SA totoo lang ay gustong-gusto ni Daphne na tumakas mula sa kamay ni Alessandro. Pero sa tuwing naaalala niya ang banta nito sa kanya nanginginig siya sa takot. Mukha naman itong hindi nagbibiro ng pagbantaan siya nito dahil seryoso ito.
Paano kapag tumakas siya at barilin nga siya ng mga tauhan nito na nasa labas?
Mas lalong nanginig si Daphne sa takot ng sandaling iyon. Ayaw pa niyang mamatay, kailangan pa siya ng magulang niya. Marami pa siyang gustong gawin sa buhay. Gusto pa niyang mag-asawa, gusto pa niyang magkaanak, gusto din niyang magkapamilya.
Kung gusto mo pang mabuhay, mag-isip ka ng paraan kung paano ka makakatakas do'n ng hindi mamamatay, wika naman ng bahagi ng isipan ni Daphne.
Kinagat naman niya ang ibabang labi, pinunasan din niya ang luhang namalibis sa pisngi niya.
Tama ang sinabi ng bahagi ng isipan niya. Kung gusto niyang makaalis do'n ng buhay, kailangan niyang mag-isip kung paano.
Why don't you try to persuade, Alessandro? suhestiyon ng bahagi ng isipan niya.
Why not? sagot naman niya sa sarili. Susubukan niya ulit na kausapin ito baka sa pagkakataong iyon ay mapakiusapan na ito.
Nagpakawala naman si Daphne ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama. Matapos siyang pagbantaan ni Alessandro ay bumalik siya sa kwartong tinuluyan niya.
Humakbang naman si Daphne palabas ng kwarto para hanapin si Alessandro. Napatingin naman siya sa nakasarang pinto sa tabi ng kwarto na tinutuluyan. Narinig niya kanina ang pagbukas-sara niyon. Humakbang naman siya palapit sa pinto, nagbabakasakali siya na baka do'n ang kwarto nito.
Humugot ulit siya ng malalim na buntong-hininga bago tumaas ang isang kamay niya para kumatok. At nang wala pa ding nagbubukas sa kanya ay napagpasyahan niyang pihitin ang seradura at sumilip siya do'n.
Tumambad naman sa kanya ang napakalaking kwarto. Tumuon din ang tingin niya sa King size bed na naro'n.
"H-hello?" wika niya, iginala din niya ang tingin sa paligid para hanapin ito hanggang sa tumigil ang tingin niya sa nakabukas na pinto na nasa loob ng kwarto. Dalawang pinto ang naroon sa loob ng kwarto at sigurado siyang ang isang pinto ay ang banyo.
Tuluyan naman siyang pumasok sa loob ng kwarto nito. Dinala siya ng kanyang paa patungo sa nakabukas na pinto. At sumilip siya kung ano ang mayro'n do'n. At mukhang Gym iyon dahil nakita niya ang mga Gym Equipment na naroon. At no'ng tumingin siya sa gilid ay nakita niya do'n si Alessandro.
Wala itong suot na pang-itaas habang nag-e-exercise ito sa isang Pull-up bar-- isa sa mga Gym Equipment nito. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi pa din siya nito nakikita, hindi naman napigilan ni Daphne ang mapatingin sa braso nito habang itinataas nito iyon sa Pull up Bar. Kita kasi niya ang pag-flex ng muscle nito sa braso at kita din niya ang tattoo nito sa may tagiliran. Kita din niya ang namamawis na likod nito.
Tumikhim naman si Daphne para kunin niya ang atensiyon nito. Napansin naman niya na napahinto ito sa ginagawa ng marinig nito ang pagtikhim niya. Pagkatapos ay binitawan nito ang hawak at tumingin ito sa likod niya.
Blanko ang ekspresyon ng mata nito ng magtama ang mga mata nila. Kinuha din nito ang puting tuwalya na nakasabit do'n at ginamit nito iyon para punasan ang namamawis na mukha nito at ang matitipunong dibdib nito.
Hindi naman niya napigilan ang sarili na sundan ito sa ginagawa nitong pagpupunas sa matitipunong dibdib nito. Hindi nga din nakaligtas sa kanyang paningin ang six-pack abs nito. And she had to admit, Alessandro is hot. He has a masculine body.
"Done staring at my body?"
Mayamaya ay napakurap-kurap siya ng mata ng marinig niya ang baritonong boses nito. Mabilis naman niyang inalis ang tingin sa katawan nito at inilipat niya iyon sa mukha nito. At kahit na hindi siya nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin ay alam niyang pulang-pula na ang magkabilang pisngi niya, lalo na nang makita niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito.
Tumikhim naman siya. "Pwede...ba tayong mag-usap," wika naman niya dito para pagtakpan ang pagpula ng pisngi niya.
"Anong gusto mong pag-usapan natin?" tanong naman nito.
