Day 9

861 Words
Hindi mapuknat ang ngiti ni Jessica ng maalala ang ginawa niya kahapon. Pinuntahan niya si Greg sa bar pagkatapos nilang mag-usap sa cellphone. Mukhang napipilitan lang itong asikasuhin siya sa harap ng mga kaibigan nito. Medyo nasaktan siya doon pero alam niya ang pinagkaganito nito dahil iyon sa over demanding na new girlfriend nito. Alam niya, pagganoong mga klase ng lalaki ay dapat ito ang laging masusunod. Ayaw na ayaw ng mga ito na inuunahan o pinapasunod ng mga babae nito, maasawa man o kasintahan. Nawawala siguro ang pagkamacho-feeling ng mga ito kapag ginaganoon ng mga babae kaya parfect sa plano niya. Kailangan na niyang bilisan para lumayo na ito sa kanya. I love you but goodbye scene. Sa isip-isip niya na nakangiti. Sumulpot siya sa bar kahapon at naabutan niyang naglalaro ng billiard ang magkaibigan. Habang naglalaro ang mga ito. Sinasadya niyang lapitan si Greg at niyayapos sa likod. Mukhang naasiwa naman ito sa ginawa niya dahil siguro kaharap nito ang mga kaibigan nito ngunit nakangiti pa rin ito at pinabayaan lang siya. May dala-dala siyang panyo at sinadya niyang punasan ang mukha nito na para bang may pawis doon kahit wala naman. Pinakita niya na sobrang sweet niya ngunit ang paningin ng iba ay napakapossesive niya. Hindi naman mailarawan ang mukha ni Greg. Alam niyang ayaw nito ang ginagawa niya ngunit di nito masabi ang nararamdaman dahil baka mapahiya at masaktan siya. Maya-maya ay tinapos nito ang laro at ibinigay ang buong atensiyon sa kanya. Bigla naman siyang nakaramdam ng pagkailang ng hapitan siya nito ng mahigpit. Tinitigan siya nito habang ang mukha ay dahan-dahang lumapit sa kanya. Biglang pagdaloy ng kuryente sa kanyang katawan. Pakiramdam niya ay biglang umalinsangan ang buong paligid. Nagrigodon ang kanyang naramdaman ng gadangkal nalang ang layo ng mga labi nito sa labi niya. Napapikit siya at hinintay ang labi nito ngunit nadismaya siya ng naramdaman ang labi nito sa noo niya. Damn, bakit dito ito humalik? Mabaho ba ang hininga niya? Napadilat siya at nakaramdam ng hiya sa pagpikit ng mata. "I don't want to break your rule. I respect you. I love you." Titig na titig ito sa kanya habang sinasabi ito. Kinikilig naman siya sa narinig. Ang sarap sa pakiramdam kung totoo man ang sinabi nito. Pero hindi niya sinagot ang pag 'I love you' nito. Trabaho lang ang ginawa niya at ayaw niyang iinvolve kung ano man ang tunay niyang nararamdaman. Naputol ang pag-iisip ni Jessica tungkol sa nangyari kagabi ng biglang nagring ang kanyang cellphone. "Hello bes, napatawag ka?" Tanong niya kay Cindy sa kabilang linya. "Mangumusta lang bes, ano ng nangyari doon sa plano mo kahapon? Excited na ako. Kwentuhan mo na ako." Sunod-sunod na tanong nito. "Ayon bes, medyo nasira ang araw niya kahapon. Hindi niya inaasahan na magkakaroon siya ng over demanding na girlfriend sa buhay niya. Hindi magtatagal ay lalayuan na niya ako. Tatanggapin na niya sa sarili niya na hindi lahat ng babae ay kaya niyang kontrolin at pasunurin. Na hindi lahat ay makukuha niya." Mahabang sabi niya. "Yey, excited na ako. Gusto kong makita ang reaksiyon ng mukha niya kapag narinig niya kung paano mo siya itatapon ngayong 15th day. Exciting. Good Job, bes!" Komento nito na tuwang-tuwa sa nalaman. "Yes, I'll dump him on 15th day." Mahina ngunit may diin niyang sabi. Biglang may lungkot siyang nararamdaman sa dibdib sa naisip. "Sige bes, balitaan mo ako sa susunod na mangyayari. Good luck bes. Bye na muna. May schedule akong kapanayam mamaya kaya kailangan kung maghanda upang 'di ako malate sa tagpuan namin. Bye bes." Paalam nito. Napabuntong hininga siya ng napatay ang tawag. Iwan ba niya. Biglang tumamlay ang pakiramdam niya. Tumunog uli ang cellphone niya. May kislot siyang nadarama sa dibdib ng makilala kung sino ang tumawag. "Hello, napatawag ka?" "Bawal na ba akong tumawag ngayon, babe? Nakasakit ka naman ng damdamin." Nagtatampong sagot nito. "I'm sorry nabigla lang ako. 'Di ko inaasahan na tatawag ka ngayon." Pagdadahilan niya. Ang totoo bigla siyang nagka-energy ng marinig ang boses nito. "Nakakatampo ka naman. Akala ko pa naman namimiss mo ako. Kaya tumawag ako tapos iyon lang pala ang maririnig ko." Pinalungkot nito ang boses. "Stop that drama. Hindi bagay sa iyo." Natatawang saad niya. "I want to see you. How about dinner tonight? Magpareserve ako ng magandang restaurant." "I'm so-sorry, babe. I'm busy today. Marami akong gagawin ngayon at isa pa mother-daughter bonding ngayon namin ni mama kaya di ako pwede." Pagdadahilan niya. Hindi niya ito pagbigyan sa mga gusto nito. Dapat lahat ng gusto niya ang sundin nito. "Alright, I understand." Malungkot na pahayag nito. "I'll visit you tomorrow. Mga hapon na siguro after my work. How's that? " pakonswelo niya. "Okay, aasahan ko iyan." Biglang sumaya ang boses nito. "Oh siya, paalam na at may gagawin pa ako." Pagtataboy niya rito. "Okay, love you." Paglalambing na wika nito. "Likewise." Maiksing sagot niya. "Ano ba naman iyang likewise na sagot." Reaksiyon nito. "Bye, handsome." Sagot lang niya pagkatapos ay pinatay ang tawag. Hindi maipaliwag ang kanyang nararamdaman. Basta, gumaan bigla ang pakiramdam niya. Hindi nawala ang ngiti niya buong araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD