LUMABAS si Daphne sa banyo nang matapos siyang maligo. At habang naglalakad siya ay pinupunasan niya ang basang buhok gamit ang hawak niyang puting tuwalya. Humakbang naman siya palapit sa kama at umupo siya sa gilid niyon. At hindi sinasadyang napatingin siya sa cellphone niyang nakalapag sa ibabaw ng bedside table. Saglit naman siyang napatitig do'n hanggang sa damputin niya ang cellphone. Nanatili namang nasa ulo niya ang hawak niya kaninang tuwalya habang binubuksan niya ang kanyang internet para sumagap ng balita sa nangyari sa party kankna. Sigurado kasing laman na iyon ng balita at kalat na iyon sa social media. Sa panahon ngayon, marami na din ang mga marites. Pero hindi mapigilan ni Daphne ang magtaka ng buksan niya ang internet para sana makibalita kung ano na ang kinalabasan ng

