GRABE ang kaba na nararamdaman ni Daphne habang nakatingin siya kay Carlos na puno ng pagnanasa ang mga mata habang nakatingin sa kanya. Sa sandaling iyon ay halos mabingi na nga siya sa sobrang bilis ng t***k ng puso niya dahil sa nararamdamang takot at kaba sa posibleng mangyari sa kanya mula sa kamay nito. Inalis naman ni Daphne ang tingin dito at sinubukan niyang muling buksan ang pinto sa gawi niya pero hindi niya iyon mabuksan. "Palabasin mo ako dito, Carlos," wika naman ni Daphne dito ng muli niya itong binalingan, patuloy din siya sa pagbukas ng pinto pero hindi talaga niya iyon mabuksan dahil ni-lock iyon ni Carlos. Ngumisi naman si Carlos habang nakatingin sa kanya. At sa sandaling iyon ay ang tingin niya dito ay isang demonyo. Para ngang hindi ito si Carlos na nakilala niya a

