Day 7

1197 Words
Dahan-dahang iminulat si Jessica ang kanyang mga mata at ipinikit muli ng maramdamang medyo masakit ang kanyang ulo. May hangover yata siya dahil sa nainom ng nagdaang gabi. Nag-inat siya ng kamay at niyakap nito ang katabing unan at ipinulupot ang paa niya sa malaking unan. Teka, bakit ang tigas ng unan? Napamulat siya bigla ng mga mata. Halos magdikit na ang mukha nila ng lalaking katabi sa sobrang lapit nila. Nakangiti itong nakatingin sa kanya. Habang siya ay nakapulupot pa rin dito. Bigla siyang dumistansya at bumangon ngunit niyapos siya ng lalaki palapit rito. Hindi siya nakakilos dahil sa higpit ng pagkayakap nito sa kanya at pinulupot pa nito ang isang binti sa kanyang mga binti. Halos daganan na siya nito. Sa laki ng katawan nito ay siguradong hindi siya makapalag kung ano man ang gawin nito sa kanya. Napakalapad ang ngiti nito sa kanya. Hindi siya nakahuma. "Good morning, gorgeous." Bati nitong nakangiti. "Ano bang ginagawa mo? Pakawalan mo ako. Ano ba?" Piksi niya at pilit na kumuwala rito. Pinakawalan naman siya. "Anong ginagawa mo rito?" Iginala niya ang mga mata at napagtantong wala siya sa kwarto niya. "Anong ginagawa ko dito? Nasaan ako? Bakit mo ako dinala dito? Anong ginawa mo sa akin? Sunod-sunod ang tanong niya at sinuri ang sarili. Nakabihis pa rin siya ng sinuot na damit kagabi. Nakahinga naman siya ng maluwag. "Wala ka bang maalala? Sa sobrang kalasingan mo kagabi ay nagpupumilit kang matulog kasama ako. Ayaw ko naman sanang pagbigyan ka dahil baka may binabalak kang masama sa katawan ko kaso mapilit ka talaga. Wala akong agawa sa kakulitan mo kaya dinala nalang kita dito sa condo ko. Kaysa naman sa hotel kita dalhin." Mahabang paliwanag nito na ngingiti pa. Parang hindi naman siya makapaniwala sa narinig. Siya? Namimilit? Imposibleng malimutan niya ang nangyari kahit lasing siya. Pilit niyang inaalala ang nangyari kagabi. Pumunta siya ng restroom at teka hindi niya maalala kung anong sunod na nangyari. Oh my god, totoo kaya ang sinabi nito? Bigla siyang namula sa pagkapahiya. Natawa naman ang binata ng makita ang reaksiyon ng mukha niya. "May ginawa ka ba sa akin? Anong ginawa mo?" "Relax, wala akong ginawa sa'yo. Pero ikaw may ginawa sa akin." Parang may ibig sabihin ang mga ngiti nito. Wala siyang maalala. Anong ginawa niya? "Ano'ng ginawa ko?" "Kalimutan mo na iyon. Hindi naman ako easy to get kaya wala kang napala." Panunudyo nito saka humalakhak. Napamulagat naman siya ng mga mata. Parang alam na niya ang ibig sabihin nito. Binato niya ito ng unan para itago ang pagkapahiya at inis dito. Nakailag naman ito at dali-daling lumapit sa kanya. Iyong sobrang lapit na parang gusto siyang halikan. Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa kanya. Gusto niyang pumikit at hintaying dumampi ang mga labi pero bago niya iyon nagawa ay nagsalita ito. "Hindi ko gagawin ang matagal ko ng gustong gawin sa'yo na walang permiso mula sa iyo." May pagkadismaya siyang naramdaman, hindi dahil sa sinabi rito ngunit dahil akala niya mahahalikan na niya ang binata. Teka, ano bang nangyari sa kanya. Bakit sa tuwing nasa malapit ito ay lumalakas ang kabog ng dibdib niya. Para siyang teenager na kinikilig. Tumigil ka Jessica. Trabaho lang ang lahat ng ito at paghihiganti. Paalala niya sa sarili dahil mukhang nalimutan na niya ang dahilan kung bakit nasa ganoon siyang sitwasyon. "I like you and I really do. I like you since I set my eyes on you." Saad nitong titig na titig sa kanya. "Can you be my girlfriend?" Diritsahang tanong nito. Hindi naman siya makahanap ng isasagot sa binata. Napamaang nalang siya. Akalain mo nga naman, kahit hindi pa siya nakapaghilamos, bumirada na ito. Kaya siguro maraming mga babae ang nahuhulog agad sa mga playboy dahil wala itong pinipiling oras o lugar. Pero hmm... nakakakilig din sa pakiramdam na kahit may muta pa siguro siya mga mata ay may nagkagusto sa kanya. Well, totoo man ang sinabi nito o pambobola lang ay masarap pa rin sa pakiramdam. "I think I'm falling for you." Deklara nito. Nabigla siya sa sinabi nito. Hindi niya akalain na ganon kabilis niya itong napaibig. 