Chapter 4

2018 Words
DAPHNE groaned when she woke up in the morning with a headache. Nakapikit pa din ang mga mata niya ng tumaas ang isang kamay niya patungo sa sentido para masahiin iyon. Ilang minuto din siyang nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa nagmulat siya ng mga mata. At hindi napigilan ni Daphne ang mapakunot ng noo nang mapansin niya na hindi pamilyar na lugar ang paligid niya sa sandaling iyon. It was not her room. Agad naman siyang napabalikwas nang bangon pero napaungol siya ulit ng kumirot na naman ang ulo niya. At nang medyo okay na ang pakiramdam niya ay muli na naman niyang iminulat ang mga mata. "Where am I?" Hindi naman niya napigilan na itanong iyon sa sarili habang inililibot niya ang tingin sa hindi pamilyar na paligid. Pinilit din niyang inaalala ang nangyari kagabi hanggang sa isa-isang bumalik sa kanyang ala-ala ang mga nangyari. Para nga iyong flashback na sunod-sunod na nag-replay sa isip niya. Natutop na lang niya ang bibig ng naging malinaw sa kanyang isipan ang nangyari. Nakaramdam din ang panginginig ang katawan niya dahil sa takot. At sa sandaling iyon ay may ideya na din siya kung nasaan siya. Kung hindi siya nagkakamali ay baka bahay iyon ng estrangherong lalaking nakahalikan niya sa Bar kagabi. At mayamaya ay hindi napigilan ni Daphne ang manlaki ng mga mata nang makita na iba na ang damit na suot niya sa sandaling iyon. Nakasuot na kasi siya ng puting long sleeve, halatang malaking bulas ang may-ari niyon dahil maluwag iyon sa kanya at umabot pa ang haba niyon hanggang sa tuhod niya. Hindi nga maayos ang pagkakabutones niyon ay napansin din niya ang paglitaw ng makinis na dibdib niya. Hindi naman na niya iyon masyadong pinagtuunan ng pansin. Ang pinansin niya ay ang sariling katawan. Pinakiramdaman kasi niya iyon. At do'n lang naman siya medyo nakahinga nang wala siyang maramdaman na kirot sa katawan, tanging ulo lang niya ang kumikirot dahil din siguro sa nainom niyang alak. Hinanap naman ni Daphne ang cellphone niya, tatawagan kasi niya si Ara baka kasi hanapin siya nito, eh, kasama pa naman niya ito kagabi. Pero halos mahilo na siya sa kahahanap sa cellphone niya, hindi pa din niya iyon makita. Nagpakawala naman si Daphne nang malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay bumaba siya ng kama, hinanap din niya ang mga damit na tinanggal sa katawan niya pero pati din iyon ay hindi niya makita kaya napagpasyahan na lang niyang lumabas ng kwarto ng ganoon ang suot. Kailangan niyang makaalis do'n as soon as possible. Hindi kasi siya ligtas kung mananatili pa siya do'n. Naalala pa nga niya kung ano ang nangyari kagabi, ang pagpapaulan sa kanila ng putok ng bala at ang pagganti din ng lalaki. Armado ang mga ito ng baril. At hindi din maalis sa isip niya ang nakakamatay na titig na pinagkakaloob nito sa kanya kagabi. And for her, staying at his place means danger. Nakahinga naman si Daphne nang maluwag nang hindi naka-lock ang pinto sa kwartong kinaroroonan. Dahan-dahan naman niya iyong binuksan. Sumilip siya do'n at nang makita niya na walang tao sa labas ng kwarto ay tuluyan na siyang lumabas. Hindi naman niya napigilan ang paggala ng tingin sa paligid. Mukhang nasa pangalawang palapag siya ng bahay. Hindi lang simpleng bahay iyon. It was a Mansion. Unang sumalubong sa kanyang mga mata ay ang napakagandang chandelier, at sigurado siyang hindi biro ang halaga ng chandelier na iyon. It worth millions. Pati nga ang Grand Staircase, bakas ang karangyaan. Ipinilig naman na ni Daphne ang ulo, kailangan niyang makaalis do'n habang wala pang nakakapansin sa kanya. Kagat ang ibabang labi na bumaba siya sa hagdan. Saktong nakababa na siya ng makarinig siya ng tahol ng mga aso sa gilid niya. At nang tumingin siya do'n ay ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mata nang makita ang hindi lang isa, kundi apat na naglalakihang aso. Kung hindi siya nagkakamali ay Rottweiler ang lahi ng mga iyon. Hindi naman makagalaw si Daphne, halos