MADALING araw silang umalis ni Alessandro sa mansion kaya maaga silang dumating na dalawa sa Batangas. Sa isang private beach resort kasi sa Batangas naisipan ng Mama niya na i-celebrate ang Birthday nito. At overnight din sila do'n. Mangilan-ngilan nga lang din ang inimbita ng Mama niya, mga malalapit at mga kamag-anak lang nila. Inimbita nga din ng Mama niya ang kaibigan niyang si Ara pero hindi ito makakapunta dahil may importante daw itong ka-meeting. May inabot lang ito sa kanya na regalo nito para sa Mama niya. Ibigay na lang daw niya. Pinark naman ni Magnus ang kotse na minamaneho nito. Ito kasi ang nag-drive, kasama nila ito dahil in-invite din niya ito. Hindi na din ito nakatanggi sa kanya ng pilitin niya ito. Well, bago ito pumayag ay nagtanong pa ito kay Alessandro, sa boss

