Nasa bahay lang si Jessica ng araw na iyon. Ginugul niya ang oras niya sa pagsusulat. Malapit ng matapos iyon. Five days nalang at matapos na ang article na isinulat niya.
Nagrereport naman siya sa opisina minsan. Sa isang writer na tulad niya ay pwede siyang magwork at home. Kaya nagustuhan niya ang trabaho niya.
Nasakalagitnaan siya ng pagsusulat ng biglang tumunog ang doorbell. Tumayo siya para buksan ang pintuan. Wala si Teresa dahil namamalingke ito.
Napagbuksan niya ang isang delivery boy na may dala-dalang boquet of flowers. Kinuha niya ang bulaklak pagkatapos pinirmahan ang ibinigay ng lalaki.
Inamoy niya ang bulaklak. Napangiti siya. Ang bango-bango nito. This time hindi roses ang ipinadala ni Greg. Pinaghalong iba't ibang bulaklak. Binasa niya ang maliit na card.
I'm sorry, babe. Please forgive me. I miss you. -Greg
Napangiti siya at kinilig. Kanina pa ito tumawag. Actually kagabi pa, akala niya sumurender na ito ng pagkatapos ng tatlong tawag nito na hindi niya sinagot. Pero kaninang umaga lang ginising siya nito ng tawag ngunit di pa rin niya ito kinausap. Plano niyang hindi kakausapin ito ngayong araw. Part of the plan pero alam niya mamimiss niya ito.
Bumalik siya sa kwarto kung saan siya nagsusulat kanina ng tumunog ang message alert tone niya.
Sagutin mo naman ang tawag ko. Please.....
Text ni Greg sa kanya. Parang may awa namang humaplos sa puso niya. Gusto naman talaga niya itong kausapin kaso kailangan niyang panindigan ang plano niya, ang trabaho niya. Kunting panahon nalang ang natitira at kailangang matapos na ito.
I'm sorry,babe. Forgive me. Promise babawi ako. I'll have a reservation for the two of us 7 tonight at D' Leonie Restaurant. Hihintayin kita doon at hindi ako aalis hanggat hindi ka dumating.
Padala uli ng text nito. Aba'y hindi talaga ito susuko sa kanya. Ang laki siguro ng ego nito. Sa isip-isip niya pero kinilig naman siya sa kaisipang espesyal siya para dito para pag-aksayahan siya ng ganyang effort.
Bigla siyang kinilig. Kilig lang naman. Normal lang iyon. Paliwanag niya sa isip niya.
Bahala ito doon hindi niya ito pupuntahan. Manigas siya. Sabi niya sa isip niya.
Ngunit kinagabihan ay halos di mapakali si Jessica sa kakaikot sa loob ng kanyang kwarta. Hindi pa rin siya makapgdesisyon kung pupunta o hindi. Pero naaawa naman siya kay Greg baka tutuhanin nitong hindi ito aalis hanggat hindi siya darating. Mag-aalas siete na. Kinain naman siya ng konsensya. Kaya dali-dali siyang nagbihis at pumunta sa restaurant na sinabi nito.
Halos kalahating oras din ang byahe niya papunta sa restaurant. Kaagad siyang pumasok ng dumating. Nakita niya itong nakatingin sa may pintuan ng restaurant at naghihintay sa kanya. Biglang nagliwanag ang mukha nito ng makita siya. Tumayo ito habang hinintay siyang makalapit.
Niyakap siya nito ng mahigpit pagkalapit niya. Hindi siya makagalaw sa sobrang higpit ng yakap nito. Pero gusto niya ang pakiramdam na iyon. Gusto niya ang pakiramdam na nasa mga bisig nito. Nahuhulog na yata talaga ang puso niya dito.
Pero hindi, hindi niya dapat maramdaman ito. Hindi siya dapat umibig sa isang playboy. Alam niya kaya siya pinag-aksayahan ng oras nito dahil iba siya sa mga babae nito. Nasasaktan lang ang pride nito. Later on, iiwan rin siya tulad ng ginawa nito sa iba. Nasasaktan naman siya sa kaisipang iyon.
"Thank you at dumating ka." Masayang sabi nito.
Ngumiti lang siya.
"What do you want to eat?" Ibinigay ng waiter sa kanila ang menu.
"I'm hungry dahil hindi ako kumain buong araw dahil sa ginawa mo." Pagsisinungaling niya at pangungunsensiya.
"I'm sorry, babe." Serserong paghingi nito ng paumanhin.
"Forget it." Sagot niya at ibinigay ang order sa waiter.
Inumpisahan niyang kainin ang complimentary bread na nasa table nila habang hinihintay ang order.
"How's your day been?" Tanong niya rito. Sinabi naman nito ang mga ginagawa nito buong maghapon at kung gaano din ito naapektuhan sa nagyari at hindi niya pagsagot sa mga tawag nito.
After 15 minutes, dumating na rin sa wakas ang pagkaing inorder niya. Mukhang nabigla si Greg ng mapagtanto kung gaano karami ang inorder niyang pagkain. Parang gustong magtanong kung mauubos ba nilang lahat iyon ngunit 'di nalang nagsalita.
Mapapakain siya ng marami nito.
It's show time. Sa isip-isip niya.
Tumayo siya at pumunta sa lavatory para maghugas ng kamay.
Bumalik siyang basang-basa pa ang mga kamay. Hindi man lang siya nagpunas ng tissue. Syempre sinadya niya iyon.
Umupo siya at kumuha ng kanin. Naglagay ng ulam sa plato at inumpisahan ng kumain. Syempre kinamay niya ang pagkain.
"Sarap! Lahat paborito ko ito." Sabi niya habang kumakain at puno ng pagkain ang bibig. Hindi pa siya nasiyahan sa ginawa at pinatong pa niya ang kaliwang paa sa upuan.
Halos natulala naman si Greg sa kanyang nasaksihan. Hindi niya inisip na may ugali pala itong ganito. Napalingon siya sa paligid. May ibang taong nakatingin sa kanila. Wala namang pakialam si Jessica kung nasaan sila basta kain lang ito ng kain. Hindi nito inisip na nasa isang mamahalin na restaurant sila at ang lahat ng tao doon ay may table manners kung kumain.
Medyo napahiya siya pero hindi naman niya ito mapagsabihan dahil iwan ba niya napakatampuhin pala nito. At ayaw niyang magagalit na naman ito at hindi siya kibuin. Masasayang ang araw na dapat sanay ilalaan niya para mapaibig ito. Pero sa kaibuturan ng kanyang puso, alam niya, ayaw niyang magtampo ito sa kanya dahil mamimiss niya ito kapag hindi nakikita o naririnig ang boses nito. Iwan ba niya, maggayuma yata ang bruhang ito.
Iniyuko nalang niya ang kanyang ulo at tahimik na kumain.
Napalunok naman siya ng mapatingin sa dalaga na dinilaan nito mga daliri pagkatapos ay ang gilid ng labing may ketchup.
Ang labi nitong may oil pa. Para namang baboy itong kumain. Pero bakit gusto niyang siya ang maglilinis ng mga labi nito. Bakit gusto niyang tikman ang lasa ng ketchup sa mga labi nito.
Napainom siya bigla ng tubig sa naisip.
Biglang nag-init ang pakiramdam niya.
Nilagok uli niya ang isang basong tubig.
"I'll visit my grandma tomorrow. Wanna go with me? Dalawang araw tayo doon. Maganda doon. May malaking farm si lola Margareta." Maya-maya ay sabi niya rito.
Napahinto naman sa pagkain si Jessica sa narinig. Nabigla siya. Hindi niya ini-expect na ayain siya nito at ipakilala siya sa pamilya nito. Nakaramdam siya bigla ng saya.
"Talaga?" Di pa rin makapaniwalang tanong niya.
"Yep, mag-absent ka sa work ng two days. Gusto kitang masolo." Sabi nito sabay kindat.
Parang nalaglag naman ang puso niya sa sobrang kilig. Imagine ipakilala siya sa pamilya nito. Hay sarap umasa.
Sana totoo ito. Usal na panalangin sa isip niya.