NAGMULAT ng mga mata si Daphne nang magising siya kinabukasan. Pagmulat nga niya ng mga mata ay agad siyang tumingin sa gilid niya nang napansin niyang wala siyang katabi do'n. Hindi naman niya alam kung nauna na ba itong nagising sa kanya, eh, maaga naman talagang nagigising si Alessandro. Pero mukhang hindi ito do'n natulog sa kwarto dahil walang senyales na may humiga sa tabi niya. Maayos nga ang unan nito sa tabi niya at hindi din nakusot ang comforter sa gawi ng pwesto nito, patunay na walang humiga do'n. Nang lumabas kasi si Alessandro banyo kagabi ay walamg imik na dumiretso itong lumabas ng kwarto. At nang paglabas nito ay hindi na ito bumalik pa. Nakatulugan na nga niya ang paghihintay sa pagbabalik nito. Mukhang nagalit at nainis ito sa sinabi niya kagabi dahil sa sinabi niya ka