Akmang bubuka ang bibig niya para sana magsalita ng mapatigil siya ng biglang tumunog ang tiyan niya. At mas lalong namula ang pisngi niya nang makita ulit niya ang pag-ngisi nito.
Alessandro stared at her for a moment. Pagkatapos niyon ay humakbang ito palabas. "Follow me," utos naman nito sa kanya ng malagpasan siya nito.
Saglit naman siyang nanatili sa kinatatayuan hanggang sa sundan niya ito. Nakita naman niyang lumapit ito sa walk-in closet nito at kumuha ito ng puting T-shirt. Nakasunod lang naman ang tingin niya ng magbihis ito sa harap niya. Pagkatapos ay walang imik na lumabas ito ng kwarto. Sinundan naman niya ito.
"Saan tayo pupunta?" tanong naman ni Daphne kay Alessandro ng bumaba sila sa Grand Staircase nito.
"Just follow me," wika nito ng hindi siya nililingon.
Nagpakawala na lang naman si Daphne ng malalim na buntong-hininga at sinunod niya ang pinag-uutos nito. Nanatili naman siyang nakasunod sa likod nito.
At halos inisang hakbang lang niya ang pagitan nilang dalawa ni Alessansdro ng pagkababa nila ng hagdan ay sumalubong sa kanya ang apat na Rottweiler nito. At lahat ng iyon ay nakatingin sa kanya, napansin pa nga niya na nakataas ang tainga ng mga ito. At maling kilos lang niya ay handa na ang mga ito na lapain siya.
Dahil sa takot na nararamdaman niya para sa aso ay hindi niya napigilan na hawakan ang damit nito sa likod. Napansin naman niya na natigilan ito sa paglalakad at nakakunot ang noo na nilingon siya nito.
Hindi naman niya magawang sumagot kaya binalingan na lang niya ang mga aso nito. At mula sa gilid ng kanyang mata ay nakita niyang tiningnan nito ang tinitingnan niya.
"Let's go," wika naman na nito mayamaya sa baritonong boses.
Hindi naman na niya inalis ang kamay sa damit nito ng maglakad din siya. At mayamaya ay pumasok silang dalawa sa dining area.
Tumutok naman ang tingin niya sa malaking dining table. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa 24 seater iyon. "You can let me go," mayamaya ay wika nito sa kanya.
Mabilis naman niyang binitiwan ang damit nitong hawak niya. Hindi niya napansin na hawak-hawak pa din niya iyon.
"Linda," mayamaya ay narinig niya na tawag ni Alessandro.
Mayamaya ay may lumapit na isang babae sa kanila. Nakasuot ito ng uniform, at kung hindi siya nagkakamali ay nasa mid-forties na ito.
"Yes, Lord Alessandro?" wika naman ng babaeng tinawag nitong Linda, napansin din niya na bahagya itong yumuko sa lalaki.
"Bigyan mo ng pagkain si..." Hindi nito masabi ang pangalan niya. Sumulyap ito sa kanya. "Name?"
"D-daphne," sagot naman niya sa mahinang boses.
"Bigyan mo ng pagkain si Daphne," utos nito.
"H-huwag na. Hindi naman ako--hindi naman na niya natapos ang iba pa niyang sasabihin ng ipahiya siya ng kanyang tiyan. Muli na naman kasing tumunog ang tiyan niya. Iniwas naman niya ang tingin kay Alessandro dahil ayaw niyang makita nito ang pamumula ng magkabilang pisngi niya dahil sa pangalawang pagkakataon ay ipinahiya na naman siya ng kanyang tiyan. Sa totoo lang ay nagugutom na kasi siya, kagabi pa siya walang masyadong kinain.
"Okay, Lord Alessandro," wika naman ni Linda sa lalaki.
"Daphne," mayamaya ay narinig niya na tawag ni Alessandro sa pangalan niya.
Nag-angat naman si Daphne ng tingin patungo kay Alessandro. Napansin naman niya na titig na titig ito sa kanya. At hindi naman niya maintindihan ang sarili dahil hindi din niya maalis ang tingin sa lalaki.
"Take a seat," mayamaya ay wika nito sa kanya. Humila naman ito ng silya at umupo ito sa pinakaharap. Nanatili naman siyang nakatayo sa kinatatayuan habang nakatingin siya dito.
And right now, he looks like a king who sits on his throne.
"Why are you still standing there? I said, take a seat,," untag nito nang hindi pa siya kumikilos mula sa kinatatayuan niya. "Pick where you'd like to sit," wika pa nito nang mapansin niyang hindi niya alam kung saan siya uupo.
Umupo naman siya malayo dito. Humugot ulit siya ng malalim na buntong-hininga para kumuha siya ng lakas ng loob.
"A-alessandro," banggit naman niya sa pangalan nito ng balingan niya ito. Agad namang nagtama ang mga mata nila dahil nakatingin pala ito sa kanya.
"What?" he asked her in a deep and baritone voice.
"Can we talk now?" sabi naman niya.
Tinaasan lang naman siya nito ng isang kilay. At habang malakas pa ang loob niya sinabi na niya dito ang gusto niyang sabihin. "Pakawalan mo na ako," wika naman niya dito habang sinasalubong niya ang titig nito.
Isinandal naman nito ang likod at saka nito pinag-krus ang braso sa ibabaw ng dibdib nito. "No," matigas na wika nito.
Hindi lang pala ang boses nito ang matigas, pati na din ang puso nito.
"What do you want from me?" Hindi naman niya napigilan na itanong iyon dito. Alam niyang hindi pera ang kailangan nito sa kanya dahil sa tingin niya ay mas mayaman ito.
"You," sagot nito na hindi inaalis ang tingin sa kanya.
Nanlaki naman ang mga mata ni Daphne sa sinabi nito. Agad din naman niyang niyakap ang sarili. Sa ginawa niya ay napansin niya ang pagtaas ng isang kilay nito?
"Afraid now? Last night, you threw yourself at me," wika nito.
Bumuka-sara naman ang bibig niya. "I...was drunk and I was drugged last night," paliwanag naman nuya dito.
"Do you want me to drug you now?"
Nanlaki naman ang bibig niya sa sinabi nito. Bubuka sana ang bibig niya para magsalita ng mapahinto siya ng may pumasok na isang lalaki.
"Excuse me, Lord Alessandro," wika ng lalaking pumasok sa Dining Area.
Nag-angat naman siya ng tingin patungo sa nagsalita. At nakita niya ang isang matangkad na lalaki, foreigner. At pamilyar ang mukha nito sa kanya. At kung hindi siya nagkakamali ay ito iyong kasama ni Alessandro kagabi, bodyguard yata nito.
"Yes, Magnus?"
"May I speak with you, Lord Alessandro? I want to talk to you about something important," wika ni Magnus kay Alessandro.
"Go ahead," wika naman ni Alessandro.
Sa halip naman na magsalita si Magnus ay sumulyap ang malamig nitong titig sa kanya. "In private," wika nito nang ibalik nito ang tingin kay Alessandro, mukhang ayaw nitong iparinig sa kanya kung ano ang sasabihin nito.
"Okay," wika ni Alessandro. Pagkatapos niyon ay tumayo ito mula sa pagkakaupo nito. "You stay here," wika nito sa kanya. Hindi naman siya nito hinintay na magsalita, sa halip ay naglakad na ito palabas ng Dining Area, sumunod din naman si Magnus dito. Nakasunod lang naman ang tingin niya sa dalawa hanggang sa tuluyan mawala ang mga ito sa paningin niya.
Nagpakawala naman si Daphne ng malalim na buntong-hininga nang mapag-isa siya do'n.
"Ma'am," mayamaya ay napatingin siya sa kanyang gilid nang may tumawag sa kanya. Nakita naman niya ang babaeng inutusan ni Alessandro na kuhanan siya ng pagkain ang tumawag sa kanya. Nakita niyang may bitbit itong tray na may lamang pagkain.
Ipinatong naman nito iyon sa harap niya. "Kain na po kayo," wika nito sa kanya. "Tawagin niyo lang po ako kung may kailangan kayo," dagdag pa na wika nito. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na ito sa kanya. Pero hindi pa ito tuluyang nakakaalis ng tawagin niya ito.
"Wait," wika niya dito.
"Yes, Ma'am?" wika naman nito sa kanya ng sulyapan siya nito.
She stared at her for a moment. "Tulungan mo akong makaalis dito," wika naman niya dito, umaasa siya na tutulungan siya nito.
Napansin naman niya ang takot na bumalatay sa mukha nito sa sinabi niya. "Pasensiya na po, Ma'am, pero mahal ko po ang buhay ko," wika naman nito, pagkatapos ay nagmamadali na itong umalis do'n.
Bumagsak naman ang balikat niya. Mukhang wala siyang pag-asa na makaalis do'n. Napahugot na naman siya ng malalim na buntong-hininga. Napatingin din siya sa pagkain sa harap niya, nagugutom na siya pero wala siyang ganang kumain ng sandaling iyon.
Makalipas naman ng ilang oras ay bumalik si Alessandro sa Dining Area. Napansin naman niya ang seryosong ekspresyon ng mukha nito.
Umupo naman ito sa binakante nitong upuan. Napalunok siya ng makailang ulit ng tumingin ito sa kanya. There's been something different in his eyes as he stared at her.
"Gusto mong umalis dito?" tanong nito sa seryosong boses mayamaya.
Napaayos naman si Daphne mula sa pagkakaupo niya. Sunod-sunod din ang ginawa niyang pagtango. "Yes," sagot niya.
"I will allow you to leave. But in one condition," he said in a deep and baritone voice.
"What condition?" tanong naman niya agad dito.
Alessandro stared at her for a moment. "Marry me."