pigil din niya ang hininga sa sandaling iyon habang nakatingin siya sa mga Rottweiler. Pakiramdam kasi niya kapag gumalaw siya ay lalapain siya ng apat na aso na hanggang ngayon ay patuloy pa din sa pagtahol. Pero bago pa siya malapa ng mga ito ay may baritonong boses siyang narinig mula sa likod niya. "Blacky, stop. And go to your place." Narinig ni Daphne na utos ng isang baritonong boses. Do'n lang naman nakahinga ng maluwag si Daphne ng nagsialisan ang mga aso sa harap niya. Pagkatapos ay lumingon siya sa kanyang likod. And standing there is the man she was making out with. It's Alessandro. Nakasuot ito ng tattered na pantlon at puting V-neck shirt. Halatang kagigising lang nito dahil magulo pa ang buhok nito. But still, he's handsome. Ipinilig naman niya ang ulo dahil nasa panganib siya ay nagawa pa niyang i-admire ito. Bumaba naman ang lalaki sa hagdan habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Gusto naman niyang umatras pero parang may malaking bagay ang nakadagan sa binti niya dahil hindi niya iyon maigalaw. At kahit na medyo nanginginig ay nagawa pa din niyang salubungin ang titig nito. Sunod-sunod naman ang ginawa niyang paglunok nang makita niya ang pagpasada ng tingin nito sa kabuuan niya. At do'n lang naman niya na-realize kung ano ang suot niya sa sandaling iyon. Mabilis naman niyang inayos ang long sleeve na suot niya para hindi makita nito ang dibdib niya. Napansin naman niya ang paniningkit ng mga mata nito sa ginawa niya. "And where do you think you're going?" he asked her in a cold but baritone voice. Saglit naman niyang kinagat ang ibabang labi. "U-uwi na ako sa amin," sabi naman niya, hindi din niya maiwasan ang pagpiyok ng boses. Tumikhim siya para maalis ang bara sa kanyang lalamunan. Napansin naman ni Daphne ang pagtaas ng isang kilay nito sa sinabi niya. "And who said you can go home?" Sa pagkakataong iyon ay do'n umakyat ang dugo niya sa ulo. Nakaramdam siya ng inis para sa lalaki. Sinalubong niya ang malamig na titig nito. "And who are you to stop me from going home?" Hindi niya mapigilan na sabihin iyon dito. Napansin ulit niya ang paniningkit ng mga mata nito habang nakatitig ito sa kanya. Nakakatakot, pero pilit niyang sinasalubong ang titig nito. "They call me Lord Alessandro." Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang naningkit ang mga mata. "Aalis ako. And you can't stop me," sabi naman niya, hindi na din niya ito hinintay na magsalita, sa halip ay tumalikod siya. Wala kasing karapatan ang lalaki na pigilan siya na umalis. Pwede niya itong kasuhan ng kidnapping dahil kinukulong siya nito do'n against her free will. At akmang hahakbang siya paalis ng mapatigil siya ng hawakan nito ang braso niya. "You're in my house. And everything inside my house belongs to me at kasama ka na do'n. At kapag sinabi ko na hindi ka aalis ay hindi ka aalis," sabi nito sa mariin na boses. "Nagkakaintindihan ba tayo?" Nagpanting ulit ang tainga ni Daphne sa sinabi nito. Humarap naman siya dito at kasabay ng pagharap niya ay ang pag-angat ng isang kamay niya para sampalin ito. But it was wrong move dahil nagdilim ang ekspresyon ng mukha nito ng tumingin ito sa kanya. The look he was giving her at that moment was deadly. Naramdaman nga niya ang paghigpit ng pagkakawak nito sa braso niya. Gusto niyang tumakbo palayo pero mahigpit siya nitong hawak. "B-bitiwan mo ako. Nasasaktan ako," sabi naman niya pero sa halip na bitiwan nito ang braso niya ay mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito. Napangiwi naman siya sa naramdaman sakit mula sa pagkakahawak nito. "No one dare to slap me." His voice were dangerous, hindi nga niya maiwasan ang makaramdam ng panginginig. Pumipiglas siya mula sa pagkakawak nito pero the more na pumipiglas siya ay mas lalong humihigpit ang pagkakawak nito sa braso niya. And it hurts. "And do you know what happens to people like you?" he asked her with still dangerous voice. "Pinaparusahan," dagdag pa na wika nito malamig na boses. Hindi pa siya masyadong nahihismasan ng hilain nito ang braso niyang hawak nito palapit sa katawan nito. At nagulat na lang siya ng bigla nitong sinakop ang labi niya. Gamit ang isa nitong kamay ay tumaas iyon patungo sa batok niya para hindi niya mailayo ang mukha. Itinikom naman niya ang bibig para hindi siya nito mahalikan pero naibuka niya iyon ng pilit nitong ipinasok ang dila sa loob ng bibig niya. Nagtagumpay naman ito. His kissed was brutal. Hinalikan siya nito ng mapusok, mapangahas, mapagparusa at walang pag-iingat. Iyon yata ang sinasabi nitong parusa sa kanya. Sa katunayan ang nasasaktan siya sa paraan ng paghalik nito sa kanya. Pilit nga niya itong tinutulak pero para lang siyang tumulak sa pader dahil hindi man lang ito natinag. He just kissed her lips hungrily. Mas humihigpit nga din ang paghahawak nito sa batok niya para hindi niya mailayo ang mukha dito habang patuloy ito sa paghalik sa labi niya ng mapusok. Unti-unti na din nauubos ang lakas niya na manulak, pakiramdam niya sa sandaling iyon ay nanghihina na siya. At hindi napigilan ni Daphne ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata sa sandaling iyon. Hindi din niya maiwasan ang maawa sa sarili. At sa pagkakataong iyon ay do'n lang naman binitawan ni Alessandro ang labi niya. At kahit na hindi siya nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin ay alam niyang namamaga ang mga labi niya dahil sa mapusok na halik na iginawad nito sa kanya. His eyes were devoid of expression as he looked at her tearful eyes. "Don't provoke me, Miss. I'm different if I lose my temper," wika nito sa kanya sa malamig na boses. Kinagat naman niya ang ibabang labi. Pagkatapos niyon ay pinunasan niya ang luha na namalibis sa pisngi niya. "P-pakawalan mo na ako, please. Promise hindi ako magsusumbong," nagmamakaawa na wika niya dito. Pangako niya dito, kapag pinakawalan siya nito ay hindi siya magsusumbong sa mga pulis. Kakalimutan din niya ang nangyari, pipilitin niyang kalimutan na nakilala niya ito. Bago siya nito sagutin ay ipinaloob nito ang isang kamay sa bulsa ng suot nitong pantalon. "No," sagot nito sa malamig na boses. Bumagsak naman ang balikat ni Daphne sa naging sagot nito sa kanya. Hindi naman na siya nito hinintay na magbigay komento, sa halip ay nilagpasan na siya nito. "Are you going to imprison me here?" tanong naman niya ng sundan niya ito ng tingin. Napansin naman niya na natigilan ito sa paglalakad. Gayunman ay hindi naman ito lumingon sa kanya. Saglit naman niyang kinagat ang ibabang labi. Pagkatapos niyon ay ibinuka niya ang bibig para magsalita. "Do...you think hindi ako hahanapin sa amin? By now, baka hinahanap na ako ng magulang at ang kaibigan ko. At...kapag hindi pa ako nagpapakita sa kanila ay alam ko na ire-report na nila ako sa mga pulis." Hindi naman niya napigilan na ipanakot iyon sa lalaki. Well, she was stating facts. Kagabi pa siya wala, kapag nalaman ng magulang niya na wala pa siya ay alam niyang mag-aalala ang mga ito sa kanya. At magtatanong ang mga ito kay Ara na siyang kasama niya kagabi sa Bar, at kapag nalaman ng mga ito na kagabi pa siya ay alam niyang ire-report siya ng mga ito sa mga pulis. At umaasa si Daphne na matatakot si Alessandro. But she was wrong. Muli siyang nilingon ng lalaki. At wala man lang siyang nakitang takot na bumalatay sa mga mata nito. "And who cares?" wika nito sabay kibit-balikat, parang wala lang dito kung sakaling mag-report ang mga magulang sa pagkawala niya sa mga pulis. Pagkatapos niyon ay nagpatuloy na ito sa paglalakad. Pero nakakatatlong hakbang lang ito nang muli itong mapahinto nang may may nakalimutan itong sabihin sa kanya. He looked at her again with no emotion. "And one more thing, huwag mong susubukan ang tumakas. Kung makakaligtas ka sa bangis ng mga aso ko. Hindi ka makakaligtas sa bala ng mga tauhan ko na nasa labas. I ordered them to shoot anyone who would run away from me," he threatened her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD