PUMULUPOT ang mga kamay ni Daphne sa batok ni Alessandro habang gumagalaw ang labi niya sa labi nito. Naramdaman nga niya na pumulupot din ang isang kamay nito sa batok niya at hinapit siya nito lalo. Naramdaman nga din niya ang pagbuka ng bibig nito para bigyan siya ng kalayaan na dominahin ang labi nito. Ilang segundo din siyang hinayaan ni Alessandro na halikan siya hanggang sa nag-umpisa na ding gumalaw ang labi nito sa labi niya. Ito na nga ang nagmani-obra ng paghahalikan nila. Alessandro open his mouth as he keeps kissing her. He kissed her as if there's no tomorrow. Naramdaman nga niya ang pagkagat-kagat nito sa ibabang labi niya hanggang sa muli na naman siya nitong hinalikan ng mariin sa labi. Halos hindi na nga siya makasabay sa halik na pinagkakaloob nito sa kanya pero pilit

