Chapter 24

2524 Words

"PLEASE, take good care of our daughter." Lihim na napakagat ng ibabang labi si Daphne nang marinig niya ang sinabing iyon ng Papa niya kay Alessandro pagkatapos ng seremonya ng kasal nila. Pasimple naman siyang napatingin sa lalaki at nakita niya ang seryosong ekspresyon ng mukha nito habang nakatingin sa Papa niya. Hindi naman na inasahan ni Daphne na sasagutin nito ang Papa niya. Hindi naman kasi sila nagpakasal dahil mahal siya nito, nagpakasal sila dahil gusto nitong magkaroon ng anak sa kanya bilang Heir nito. Pero hindi inaasahan ni Daphne na sasagot si Alessandro sa sinabing iyon ng Papa niya. "I will," maikling sagot naman nito, hindi naman niya alam kung seryoso ba ito o hindi. "Daphne." Napatingin naman siya sa Mama niya ng marinig niya ang pagtawag nito sa pangalan niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD