UMAYOS mula sa pagkakaupo si Daphne mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama nang maramdaman niya ang pagbukas ng pinto sa kwarto nilang dalawa ni Alessandro. Agad din siyang nag-angat ng tingin patungo sa gawi ng pinto at nakita niya si Alessandro na pumasok sa loob ng kwarto. Napansin naman niya na saglit itong natigilan nang makita siya nitong gising pa siya. "Why are you still awake?" tanong nito sa kanya ng makabawi ito sa pagkabigla. Saglit naman niyang kinagat ang ibabang labi. Pagkatapos niyon ay nagpakawala din siya ng malalim na buntong-hininga. "Hindi ako makatulog," sagot niya dito, hindi naman kasi siya talaga makatulog. At dahil nakatingin siya kay Alessandro ay napansin niya ang paglamlam ng ekspresyon ng mukha nito. Hindi naman niya napigilan ang mapatitig dito, hind

