NAPAKUNOT ang noo ni Daphne nang pagtingin niya sa gilid ay nakita niya ang Ex-boyfriend niyang cheater na si Carlos, nakalingkis din ang babaeng ipinagpalit nito sa kanya, si Stephany. Hindi niya inaasahan na makikita niya ang dalawa do'n sa sandaling iyon, na invited din pala ang dalawa sa nasabing okasyon. At mukhang naramdaman ni Carlos na may nakatingin dito dahil napansin niya ang paglingon nito sa gawi niya. At gaya niya ay napansin niya ang pagkagulat na bumalatay sa mata nito nang makita siya. Napansin din niya na sinundan ni Stephany ang tinitingnan ni Carlos. At napansin din niya ang pagkunot ng noo nito nang makita siya. Hindi naman niya napigilan ang pagtaas ng isa niyang kilay nang makita niyang isiniksik ni Stephany ang sarili nito kay Carlos nang makita siya nito. Mukhang

