KAGAT ni Daphne ang ibabang labi nang alisin niya ang tingin sa sugat niya sa braso na ginagamot ni Alessandro sa sandaling iyon at inilipat niya iyon sa mukha nito. Seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Alessandro. Halos kita nga niya ang sobrang pagkakakunot ng noo nito habang binibigyan nito ng lunas ang braso niyang may sugat. Hindi naman masyado malaki amg sugat na natamo niya, medyo nahiwa lang iyon dahil sa mga bubog ng salamin na tumalamsik sa kanya kanina noong may nagpaulan ng bala sa restaurant na kinaroroonan nilang dalawa. Nakauwi na sila ni Alessandro ng mansion ng sandaling iyon. Nang masiguro nito na clear na ang buong paligid ay do'n lang naman sila umalis na dalawa sa banyo na pinagtugaan nila at sa mismong restaurant mismo. Halos wala ngang imik si Alessandro habang pau

