Day 8

911 Words
Kasalukuyang kausap ni Greg ang kaibigang si Jacob ng hapong iyon sa isang bar na pag-aari ng kaibigang si Rafael. May inasikaso si Rafael sa labas ng dumating sila pero sinabi nitong pauwi na ito. Naglalaro ang magkaibigan ng billiard sa isang sulok ng dumating si Rafael. "What's up,bro." Salubong nito sa kanila. Si James nalang ang hinintay nila. Lagi silang nagkikitang magkaibigan pero every Saturday talaga ang parang weekly friendly meeting nila. Kumbaga bawal umabsent ang isa sa kanila. Kung ibang araw, pwedeng di sila makarating pero kung Saturday dapat talaga perfect attendance silang apat. Unless may mabigat na dahilan kung bakit hindi ito makarating. Nagkakatuwaan ang magkaibigan ng dumating si James. As usual lagi itong late. Most of the time, ito ang pinakahuling dumating kapag may usapan silang magkikita. Ganito na yata ito dahil kahit ilang beses na nila itong pinagsabihan na baguhin iyong ugaling iyon ay wala parin. Deadma lang. Tumatawa lang ito. Kaya kalauna'y nasanay rin sila at parang wala na sa kanila kung malate ito. Maya-maya ay sumali na ang dalawa sa paglalaro ng billiard. Nasa kalagitnaan sila ng pagkakasiyahan ng biglang tumunog ang cellphone ni Greg. Si Jessica ang tumawag. Napangiti siya. "Hey, babe." Anya pagkasagot sa tawag na nakangiti. Nakangiti namang nakatingin sa kanya ang mga kaibigan niya. Parang may ideya ito kung sino ang nasa kabilang linya. Hindi ito makapaniwala na ganon na ang endearment nina Jessica at Greg. Biglang inagaw ni Jacob ang cellphobe niya at pinindot ang loud speaker ng phone. Wala namang nagawa si Greg kundi hayaan ang mga itong makinig. Okay na rin iyon para marinig nito na napa'oo na niya si Jessica. Nagtagumpay siya. "Babe? Aohhh you are so sweet. Nasaan ka pala ngayon babe? Kanina ko pa hinintay ang tawag mo pero hindi mo man lang ako naisipang tawagan." Nagtatampong wika nito. Hindi na niya ito natawagan dahil nagkita pa naman sila kaninang umaga dahil doon ito nakatulog sa condo niya. "Balak ko namang tawagan ka babe pagkatapos ng ginagawa ko. Medyo busy kasi ako kanina." Paliwanag niya. "Well, sana ay tinext mo pa rin ako kung anong ginagawa mo. Mahirap bang gawin iyon? Or kahit tumawag ka man lang ng like 5 minutes lang just to let me know kung anong ginagawa mo para alam kong busy ka hindi na sana ako maghihintay sa tawag mo." Sabi nito na parang nahmamaktol o nagtatampo sa kanya ngunit sa mataas na boses. Para namang bigla siyang nagkalock jaw sa narinig. Hindi niya inaasahan na sasabihin nito ang mga iyon. Kabago-bago pa lang nila. Ilang oras lang bago siya sinagot nito at ngayon ay kung umasta ay parang asawa niya ito. Siniko siya ni James ng hindi siya umimik. Halos mapabahakhak na ang mga ito dahil sa nakikitang reaksiyon ng mukha niya ngunit pinipigilan nito. "I'm sorry, babe." Paumanhin nalang niya. "Okay, I'll forgive you na." PaOA-ng sabi ni Jessica sa kabilang linya. "How's your day, babe?" Tanong ni Greg. "So boring. Nasa bahay lang. Nasaan ka ba? Pupuntahan kita." "Huh? Ah eh." Hindi niya alam kung ano ang idadahilan. Friendly meeting nila every Saturday at usapan nilang magkaibigan na no girls allowed on that day. Exclusively for four of them lang talaga. "Ayaw mo yatang makita ako eh. Ganyan ba ang nanliligaw? Iniiwasan ang nililigawan? Akala ko pa naman totoo ang sinabi mong mahal mo ako." Nagtatampong sabi nito na halos gumaralgal ang boses nito. Medyo nainis naman siya sa sinabi nito. Gusto niya ito pero ayaw niya sa mga babaeng demanding at masyadong OA. Napatingin siya kay Jacob at nakita niya itong nakangiti. Naalala niya ang pustahan nila. Hindi pwedeng susuko siya. "Hindi naman sa ganon, babe. Medyo busy lang talaga ako after mong umalis kanina. Ngayon naman ay schedule ng friendly meeting ko kaya kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko." Paliwanag niya. "Sa bar ni Rafael?" Panigurong tanong nito. "Yes, babe." "Okay, see you there." "Hindi ka pwedeng..." Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil pinatay na nito ang tawag. "Anong ibig niyang sabihin?" Tanong niya sa mga kasama to make sure na tama ang narinig niya. "Be prepared. She'll be here soon." Sagot ni Rafael na tumatawa. Hindi na napigilan ng iba pa ang tumawa. "Ano bang nakakatawa?" Nainis na tanong niya. Bigla siyang na bad mood. "Oh ano, bro suko ka na?" Tawang-tawang tanong ni Jacob. "Well, it's too early to give up. Kita mo naman girlfriend ko na siya. I'm close to my target." Kompiyansang sabi niya. "Be honest. No cheating pare, ah. You only win if she confess that she loves you. Malaki-laki yata ang pusta ko dito." Paniniguro ni Jacob. "No worries, you know me. Business is business but I never cheat just to get what I want." Panigurado ni Greg sa usapan nila. "I know. Paalala lang. Malaki yata ang pusta ko dito." Nakangiting wika nito. "Bro, parang nakikita na yata ng third eye ko kung ano ang magiging hitsura mo kung si Jessica ang magiging asawa mo." Singit ni James na tumatawa. "Hindi ko kayang i-imagine na hindi tumatawa." Dagdag ni Rafael na tawang-tawa. "Tumigil nga kayo. Hindi mangyayari iyon." Singhal niya sa mga ito. "Hindi pa ipinanganak ang babaeng mang-uunder sa akin. I'll crash her in my arms." Nakangiting wika niya. Narinig niyang pinagtatawanan lang siya sa mga sinabi. " Shut up!" Singhal niya at sabay silang nagtawanan. He needs to do something. Sa isip-isip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD