NAPATINGIN si Daphne kay Alessandro na busy pa din na nakikipag-usap sa mga kakilala nito na imbitado sa nasabing Auction For A Cause. Tapos na din ang nasabing Auction For A Cause pero nanatili pa din sila do'n. Pagkatapos naman mag-spend ng five million si Alessandro ay hindi na ito muling nakipag-bid pa. Mukhang ang Diamond Necklace lang ang natipuhan nitong salihan sa Auction. And she couldn't believe that he spends five million for the Necklace and she couldn't believe that he would give that to her. And she was still wearing the necklace at that moment. At medyo natatakot nga siya baka mawala o masira niya iyon. Imagine? Nasa leeg niya ang bagay na nagkakahalaga ng limang milyon. First time din ni Daphne na magsuot na ganoong kalaking halaga. Kaya naman ni Daphne na bumili, pero

