Day 6

846 Words
Nagkakasiyahan sina Greg at mga kaibigan nito sa bar ng dumating si Jessica. Ito iyong bar na pag-aari ni Rafael, ang kaibigan ni Greg. Medyo marami-rami rin ang mga costumer ng gabing iyon dahil Friday. Sinalubong siya ni Greg ng halik sa pisngi pagkadating niya. At ayon na naman ang kiliting naramdaman niya. Bakit ba sa simpleng dampi ng labi nito sa pisngi niya ay 'di niya mapigilan ang kakaibang kiliti na nararamdaman sa puso niya. Hindi pwede ito. Kailangan niyang pigilan kung anumang nararamdaman niya. Alam naman niya na doon magaling si Greg pero 'di ibig sabihin ay seryosohin na nito ang mga babae. Ipinakilala siya nito sa mga kaibigan nito. Si Rafael, Jacob, James at sa mga kasama nitong babae. May kapartner ang lahat maliban kay Greg pero syempre partner siya nito ng gabing iyon. Walang tulak kaibigan sa mga kaibigan ni Greg dahil pareho silang mga gwapo at makikisig. Bukod sa mga gwapo ito ay mayayaman din ito. Kaya di kataka-takang maraming mga kababaihan ang nahuhumaling rito. Pero 'di parin sapat na rason iyon para paasahin at saktan ang isang babae. Masaya naman kasama ang mga kaibigan nito. Palabiro kaya lagi silang nagtatawanan. Ang mga kasama nitong babae ay di niya alam kung girlfriends ba nito ang mga ito or just for the night date lang. Ayaw naman niyang magtanong. Medyo naparami na rin ang inom niya pero hindi pa rin nauubusan ng kwento ang mga kasama niya kay tuloy pa rin ang inuman. Minsan na papansin niyang hinahapit siya ni Greg sa baywang habang tumawa sa kwento ng mga kasama. Na para bang natural lang itong ginagawa at talagang ganon ito ka clingy. Iwan ba niya kung dahil sa iniinom niya kaya pinabayaan niya itong gawin sa kanya. Siguro dahil masarap din sa pakiramdam na may naglalambing. Tumayo siya at nagpaalam na pumunta ng restroom. Medyo natagalan siya sa loob dahil parang nahihilo siya. Gusto niyang pumikit. Ganoon siya kapag nalalasing, parang nanghihina siya at gusto niyang matulog. "Jessica?" Narinig niyang tawag ng pangalan niya. Hindi siya sumagot ngunit dahan-dahang binuksan ang mata at tumayo na sa pagkakaupo sa toilet bowl. Naidlip yata siya na hindi niya namalayan. Iwan basta nakaupo lang siya sa toilet bowl at nakapikit ang mga mata. "Jessica" tawag uli ng pangalan niya. Lumabas na siya ng banyo at halos mabuwal sa paglakad. Lasing na nga talaga siya. Inaalalayan naman agad siya ng lalaki palabas. Hindi malinaw sa kanya kung sino ito. Hindi niya maalala. Basta blur na ang paningin at ang nasa utak niya ay matulog. Narinig niya ang boses ng lalaki na nagpaalam sa mga kasamahan nito. Nagpatianod lang siya ng igiya siya nito papasok sa sasakyan nito. --- Tinitigan ni Greg ang babaeng mahimbing na natutulog sa kanyang sasakyan. Lasing na lasing ito. Hindi niya inakala na malasing ito agad. Ganito pala ito kung malasing. Makatulog. Napangiti siyang tiningnan ito at hinawi ang kunting buhok na nakatabing sa mukha nito. Ipinarada niya ang sasakyan sa parking lot ng condo at dahan-dahang binuhat ang babae paakyat sa unit niya. Mukhang nagising ito sa ginawa niya dahil gumalaw ito. "Nasaan ba ako? Bakit parang lumilipad ako. Si Darna ba ako?" Sunod-sunod na tanong nito na nakapikit parin ang mga mata. Gusto niyang matawa sa narinig. "Oo, ikaw si Darna." Sinagot niya ito out of katuwaan. Hindi ito sumagot. Dahan-dahan niyang binaba at ihiniga ito sa kama ng makapasok sa unit niya. Ngunit hindi nito binitiwan ang leeg. Nakakunyapit parin ito sa kanya at halos madaganan na niya ito. Buti nalang naitukod niya ang dalawang kamay sa kama. Isang dangkal nalang ang layo ng mga mukha nila. Naamoy pa niya ang mabangong hininga nito na may halong amoy ng alak na ininom. Umungol ito na lalong nagpapainit sa kanyang naramdaman. Bigla siyang nakaramdam ng matinding pagnanasa rito. Dahan-dahang binuksan nito ang mga mata at ngumiti ng makita siya. Ipinikit naman nitong muli ang mga mata at bigla siyang hinalikan sa labi. Smooch lang iyon. Nabigla man ay hindi naman iyon naging hadlang para tawirin niya ang agwat ng mga labi nila. Umungol ito na lalo pang nagpapatigas sa kanyang p*********i. Nababaliw na yata siya sa babaeng ito. Noong una ay gumanti ito ng halik ngunit kalaunan ay parang nawalan na ito ng malay at natulog. Tumigil naman siya sa paghalik. Napangiti siya. Iba talaga ang babaeng ito. Inayos niya ang pagkakahiga nito. Tinanggal niya ang suot nitong sandal at inayos ang pagkakahiga nito. Pagkatapos ay pumunta sa banyo para magshower. Kailangan niyang malamigan at pawiin ang init ng katawan na hatid ng babaeng ito. Gumalaw ito sa higaan at umikot ng higa habang nakataas ang dalawang kamay. Natatawa siya sa hitsura nito. Pero ang cute cute pa ring tingnan. Napadako naman ang tingin niya sa binti nitong nakabalandra dahil sa paglilis ng damit nito ng gumalaw. Napalunok siya. This woman makes him crazy in the mere stare. Nilapitan niya ito at kinumutan. "Goodnight, gorgeous." Kinintalan niya ito ng mabilis na halik sa labi saka dahan-dahang tumabi sa kama at natulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD