KINAGAT ni Daphne ang ibabang labi nang tumingin siya sa sariling repleksiyon sa full length mirror na nasa loob ng kwarto niya. Katatapos lang niyang mag-ayos ng sarili ng sandaling iyon. Suot na niya ang itim na dress na ibinigay sa kanya ni Alessandro kahapon. Hindi naman sukat akalain ni Daphne na ganoon pala ang style ng dress na iyon. No'ng matanggap kasi niya iyon kahapon ay hindi niya iyon tiningnan o inilabas man lang mula sa loob ng paperbag. Kaya hindi niya masyado alam kung ano ang hitsura ng itim na dress na ibinigay nito. The dress is revealing. Sleeveless iyon na backless sa likod, litaw nga ang makinis na likod niya sa sandaling iyon. May slit nga iyon sa gilid hanggang sa legs niya, lumitaw din tuloy ang maputi at makinis na binti niya. At para bumagay naman ang suot a