'Di ba't kailan lang niya ito nakilala. Sa kaibuturan ng kanyang puso ay napakaliga niya sa narinig. Pero hindi siya dapat maniwala agad rito. Isa itong playboy. Lahat sasabihin nito para lang makuha ang gusto nito. Pero sapat na ang narinig niya para itapon ito. Nagustuhan at nagkainteres na ito sa kanya at siguro masasaktan na niya ito kapag hindi siya nito maangkin. "Owh falling agad? Ganon kabilis? Unbelievable!" Sagot niya rito. "I really do. Hayaan mong patunayan ko sa'yo na totoo ang sinabi ko." Sersoyong wika nito. "I assure you hindi ka magsisisi kapag sinagot mo ako. I'll make you the happiest girlfriend." Saad nito. "Sagot agad? As in now na?" Parang teenager siyang nagsasalita. Hindi kasi niya maapuhap ang isasagot. "Yep, what's the difference between kung sasagutin mo ako bukas o sasagutin mo ako ngayon? Pareho lang naman iyon." "Hindi siya pareho." Iyon lang ang naapuhap niyang sabihin. "Okay, hindi kita pipilitin pero hayaan mo akong ligawan kita. Dahil sa ayaw at sa gusto mo ay liligawan pa rin kita for the rest of our lives." Nakangiting sabi nito. Kinilig naman siya sa sinabi nito. Ano ba Jessica. Tumigil ka. H'wag kang padadala sa mga bolero na katulad ng lalaking ito. Ngiti lang ang isinagot niya. Mahuhulog na yata ang puso niya. "Okay, girlfriend mo na ako." Nagbago bigla ang isip niya. Stick to the plan. Dump the playboy. Nakaramdam naman siya ng lungkot or more on guilt maybe. Nanlaki naman ang mga mata ni Greg sa narinig. Hindi ito makapaniwala. "Pardon?" Habang lumapit sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Sabi ko, girlfriend mo na ako simula ngayon. Pero dapat liligawan mo pa rin ako. Gusto ko pa ring maranasan ang ligawan." Diritsong sagot niya. "I'll always do." Niyapos siya nito at hahagkan sana ng umiwas siya. Nagtaka naman ito. "Rule number 1, hindi ka pwedeng humalik ng walang permiso mula sa akin. Rule number 2, saka ka na basta manghalik kapag napatunayan mo na sa akin na totoong mahal mo ako. Rule number 3,..." "Ano bang klaseng relasyon iyan. Bakit ang daming rules." Reklamo agad nito. Natatawa naman siya sa mukha nito. "Kung ayaw mo eh di maghanap ka nalang ng ibang liligawan." Paghahamon niya. Napakamot naman ito sa batok. "Siya sige na. Ma-under de saya yata ako nito" Pagsuko nito. Napangiti naman siya. Ngiting tagumpay. Nagpaalam na siyang uuwi. Inihatid siya nito hanggang sa labas ng condo. Hindi siya nagpahatid sa bahay nila. Ayaw niyang aabot sa ganoong level ang relasyon nila. "Bye, gorgeous. Ingat ka pauwi." Paalam nito sa kanya. "Thanks! Bye." Paalam niya rito pero bago umalis ay lumapit siya rito at ginawaran ito ng halik. Napatda naman ito sa ginawa niya. Tumingin ito sa kanya na nagtatanong ngunit nakangiti. "Rule number 3, habang nanliligaw ka pa. May karapatan akong halikan ka kung kailan ko gusto. Rule number 4, bawal tumanggi." Nakangiting sabi niya at iniwan itong halos matulala sa sinabi niya. Iba rin ang babaeng ito. Sa isip-isip ni Greg. Napangiti nalang siya. Challenging.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD