ALESSANDRO Cesare is busy reading a few e-mails on his laptop when his phone rang. Nagsalubong naman ang kilay niya nang inalis niya ang tingin sa harap ng kanyang laptop at inilipat niya iyon sa cellphone na nakalapag sa ibabaw ng executive table na tumutunog pa din hanggang ngayon.
Hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya ng damputin niya ang cellphone na patuloy sa pagtunog. At halos mag-isang linya ang mga kilay nang makita at mabasa niya kung sino ang tumatawag sa kanya sa sandaling iyon.
It’s Magnus--his right handed.
He answered the phone call. “Lord Alessandro,” wika ni Magnus mula sa kabilang linya ng sagutin niya ang tawag nito.
“What?” he asked him, his voice is cold like an ice.
“We found him,” wika naman nito sa kanya.
Hindi naman niya napigilan ang pagkuyom ng kamao. Hindi naman na kailangan banggitin ni Magnus kung sino ang tinutukoy nitong nakita na. Dahil kahit na hindi ito magbanggit ng pangalan ay alam na niya agad kung sino iyon.
“Where’s f*****g, Jomar?” he said in a dangerous tone. Malaki kasi ang atraso nito sa kanya. At lahat ng may atraso sa kanya ay hindi niya hinahayaan na makatakas sa kanya.
And whoever violates what he wants or whoever broke his trust, will be punished. And he wasn’t joking about that. Bluffing is not part of his vocabulary. Kapag sinabi niya ay sinabi niya.
And he is Alessandro Cesare, no one messes him.
“In the hideout, Lord Alessandro,” sagot nito sa kanya.
“Okay,” wika niya sa malamig na boses. “Ready the car,” utos niya dito mayamaya.
Hindi naman na hinintay ni Alessandro na magsalita pa si Magnus. Ibinaba na niya ang tawag. Pagkatapos ay isinara niya ang laptop na nasa harap bago siya tumayo mula sa pagkakaupo niya sa swivel chair. Kinuha naman niya ang coat niya na nakasabit sa coat rack at saka siya lumabas ng opisina niya. Nakita niya ang pagtayo ng Secretary niya nang makita siya nitong lumabas ng opisina pero hindi niya ito pinansin. Tuloy-tuloy siyang naglakad hanggang sa makasakay siya sa private elevator na tanging siya lang ang sumasakay.
Well, may ibang sumasakay do’n, lalo na kapag kasama niya ang kanang kamay niyang si Magnus.
Nang huminto ang elevator at bumakas iyon ay lumabas na siya. Nakita naman niya si Magnus na nasa tabi ng itim at mamahalin niyang sasakyan. And it was bullet proof car. Binili pa niya iyon ng mahal para sa proteksiyon niya. Marami kasing banta sa buhay niya at isa lang sa mga halimbawa ay iyong nangyari sa kanila noong nakaraang araw na kung saan pinaulanan sila ng putok ng bala ng baril. At kung hindi bullet proof ang kotse niya ay baka may masamang nangyari na sa kanila.
Lahat naman na pag-aari ni Alessandro sasakyan ay bullet proof for his protection. Sa Mansion na pag-aari nga niya ay nagkalat ang mga tauhan niyang mga armado.
At nang makita siya ni Magnus ay agad nitong binuksan ang pinto ng kotse sa gawi ng backseat.
Wala namang imik na sumakay si Alessandro do’n. At nang makita nitong nakasakay na siya ng maayos ay maingat naman na nitong isinara ang pinto at humakbang na ito sa gawi ng driver seat.
“We’re leaving, Lord Alessandro,” imporma ni Magnus sa kanya ng paandarinin na nito ang makina ng kotse.
Tumango lang naman siya bilang sagot sa sinabi nito. Isinandal naman niya ang likod sa headrest ng backseat habang hinihintay niya na makarating sila sa pupuntahan.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na sila sa pupuntahan. Bumusina si Magnus at mayamaya ay bumukas ang malaking gate. Ipinasok nito ang kotseng minamaneho nito do’n. Nakita niya na nagkalat ang mga armadong mga kalalakihan sa paligid.
Ang lugar na tinatawag niyang 'Hideout' ay ang lugar kung saan ginagawa nila ang mga illegal nilang transaksiyon. Malaking lupain iyon na pag-aari niya na malayo sa kabihasnan.
Isa at kalahating taon ng naninirahan si Alessandro sa Pilipinas. Kapag kailangan siya ng Segreto ay bumabalik siya sa Italy. Hindi naman mahirap sa kanya ang transportasyon dahil may pag-aari siyang private plane. At anumang oras o araw ay nakakalabas-masok siya sa bansa.
Inutusan ni Alessandro noon si Magnus na ihanda ang private plane niya dahil pupunta sila ng Pilipinas dahil hahanapin nila ang nag-iisang anak ni Lucas. Pero sa loob ng isa at kalahating taon na iyon ay hindi pa din nila nahahanap ang anak nito. Halos halughugin na nga nila ang buong Pilipinas pero hindi pa din nila ito nahahanap. Pati nga ang babaeng naanakan nito. Mahirap kasi itong hanapin lalo na at wala silang masyadong impormasyon sa mga ito. Pangalan lang ang tanging impormasyon na alam niya kaya nahihirapan sila sa paghahanap. Mayro'n naman na siyang mga tauhan na pinapakilos para hanapin ang mga ito.
At habang hindi pa nila nahahanap ang mga ito ay nag-desisyon si Alessandro na magtayo ng legal na negosyo sa Pilipinas. Gaya ng ginawa ni Lucas Cesare, props lang din niya ang legal na negosyo para maipasok niya ang illegal na business na minama niya kay Lucas Cesare. Gusto kasi niyang palawakin ang Segreto, hindi lang sa bansang Italy, balak din niyang palawakin iyon sa buong mundo. At ang bansang tinarget ni Alessandro sa Asia ay ang Pilipinas. And for him, it's a good investment. Dahil hindi lang ang legal na negosyo niya ang naging successful, pati na din ang illegal na negosyo niya. Lalo na ang Money Laundering and Arm Dealing na illegal na negosyo na ipinasok niya sa bansa.
At habang wala pang lead sa pinapahanap niya ay abala naman siya sa mga negosyo niyang pinasok niya sa Pilipinas.
At nang tuluyang nakapasok ang kotseng sinasakyan ni Alessandro ay awtomatiko na sumara ang gate.
Dumaan sila sa malawak na lupain na pag-aari niya hanggang sa ihinto ni Magnus ang kotse. Mayamaya ay nakita niyang may lumapit na isang armadong lalaki sa kotse nila. Binuksan nito ang pinto sa gawi niya. Bumaba naman siya ng kotse. “Good afternoon, Lord Alessandro,” bati nito sa kanya.
“Where’s the f*****g idiot?” he asked him in cold and dangerous voice.
“Nasa loob, Lord Alessandro,” sagot nito sa kanya.
Nang sumagot ito ay tinalikuran na niya ito at naglakad siya patungo sa loob ng Hideout. Halos magkasalubong nga ang kilay niya habang naglalakad siya papasok sa loob. Naramdaman nga din niya ang pagsunod ni Magnus sa kanya. Nanatili naman ito sa likod niya.
At nang makapasok siya sa loob ng Hideout ay niluwagan niya ang pagkakasuot niya sa kanyang necktie.
Ginala naman niya ang tingin sa paligid. At naningkit ang mga mata niya nang makita niya si Jomar.
Nakatayo ito habang nakagapos ang dalawang kamay nito pataas. Nakapiring din ang mga mata nito habang nakalaylay ang ulo nito.
Binigyan niya ng ultimatum si Magnus na hanapin si Jomar at dalhin sa kanya ng buhay. Binigyan niya ito ng dalawang araw para gawin ang pinag-uutos niya. At hindi naman siya nito binigo dahil bago matapos ang palugit na ibinigay niya ay nahanap na nito si Jomar.
Nang makita ito ni Alessandro ay hindi niya napigilan ang mapakuyom ng kamao. Nilingon naman niya si Magnus sa likod niya, sa isang tingin lang niya ay nakuha agad nito ang ibig niyang sahihin.
Tumango ito at walang imik na humakbamg palapit kay Jomar. Tinanggal ni Magnus ang piring sa mata ni Jomar. At pagkatapos niyon ay kinuha nito ang timba na may lamang malamig na tubig. At saka nito iyon ibinuhos kay Jomar. Nagising ito at napaubo. At mayamaya ay nagmulat ito ng mga mata. Napansin naman niya ang takot na bumalatay sa mga mata nito nang makita siya.
He was afraid of his life when he saw him. Takot ito nang makita siya pero hindi ito natakot na kalabanin siya.
Isa sa mga tauhan ni Alessandro si Jomar. Ito ang pinagkakatiwalaan niya na mamahala sa isa sa mga illegal na negosyo niya sa Pilipinas. Pero nagawa nitong lokohin siya. Itinakbo kasi nito ang perang kinita sa negosyo niya. At hindi lang basta pera ang ibinulsa nito. And it’s worth five hundred million.
To be honest, barya lang para kay Alessandro ang perang ibinulsa ni Jomar. Pero ang importante kasi sa kanya ay ang tiwala. And he broke his trust. At iyon ang pinakaayaw ni Alessandro. No one messes with him.
“L-lord Alessandro?” sambit ni Jomar sa pangalan niya sa nanghihinang boses nang makita siya nito.
He looked at him with a deadly gaze. “What is my number rule?” he asked him in a cold voice.
Nang hindi ito sumagot sa tanong niya ay siya na mismo ang sumagot sa sariling tanong. “No one shall broke my trust,” wika niya sa mariin na boses, hindi din niya napigilan ang maningkit ang mga mata habang nakatitig siya dito.
Alam ng lahat ng tauhan niya ang number one rule niyang iyon. Sa mundong ginagalawan niya ay mahirap magtiwala. Gaya ng paulit-ulit na sinabi ni Lucas Cesare sa kanya noong nabubuhay pa ito ay sarili lang niya dapat ang pagkatiwalaan niya dahil hindi niya alam kung sino ang sasaksak sa kanya ng patalikod. And to be honest, sarili lang niya ang pinagkakatiwalaan niya.
“But you have failed to remember my rule,” dagdag pa na wika niya. “And you know what punishment will happen to you,” pagpapatuloy pa na wika niya sa mariing boses. “Death,” he said. “But before that, let’s do it little by little. I want you to feel the punishment that you won’t forget before you die for betraying me,” his voice was cold like as ice.
Pagkasabi nga niya iyon ay tumingin siya kay Magnus. Agad ulit nitong nakuha ang ibig niyang sabihin.
Tumingin naman ito sa mga tauhan nilang naroon din para utusan ang mga ito. “Punish him,” utos ni Magnus sa mga tauhan niya.
“Yes, Sir,” sagot naman ng mga ito kay Magnus bago kumilos.
Hindi naman na hinintay ni Alessandro ang pagpaparusa na matatanggap ni Jomar. Tumalikod naman na siya at humakbang na palabas sa Hideout. Naramdaman din niya ang pagsunod ni Magnus sa kanya.
At habang naglalakad ay rinig niya ang bawat daing ni Jomar sa parusang natatanggap nito sa sandaling iyon.
Pero walang nararamdaman na awa si Alessandro. His rule is his rule. And no one dares to break his rule. Para na din iyon sa mga iba niyang tauhan. Para matakot ang mga ito na gawin ang ginawa sa kanya ni Jomar, para matakot ang mga ito na traydurin siya.
Pagkalabas naman ni Alessandro sa Hideout ay tumunog ang ringtone ng cellphone niya. Kumunot ang noo niya nang makita na overseas call iyon.
Huminto naman siya sa paglalakad para sagutin ang tawag. "Hello?" wika niya sa malamig na boses.
"Lord Alessandro?"
Lalong kumunot ang noo niya nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon ni Lorenzo--ang Family Lawyer ng Cesare.
"Why are you calling?" tanong naman niya dito mula sa kabilang linya. Mukhang may importante itong sasabihin sa kanya, hindi naman kasi ito tatawag kung wala itong ibang sasabihin.
"Lord Alessandro, I want to tell you something," wika nito, napansin niya ang panginginig ng boses nito. Sa sobrang pagkakasalubong ng kilay niya ay nag-isang linya iyon.
"What?" he asked him.
"Sir Federico and Sir Adriano found out about Sir Lucas's will. They also know about Sir Lucas' heir,'" he told him.
"How did they know?" he asked him in a cold voice. Mahigpit kasi niya na binilinan ito na huwag nitong sasabihin kay Federico at Adriano ang tungkol sa iniwang Last Will ni Lucas. Dahil ayaw niyang maunahan siya ng mga ito sa paghahanap sa Tagapagmana.
"I am sorry, Lord Alessandro. They threatened to kill my family if I didn't tell about the Last will," wika nito sa kanya.
"f**k!"
Hindi naman niya napigilan ang mapamura ng sandaling iyon. Halos kumuyom din ang kamao niya na hawak na cellphone. Hindi na din siya nagbigay ng komento sa sinabing iyon ni Lorenzo. Sa halip ay ibinaba niya ang tawag.
"Magnus," mayamaya ay tawag niya sa kanang kamay niya.
Lumapit naman ito sa kanya. "Yes, Lord Alessandro?"
"I want you to do something," he said with gritted teeth while clenching his fist.
"What it is, Lord Alessandro?" he asked him.
Sinabi naman ni Alessandro ang gusto niyang ipagawa kay Magnus.