SINAPO ni Daphne ang kanyang ulo nang maramdaman niyang parang may bukol do'n ng magising siya, naramdaman din niya na parang kumikirot din iyon At hindi lang nga parang bukol ang naramdaman niya dahil may nakapa nga siyang bukol sa noo niya. Napansin din niya na iba na ang suot niyang damit sa sandaling iyon. Isang maluwag na lang iyon na t-shirt. At nang tingnan naman niya ang loob niyon ay nakahinga naman siya ng maluwag nang makita niya na may suot pa din siyang underwear. Kung anong underwear ang suot niya kahapon ay iyon pa din hanggang ngayon. Inalala naman ni Daphne kung paano siya nagkabukol sa noo hanggang sa nanlaki ang mga mata niya ng isa-isang pumasok sa isip niya ang lahat ng nangyari bago siya hinimatay. Si Alessandro, si Magnus, si Mr. Valdez at mga armadong tauhan ng

