NAHIHIRAPAN si Daphne na abutin ang zipper ng gown sa kanyang likod. Nasa harap siya ng full length mirror sa loob ng kwarto ni Alessandro. Salamin iyon sa kwartong tinutuluyan niya dati pero noong sabihin nito na do'n na siya sa kwarto nito matutulog ay pinalipat niya ang salamin do'n. Wala kasing salamin si Alessandro sa kwarto nito, may salamin naman ito pero do'n lang sa banyo. At hindi siya kontento sa salamin na naroon. Tapos na si Daphne na mag-ayos ng sarili, na-isuot na din niya ang gown sa kanyang katawan, ang problema ay hindi niya pa iyon na-i-zi-zipper sa kanyang likod. Hindi nga niya kasi iyon maabot, gusto din sana niyang manghingi ng tulong sa kasambahay nila pero ayaw naman niyang mag-istorbo para lang doon. Alam naman niyang marami ang mga ito na ginagawa. At nasa gano

