The Encounter

871 Words
Napakunot noo si Greg ng magpasino ang inuluwa sa bumukas na pintuan ng opisina niya, ang tatlong kaibigan niya. "What are you doing here?" Salubong niya rito. Hindi niya inaasahan ang biglang pagdating ng mga ito. "Oh we miss you too pare." Birong sagot ni Rafael. "Hindi ka sumipot sa usapan natin last Saturday. Nakalimutan mo na yata ang friendly meeting natin eh." "I'm sorry, I was busy." Maiksing sagot niya. "Busy o busy-busy'han? Kahit lunurin mo pa ang sarili mo sa trabaho kung talagang iniibig mo siya ay hindi mo basta-basta makalimutan ang babaeng iyon. Get up. Maraming ibang babae sa paligid. Sama ka sa amin, magbar hopping tayo. Let's hunt some hot chicks." "Ano bang pinagsasabi n'yo, busy talaga ako. Kailangan kung tapusin at pirmahan ang mga ito ngayon." "Oh come on, quit that alibi." Sagot ni James at tinanggal mga papel na nasa harap niya. Napatitig nalang siya sa mga ito at napabuntong hininga sa kakulitan nito. Totoong busy siya at totoo ding pinilit niyang maging busy. Dahil sinubukan niyang iniwasan na sumagi sa isip niya si Jessica. Yes, ang babaeng iyon ay ni kailanman hindi umalis sa isip niya. Nasasaktan pa rin siya sa ginawa nito. Nagagalit pa rin siya sa panlolokong ginawa nito sa kanya. Pero kahit na ganoon ang nararamdaman niya ay hindi pa rin niya maitanggi sa sariling namimiss niya ito ng sobra. Siguro nagpapakasaya na ito ngayon sa tagumpay na tinatamasa nito pagkatapos mapublish ang isinulat nitong article tungkol sa kanya. Nakakaramdam pa rin siya ng poot sa dibdib. Hindi niya ito mapapatawad. Ito lang ang babaeng sumugat sa puso niya ng ganon kalalim. Gusto niya itong kamuhian ngunit bakit sa bawat araw na nagdaan ay ngali-ngali siyang idial ang numero nito para marinig lang ang boses nito ngunit napigilan niya ang sarili. Gusto niya itong puntahan sa bahay nito ngunit alam niyang hindi dapat. Hindi siya mahal nito kaya bakit ba niya ipagpipilitan ang sarili dito. "Let's go." Tumayo na siya at nauna ng lumabas, sumunod naman ang mga kaibigan niya. It's already five o'clock in the afternoon. It's too early to go to the bar kaya napagpasyahan muna nilang maghanap ng magandang restaurant para makapaghapunan. Pumasok sila sa isang seafood restaurant. Simple ngunit maganda ang ambiance ng restaurant. Naparami ang kain niya. Narealize niya na sa nakalipas na mga araw ay wala siyang ganang kumain o nawalan siya ng ganang kumain. Inisip niya na dahil iyon sa sobrang busy niya sa trabaho kaya wala na siyang panahon para kumain. Pero ang totoo ay alam niya ang dahilan. Hindi lang niya maamin sa sarili na sa tuwing maiisip niya si Jessica ay parang nawawala siya sa mood. Nawawalan siya ng ganang kumain. Mainitin ang ulo niya. Hindi niya alam ang gagawin niya. Namimiss niya ito. Patapos na silang kumain ng mapadako ang tingin niya sa kapapasok lang na bagong customers sa restaurant. Biglang bangon ng galit sa dibdib niya ng makita si Jessica at ang kasama nitong lalaki na pumasok habang nagtatawanan. Mukhang hindi naman sila napansin nito dahil sinalubong ito ng waiter at iginiya sa bakanteng mesa. Napadako naman ang tingin ng mga kaibigan niya sa tinitingnan niya. "Oh-oh." Sabi ni Jacob habang tiningnan siya. Mabilis itong nagbayad ng kinain nila at inaya na silang umalis. "Wait a minute." Pigil niya sa planong pagtayo ng mga ito. Nakita niyang tumayo si Jessica at pumunta sa restroom. Tumayo naman siya at sinundan ito. Nabigla ito ng paglabas ng restroom ay nakita siyang nakatayo sa labas. Iniwas nito ang tingin sa kanya at akmang aalis na ngunit pinigilan niya ito sa braso. Itinulak niya ito sa pader habang nakakulong sa dalawa niyang kamay na nakaharang sa gilid nito. Nagkatitigan sila at parehong nagsusukatan ng titig. Gusto niyang yakapin ito ng mahigpit ngunit nag-uumapaw ang galit at panibughong naramdaman sa dibdib niya dahil sa nakita. Gusto niya itong paghigantihan dahil sa paglalaro nito sa damdamin niya. At dahil sa galit na nararamdaman niya ng makita itong may ibang kasamang lalaki. Sa loob ng dalawang linggo ay hindi niya ito makalimutan. Hindi siya makatulog sa kaiisip rito pero ito ay kinalimutan agad siya at may iba na agad na pinagkakaabalahang lalaki. "So is he another victim for your new article this month?" May halong pang-uuyam na tanong niya. "Bitiwan mo ako. Wala akong obligasyon na sagutin ka." Galit na sagot nito sa kanya. "f**k you." Galit na sagot niya saka masibasib na hinalikan ang dalaga. Nagpupumiglas ito ngunit maghigpit niya itong niyapos. Gusto niya itong parusahan dahil ito ang rason kung bakit nagsasaktan siya ngayon. Ngunit itinigil niya ang ginawa ng maramdaman ang init ng likidong dumaloy sa pisngi nito. Impit itong umiyak. Parang nadurog naman ang puso niya. "f**k you." Sabi ulit niya ng binitiwan ito at iniwang natigagal. Pinipigilan nito ang paghikbi dahil sa ginawa niya. Ang totoo ay ayaw niyang bitiwan ang dalaga. Namiss niya ito ngunit galit pa rin siya sa ginawa nito. Sinenyasan nalang niya ang mga kaibigan na lumabas at nagpatiuna na siya. Kailangan niyang makalayo sa lugar na iyon at baka hindi niya mapigilan ang kanyang sarili at baka ano pa ang magawa niya. Dali-dali namang sumunod ang mga kaibigan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD