Day 10

1280 Words
Katatapos lang ng meeting ni Greg sa isang kliyente. Alas singko na ng hapon, may usapan sila ni Jessica na dadalawin siya nito sa condo after work. Hindi niya ito natanong kung anong oras ito darating. Hindi rin naman ito tumawag na papunta na ito. Dali-dali siyang umalis ng opisina at tinungo ang parking lot. Kailangan niyang maghanda para sa pagdating nito. Ipagluluto niya ito ng masarap na hapunan para ma-in love na talaga ito sa kanya. Well, naramdaman naman niyang may gusto ito sa kanya ngunit di sapat iyon para masabi niyang in love na nga ito sa kanya. Kaya ngayong gabi, gagawin niyang special na gabi para sa dalaga. A candle light dinner date. Iyon ang gusto ng mga babae, iyong pinapa-feel sa kanila na special sila sa pamamagitan ng romantic dinner date and giving gifts. Kaya dadaan muna siya sa flower shop at bibigyan niya ito ng bulaklak. Kasalukuyang nag-order siya ng boquet of roses ng magring ang phone niya. Si Jessica. Siguro parating na ito. Napangitu siya. Iwan ba niya kahit minsan nakakainis ang babaeng ito ay gusto niya rin naman itong laging nakikita. "Hello, babe. Where are you? Nasa labas ako ng condo mo. Kanina pa ako nagdo-doorbell, asan ka ba?" Tanong nitong may pagkayamot. "I'm on my way, may dinaanan lang ako sandali. I'll be there in 15 minutes." "What's your passcode?" "Passcode?" Naguluhang tanong niya. "Passcode ng condo unit mo. Ayaw mo ba akong papasukin? Gusto mo hintayin kita sa labas ng 15 minutes? Why? Girlfriend mo naman ako. Later maging asawa na kaya di naman siguro masama na ibigay mo sa akin ang passcode mo para makapasok na ako." Mahabang wika nito. Halos manlaki naman ang tainga niya sa narinig. Akala niya nagliligawan pa sila pero balik iniisip na nito na maging mag-asawa na sila? Naguguluhan siya. Ang bilis yata ng pangyayari. Hindi pa niya inisip na mag-asawa at lalo ng hindi sa isang demanding at control freak na tulad nito. "Ayaw mo yata eh." Untag nito ng 'di siya sumagot. "Hindi naman sa ganon, nabigla lang ako sa sinabi mo. Totoo bang kinonsidera mo na maging mag-asawa tayo in the future?" Sabi nalang niya. "Oo, bakit ayaw mo?" Mataray na tanong nito. "Gusto, so total mag-asawa na tayo in the future pwede mo na sigurong tanggalin iyong dating rules mo? "Not yet, later." Agad na sagot nito. "Give me your passcode now." Utos nito. Ayan na naman ang pinakaayaw niya iyong sobrang demanding na babae. "Okay." At wala siyang maapuhap na alibi kaya ibinigay nalang niya ang passcode niya. Papalitan nalang niya mamaya pagkaalis nito. Pinatay na nito ang tawag. Binitbit niya ang bulaklak at sumakay sa kotse. Pagpasok na pagpasok niya sa condo unit niya ay sinalubong agad siya ng kakaibang amoy. Air freshener ba iyon? Pero iba ang amoy nito. Hindi iyong air freshener niya. "Hey, babe. Andito ka na pala." Niyapos siya nito at hinalikan sa pingi. Parang saglit namang naglaho ang inis niya rito at napalitan ng kakaibang pakiramdam. Saya. Ang sarap pala sa pakiramdam na may sumalubong sa kanya ng yakap kapag umuwi siya. Niyakap din niya ito ng mahigpit at ibinigay ang bulaklak. Nakita niya ang saya sa mukha nito at niyakap siya muli. Akmang nanakawan niya ito ng halik ng may naamoy siya na nasusunog. "Ano iyon?" Singhot niya. "Oh my gosh, ang niluluto ko. Nasunog yata." Dali-dali itong kumawala sa kanya at mabilis na tiningnan ang niluto. Biglang nalukot ang mukha nito ng makitang nasunog ang piniprito nitong karne. Ang cute pala nitong tingnan kapag nakapouty lips. "Bakit ka ngingiti-ngiti diyan? Nasunugan na nga ako, may gana ka pang ngumiti." Pag-eemote nito. "Cute mo kasing tingnan." Saad niya. Para namang biglang namula ang pisngi nito at umiwas ng tingin. Got'cha! Napapangiti siyang lalo. "Oh siya, magpalit kana muna ng damit doon. Tatapusin ko muna itong niluluto ko. Masarap ito. Favorite ko kaya ito." Ano kayang masarap sa pritong karne? Well, yes masarap din naman iyon pero para sa kanya ay nalakadaling lutuin nito kaya nothing so special on that dish. Iniwan na niya ito at dumiritso sa kwarto para magbihis. Nabigla siya ng makita niyang may unan na doon na kulay pink at ang bedsheet niyang dark blue ay naging kulay pink na may hello kitty na design pa. Ano ito? Binuksan niya closet niya para kumuha ng ipapalit na damit ng makita niyang may iilang damit na nakahanger doon. Damit pambabae. Kay Jessica ba ito? Well, sigurado siyang sa kanya ito dahil wala namang ibang pumasok dito kundi ito lang. Anong ibig nitong sabihin na titira na ito kasama siya sa condo niya? Naisuklay nalang niya ang kamay sa buhok niya. Hindi niya nagustuhan ang mabilis na panghimasok nito sa buhay niya. Sa mga naging girlfriend niya, hindi pa siya nakatagpo nang babaeng ganito ka agresibo. Pumasok siya ng banyo para magshower sandali upang kahit papaano ay maibsan ang biglang nag-init na ulo niya at mawala ang pagbangon ng inis sa dalaga. Ngunit imbes na mawala ang inis ay lalo pa itong nadagdagan ng sa pagpasok niya ay nakita niyang may nilagay ito doon. New set of toothbrush. Pangcouple talaga. May pambabaeng shampoo, Feminine wash, body wash, may sabon na pambabae din. May dalawang tuwalya na kulay pink at may hello kitty ding design. Ano ba ang ginagawa ng babaeng ito? Nagliligawan pa sila ngunit nag-assume na ito na maybahay niya? Maloloka na yata siya kaiisip kung anong gagawin niya. Biglang sumakit ang ulo niya. "Babe?" Tawag nito sa kanya. Hindi siya sumagot. "Okay ka lang diyan?" Tanong nito. "I'm okay." "Bilisan mo na diyan at kakain na tayo. Nakahain na ako." "I'm coming." Maiksing sagot niya. Dali-dali siyang nagbihis at lumabas. Nakaready na ang table na pagkakainan. The set up is for romantic dinner date. Ano ba ito? Di ba dapat siya ang gagawa noon dahil siya ang lalaki? Ano ba ang nangyari sa babaeng ito? Gusto niyang isatinig ngunit di niya ginawa. "Thank you for the flowers, babe." Pasalamat nito. Hindi niya naibigay ito dito kanina ngunit ina-assume agad nito na para ito sa kanya. Ito ba ang babaeng gugustuhin niya? Ngiti lang ang isinagot niya. Nilagyan siya nito ng pagkain sa kanyang plato na parang bang isa siyang alagain na tao. "Tikman mo babe ang luto ko. Pagpasensiyahan mo na kung medyo nasunog." Paumanhin nito. Nag-umpisa na siyang kumain ngunit napangiwi siya dahil 'di lang sa pait na lasa nito dahil sa pagkasunog kundi napakaalat din nito. Mahilig at magaling siyang magluto kaya alam niyang ang luto ni Jessica ay isang basura para sa kanya. Ngunit hindi niya inuluwa iyon dahil sa sarap ng ngiti nito habang nakatingin sa kanyang kumakain. Ayaw niyang makita itong masasaktan kapag mainsulto ito kung hindi niya kakainin ang pagkain. Iwan ba niya kung bakit pinagtityagaan niya ito. Siguro dahil kailangan talaga niya ang pamanalunan sa pusta nila. Ang lupa. "Ito pa oh. Kainin mo pa." Sinusubuan siya ni Jessica na para bang isa siyang pasyente na hindi kayang kumain mag-isa. Doon hindi na niya napigilan ang sarili at natabig ang kamay nito. "Ano ba?" Napataas ang boses niya. Nabigla naman ito sa ginawa niya. Nanlambong ang mga mata nito na para anumang segundo ay lalabas na ang luha. Dali-dali itong tumayo at kinuha ang shoulder bag. "I'm sorry, babe, nabigla lang ako." Nakonsensiya naman siya sa ginawa. Humagulhol na ito at mabilis na lumabas na hindi man lang siya nilingon. Hindi na niya ito hinabol. Napamura nalang siya. Hindi niya alam kung para saan ang pagmumura niya. Sa babae ba o sa kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD