SABI nila, kapag araw ng kasal ng isang babae ay ikaw daw ang pinakamasayang tao sa mundo dahil ikakasal ka sa taong mahal mo. Pero iba ang nararamdaman ni Daphne sa sandaling iyon, dahil sa halip na masaya siya ay lungkot ang nararamdaman niya sa sandaling iyon. Pakiramdam nga din niya ay parang may malaking kamay na sumasakal sa puso niya dahil hindi siya makahinga. Ngayong araw na kasi ikakasal si Daphne kay Alessandro. Totoo nga ang sinabi nito sa kanya kahapon no'ng papuntahin siya nito sa opisina nito, dahil kinabukasan niyon ay totoong ikakasal na sila. Napatingin naman si Daphne sa sariling repleksiyon sa full length mirror na sa loob ng kwarto niya. Napatitig siya sa hitsura. Nakasuot siya ng puting dress na umabot sa tuhod niya. Off shoulder din iyon kaya litaw ang makinis n

