"WHAT are you doing here?" tanong ni Daphne kay Adriano nang makabawi siya sa pagkabigla niya. Pero sa halip na sagutin siya nito ay tinabig siya nito at tuluyan itong pumasok sa loob ng opisina niya kahit na hindi niya ito iniimbitahan na pumasok. Sa pagtabig nga nito sa kanya ay muntik na siyang ma-out of balance kung hindi lang niya agad na-ibalanse ang sarili. Nagpakawala naman siya ng malalim na buntong-hininga bago niya ito muling hinarap. Napansin naman niya ang seryosong ekspresyon ni Adriano habang nakatingin ito sa kanya. At akmang bubuka ang bibig niya para magsalita nang mapahinto siya ng unahan siya nito. "Your father's secretary called me," mayamaya ay wika nito sa kanya. "And he told me that you refused to handle my project," dagdag pa na wika nito, hanggang ngayon ay

