Day 15

1024 Words
Nasa isang cafe si Jessica at Cindy. Kinulit siya nito ng napakaaga dahil gusto nitong malaman kung ano na ang nangyari sa kanila ni Greg. Ayaw naman niyang magmukmok sa bahay kay pinagbigyan niya ito. "Ano ng balita bes? Nahulog na ba sa bitag mo si Greg at bibitiwan mo na siya ngayong araw? Napaibig mo ba siya? Excited na akong makita ang reaksiyon niya mamaya habang pinapakinggan ang mga confession mo. " Sunod-sunod na tanong nito. Bumuntong hininga siya ng malalim. "Anong problema? No way, huwag mong sabihing pati ikaw ay naloko niya?" "Parang ganon na nga." Nangangalit ang boses niya. "Pinagpustahan lang pala nila ako. Ang laki kung tanga." Halos maiyak na siya sa poot at sakit na nararamdaman. "Teka, bakit parang...oh my gosh, don't tell me na napaibig ka rin ni Greg. Tell me I'm wrong Jessica." Hindi siya sumagot. Napukpok naman nito ang kamay sa mesa. "Walang hiya talaga ang lalaking iyon. Kasalanan ko rin ito eh. Kung hindi ko sana isinasuggest iyon, hindi ka sana masasaktan ng ganito. I'm sorry bes." Sisi nito sa sarili at niyakap siya. "Huwag mong sisihin ang sarili mo. Kasalanan ko rin naman ito eh, pinabayaan kong mahulog ang loob ko sa kanya. Kakausapin niya si Greg mamaya. Part of the plan. Tatapusin na niya ang trabaho niya in 15 days. Masakit man pero kakayanin niya. Pagtapos nilang magbayad ng bill ay lumabas na sila sa cafe. Saktong papalabas na sila ng pumasok ang mga kaibigan ni Greg kasama ito. Nakangiti ang mga kaibigan niya ng makita siya ngunit hindi si Greg. Mukhang nasurpresa ito sa nakita. Pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Cindy. "Andito ka pala, kanina pa kita tinatawagan, bakit di mo sinasagot ang tawag ko. May problema ba?" Tanong nito sa kanya at tumingin kay Cindy. "Magkakilala pala kayo ni Cindy? Bakit di mo nabanggit sa akin?" Tiningnan lang niya ito. "Nice to see you again Greg." Agaw atensiyon nito. "Hindi pala nabanggit ni Jessica sa iyo na magkasama kami sa trabaho? Well, either hindi ka interesado sa kanya dahil hindi ka man lang nagtanong or hindi siya interesadong malaman mo pa dahil sa misyon niya." "Anong pinagsasabi mo? Jessica, anong pinagsasabi ni Cindy?" Naguguluhang tanong ni Greg sa kanya. Aalis na sana siya at iwan ang mga ito dahil niya kayang harapin ito at baka ipagkanulo siya sa tunay niyang naramdaman para rito ngunit pinigilan siya ni Cindy. "Bes, this is the right time para sabihin mo sa kanya ang totoo." "Anong totoo?" Tanong ni Greg sa kanya. "The truth is gumawa si Jessica ng article for this month edition. The title is 15 Days To Dump A Playboy. And dahil sikat ka naman na playboy kaya napagapsyahan namin na ikaw ang gamitin namin dahil aside sa playboy ka ay marami ka ring mga fans at siguradong kikita ang kompanya at syempre kami rin." Paglalahad ni Cindy ng katotohanan. "Totoo ba ang lahat ng ito Jessica?" May galit na sa boses ni Greg. "Sabihin mong hindi totoo." Halos mag-apoy ang mga mata nito. "Iyon ang totoo." Maikling sagot niya habang sinalubong ang nag-aapoy na titig nito sa kanya. Naikuyom nito ang kamao sa sobrang galit o sakit na nararamdaman. Kitang-kitang niya sa mukha nito. Hmmm..ang galing um'acting. Sa isip-isip niya. Bago pa ito makapagsalita ay nahila na siya ni Cindy palabas. Ngunit hinabol siya ni Greg at hinawakan sa braso. "I hate you. Sana masaya ka na sa ginawa mo." Matigas at may diin nitong sabi sa nag-aapoy na mga mata. "I hate you too." Maiksing sagot niya at hinila ang braso palayo at dali-dali sumakay sa sasakyan. Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng mga luha na kanina pa sana pumatak. Napahagulgol na siya. Mabilis namang nilisan nila ang lugar na iyon. Naiwan naman si Greg na di parin makapaniwala sa nalaman. Parang nahahati ang puso niya sa narinig. Akala pa naman niya ay totoo ang mga ipinakita nito. Akala pa naman niya na minahal na siya nito. Oo, aaminin niya na sa umpisa ay nachallenge lang siya rito aside sa attractive na talaga siya rito unang kita pa lang niya sa dalaga ngunit kalaunan ay umibig na talaga siya rito. Nasiguro niya iyon ng makasama niya ito sa farm ng lola Margareta niya. Doon niya narealize na mahal na mahal niya ito na hindi niya kayang mawala ito sa kanya. Oo, aaminin din niyang isa siyang playboy dahil maraming babaeng napaiyak niya. Napaiyak niya dahil hindi niya pinatulan ang mga ito. Una alam na niya na may gusto sa kanya ang babae kaya pinagbigyan niya ang hiling na magdate sila ngunit ng nakilala niya ito ay natuturn off siya dahil sa magkaibang rason. Nagalit ang mga ito dahil hindi na niya ito kinontak or worse humanap siya ng ibang ididsplay para lubayan siya ng babaeng iniwasan. At iyon ang nagyari kay Cindy. Noong una pa man niya itong nakilala ay alam na niyang gusto siya nito. Una pinagbigyan niyang makadinner ito dahil na rin sa pagfeature nito sa kanya pero hindi date iyon. Hindi niya alam na date na pala iyon sa babae at ayaw na siya nitong lubayan sa kakakontak sa kanya na parang girlfriend na niya ito. Kaya ginamit niya ang isang kakilala niyang babae para lubayan na siya ni Cindy. Pero hindi naman talagang totoo ang mga balita tungkol sa kanya na babaero siya. "I'm sorry bro." Tapik sa balikat niya ng mga kaibigan ang nagpabalik sa kanya sa huwisyo. "Nagulat kami doon ah, akala pa naman namin ay ang galing mo sa laro,iyon pala ay may mas magaling pa sa iyo." Pagbibiro ni Jacob. Nanahimik naman sila bigla ng hindi siya nagsalita at tumingin lang dito. "Wait, don't tell me na totoong natamaan ka sa puso ng babaeng iyon?" Si Jacob pa rin. Hindi siya sumagot. "Oh my tinamaan nga. Halata sa hitsura. Mahaba-habang usapan ito. Let's go to the bar. " Yaya ni James sa mga kaibigan. "Let's go." Sang-ayon ng lahat. Sumunod siya. Gusto niyang lunurin ang sarili sa alak at baka maibsan ang sakit na nadarama niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD