"KAILAN daw uuwi ang asawa mo, Daphne?" Nag-angat ng tingin si Daphne patungo sa Papa niya ng marinig niya ang tanong nitong iyon sa kanya. "Hindi ko pa po alam, Papa. Wala pa naman po siyang sinasabi sa akin," sagot naman niya. Isang linggo na ang lumipas simula noong magpaalam si Alessandro sa kanya na pupunta ito ng Italy para ayusin ang problema ng negosyo nito. Isang linggo na din itong naroon at Hindi pa ito nakakabalik ng Pilipinas. Hindi naman siya nag-aalala dito dahil lagi naman itong tumatawag sa kanya para kamustahin siya pero nami-miss na niya ito. Iba pa din kasi kapag kasama niya ito ng personal, iba pa din kapag nasa tabi niya ito. Nakikita ng personal at nahahawakan. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa din nito naayos ang problema nito sa negosyo kung bakit hindi pa din

