dalawa. Dahil hindi mo magugustuhan na magalit ako sa 'yo. And I will contact you about our wedding."
Mayamaya ay bahagyang nanlaki ang mga mata ni Daphne ng maalala niya ang bantang iyon sa kanya ni Alessandro.
May kinalaman ba ang lalaki kung bakit nagsi-back out-an ang lahat ng investor at client ng kompanya ng pamilya niya, kung bakit balak din ng Board na ibenta ang shares ng mga ito sa lalaki? Iyon ba ang tinutukoy nito na hindi niya magugustuhan kapag nagalit ito sa kanya?
Hindi kasi sinasagot ni Daphne ang tawag ni Alessandro mula pa kahapon. Iyon na ba ang banta nito sa kanya once na sirain niya ang tiwala nito?
Si Alessandro ba ang may kagagawan ng lahat ng iyon?
"Pa, Ma, just a moment," pag-e-excuse naman ni Daphne sa magulang niya. Hindi naman na niya hinintay ang mga ito na magsalita, kinuha naman niya ang bag niyang nakapatong sa center table na nasa loob at saka siya lumabas ng opisina ng mga magulang niya para naman pumasok sa sarili niyang opisina.
May sarili din kasing opisina si Daphne sa kompanya. Pagkapasok nga niya ay agad niyang inilabas ang cellphone sa loob ng bag niya. Agad naman niyang hinagilap ang numero ni Alessandro. She unblocked his number and then she called him.
Kagat-kagat naman ni Daphne ang ibabang labi habang nagri-ring ang cellphone nito. "Please...answer the call," pagkausap naman niya habang patuloy na nagri-ring ang cellphone nito hanggang sa operator ang sumagot.
She dialled his number again. Hindi niya ito titigilan hanggang sa hindi nito sinasagot ang tawag niya. She need to talk to him. She needs to know if Alessandro has anything to do with what's going on in their company.
At mayamaya ay napaayos si Daphne mula sa pagkakatayo niya ng sagutin nito ang tawag niya.
"What?" Iyon agad ang bumungad na wika nito ng sagutin nito ang tawag niya. His voice is still cold like an ice.
Saglit naman niyang kinagat ang ibabang labi bago bumuka ang bibig niya para magsalita. "I-ikaw ba ang dahilan sa nangyayari sa kompanya namin?" tanong agad niya dito.
"What did I tell you?" he asked her in a deep and baritone voice.
"N-na huwag kung sisirain ang tiwala mo sa akin. At...huwag akong kakalas sa kasunduan natin," sabi niya sa nauutal na boses. Ang tinutukoy niyang kasunduan ay ang kondisyon nito para pakawalan siya nito. At iyon nga ay ang pagpapakasal nilang dalawa. Sinabi kasi nito na ko-contact-in siya nito tungkol sa kasal pero hindi niya sinasagot ang tawag nito.
Hindi niya maipaliwanag, pero kinakabahan siya sa sandaling iyon. Grabe din ang bilis ng t***k ng puso niya na para bang tumakbo siya ng mabilis.
"Pero anong ginawa mo?" tanong nito sa kanya. At nang hindi pa siya nagsasalita ay ito ang sumagot sa sarili nitong katanungan. "You never answer my calls and you have the guts to block me," dagdag pa na wika nito.
Hindi naman nito derektang sinagot ang tanong niya kung may kinalaman ba ito sa nangyayari sa kompanya nila, pero kahit na hindi nito sinagot ang tanong niya ay alam niyang ito ang may kagagawan ng lahat. At dahil iyon sa sinira niyang tiwala nito sa kanya.
"And Daphne, nagsisimula pa lang ako. Just prepare for the worst," he added before he cut the line.
Para naman siyang kandilang unti-unting naubos matapos niyang makausap si Alessandro.