"KAILANGAN pa ba?" tanong ni Daphne kay Alessandro matapos niyang magpaalam dito na makikipagkita kay Ara para magpasama na bibili ng regalo para sa darating na Birthday ng Mama niya. Noong sabihin sa kanila ng Mama niya na Birthday nito sa darating na biyernes ay alam niya iyon. Hindi naman niya nakakalimutan ang espesyal na araw ng mga magulang niya. Kahit nga ang Papa niya ay alam niya kung kailangan niya. "Of course you need to, Daphne," wika naman sa kanya ni Alessandro. Saglit naman niyang kinagat ang ibabang labi. "Pero sa loob ng Mall lang naman kaming dalawa ni Ara," sabi naman niya. Gusto kasi na mangyari ni Alessandro na isama niya si Magnus sa pupuntahan niya. He wants Magbus to guard her for her protection. "Kung ayaw mong isama si Magnus sa pupuntahan mo, mas mabuti na

