CHAPTER 6

3643 Words
"Yeah, she's my niece," kibit balikat na sabi ni Mr. Tan habang si Thea naman ay napasapo na lang ng mukha nang hindi niya napigilan si Mr. Tan sa ibinulgar nito.  Hindi makapaniwalang nilingon ko si Thea na hindi makatingin sa akin. Ibig sabihin ay piniling magtrabaho ng ganito kayaman na tao dito sa isang fast food chain?! Halos hindi makatingin sa akin si Thea habang ako naman ay hindi pa rin makapaniwala sa narinig ko. All these time ay isang napakayaman na tao pala ang kasama ko. Does that also mean na hindi totoo ang sinabi niya na ito lang ang business nila? na ganitong branch lang? o baka naman lahat ng branch ng ganitong fast food chain ay sa kanila pala.  Napansin ko naman ang pag-iba ng itsura ni Thea nang may mapansin siya sa labas. "Let's discuss about this somewhere else. Hindi na ako naka-alma nang hinila na niya ako papunta sa gilid habang tinatakpan ang itsura namin pareho.  "Can you take over?" malamig na tanong ni Thea sa isa naming kasama sa trabaho na nakasalubong namin.  Nanlaki ang mata nito nang makita si Mr. Tan na nakasunod sa likod namin. Tulala itong tumango. "Thanks!" tipid na sabi ni Thea at tuluyan na akong hinila papuntang locker room.  "Stay there!" pigil ni Thea kay Mr. Tan nang akma itong sasama sa loob ng locker room.  "Sorry!" gulat na sabi ni Mr. Tan nang mapagtanto ang ginawa niya at tinaas ang magkabilang kamay. Thea banged the door right in front of his face at tuluyan akong hinarap.  Hindi ko alam pero biglang naging awkward ang pagitan naming dalawa. "Well, that's it," tipid na sabi niya at kibit balikat na humarap sa locker niya at nilabas ang damit niya.  "Anong that's it?" slow na tanong ko at gaya niya ay nilabas ko din ang damit ko at nagbihis kagaya niya. Hindi ko alam kung bakit ko siya ginagawa pero hindi ko din naman alam kung ano ang gagawin ko. Alangan naman na panoorin ko lang siyang magbihis.  "That is who I really am," mahinang sabi niya at malalim na napabuntong hininga at tinignan ako. "Are you not disappointed that I lied?"  Nangunot ang noo ko nang marinig ko ang tanong niya. "Bakit naman ako ma-disappoint?" I know where she is coming from pero gusto kong maintindihan at ipa-explain sa kaniya mismo without me forcing her to do so.  "That I kept my real identity from you."  I pursed my lips nang muntik na akong matawa sa sinabi niya kaso napagtanto ko na seryosong usapan pala ito. "Actually, no. In the first place bakit naman? It's your life, Thea. Ikaw ang bahala kung ano ang gusto mong gawin sa buhay mo. Basta ako ay nandito lang ako para sa iyo kung kailangan mo ako o hindi. So ano naman ngayon kung sinabi mo sa akin ang totoo? may magbabago ba? siguro sa katotohanan na alam ko kung sino ka. Pero sa implication niyon sa relationship natin? I don't think so. Kagaya ng ginawa ko nang sinabi mo sa akin na kayo ang may ari ng ganitong business, hindi ko rin sasabihin sa iba ang totoo hangga't ikaw mismo ang magsasabi, maliban na lang kung may ibang dahilan kung bakit nalantad, kagaya nito," mahabang paliwanag ko at maliit na ngumiti sa kaniya.  Thea rolled her eyes nang marinig ang sinabi ko. "I don't even know what he is doing here," naiiling na sabi niya at tinapos nang mag-ayos. Natigilan ko nang mapansin ko na nakatingin sa akin si Thea habang nagbibihis ako. Maang na napatingin ako sa kaniya at sa sarili ko at napagtanto na nakalantad pala sa harap niya ang hubad kong katawan. May suot naman akong underwear.  "OI! ANO IYAN?!" nanlaki ang matang sabi ko at tinakpan ang katawan ko. Isang beses na naman siyang napatirik ng mata dahil sa reaction ko.  "I am just waiting for you to finish," masungit na sabi niya at umupo sa isang mini bench na nasa gitna ng locker. Bilib din talaga ako sa babaeng ito, kahit ganiyan siya kayaman ay super humble at down to earth.  "Curious lang ako," panimula ko habang nagsusuot ng pantalon ko.  "Hmm?' she asked while her eyes are closed at nakatingala.  "Bakit mo tinatago ang totoong pagkatao mo? hindi ka ba pwedeng magtrabaho na alam ng ibang tao kung sino ka?" takang tanong ko.  Thea opened her eyes and smiled sadly. "I just want to be normal for once. If ever people will know about me and my status, they will probably give special treatment to me. I want to experience the real world, Chessa and not the world that was given to me," makahulugang sabi niya at napabuntong hininga. "But then, my uncle blew my cover. Now I am jobless," annoyed na sabi niya at hinipan ang ilang hibla ng buhok niya na tumatakip sa mukha niya.  I chuckled lightly dahil halata talaga sa itsura niya na pikon siya sa ginawa ni Mr. Tan. "Kahit sino ka man, pareho lang din ang trato ko sa iyo. Kahit sino ka man, sa huli ay kaibigan pa rin ang trato ko sa iyo," sincere na sabi ko sa kaniya at malapad na ngumiti.  I saw the corner of her lips raised when she heard what I said. "That's why I like you," makahulugang sabi niya at ngumisi.  Mapagbirong tinakpan ko ang sarili ko at kunyari ay nandidiri sa kaniya. "Ew! Hindi tayo talo!" sabi ko with matching nginig.  Nakatanggap naman ako ng sapok kay Thea. "Gaga, ako na 'to aayaw ka pa?" masungit na sabi niya.  Tumingin ako sa taas at kunyari ay nag-isip. "Sabagay, pwede na rin. At least maaahon ko na ang sarili ko sa hirap," sabi ko. Pareho na lang kaming natawa sa pinag-uusapan namin hanggang sa napagdesisyunan na naming lumabas ng locker room.  "Wait!" pigil sa akin ni Thea at hinarap ako sa kaniya. "Bakit?" gulat na tanong ko dahil bigla na lang niya akong hinila pabalik.  "There are a lot of paparazzi outside. Make sure to cover yourself well so you won't be taken a photo. Believe me, it would be chaotic," paliwanag sa akin ni Thea at nagmamadaling hinukay ang laman ng sarili niyang locker. "Here, wear this," sabi niya at inabot sa akin ang isang hoodie  "Seryoso ka ba?" nag-aalangang tanong ko. Hello! ang init-init kaya sa labas tapos papasuotin pa niya ako ng ganito.  "Yes," malamig na sabi niya and impatiently tap her foot on the floor.  I took a heavy sigh at wala sa sariling sinuot na lang ang hoodie. "Okay na?" tanong ko nang tuluyan ko na iyong masuot.  Thea pulled the hood of the hoodie at nilagay iyon sa taas ng ulo ko. "Better," nakangising sabi niya at hinila na ako palabas.  "Where are we going?" malamig na tanong ni Thea kay Mr. Tan na halatang asar pa sa tito nito.  "Have you eaten already? let's go grab something to eat," offer naman ng matanda. Thea was about to say no nang malakas na kumalam ang sikmura ko.  Nahihiyang hinila ko pababa lalo ang hood ng suot ko para tuluyang matakpan ang itsura ko nang makaramdam ako ng hiya. "I guess that's it," natatawang sabi ni Mr. Tan at nauna nang magkalad.  "I'm sorry," namumulang sabi ko kay Thea nang magsalubong ang tingin naming dalawa.  "Nah, it's okay. I guess we really need to eat. I haven't eaten my breakfast also," kibit-balikat na sabi niya at started to drag me behind her dahil halos wala akong makita dahil sa hoodie ng suot ko. "Just keep your head low," narinig kong sabi niya sa akin nang magsimula nang dumami ang mga tao na dinadaanan namin.  "It's Thea Tan!" narinig kong sigaw ng isang lalaki na sinundan ng ilang tili ng mga babae. They started to rush towards us at ginawa kaming sandwich.  "Hi Thea! you are so beautiful!"  "Thea! please notice me!"  "Thea is true that you are dating Paolo?"  Napangiwi ako nang bigla akong makaramdam ng p*******t ng tiyan ko. Patagal ng patagal ay mas lalo kaming nahihirapang dumaan. Patagal ng patagal ay mas lalo akong nahihirapang huminga dahil sa kumpol ng mga tao na nakapalibot sa amin, dumagdag pa ang walang kaparehong sakit na nagsisimulang mamuo sa tiyan ko.  "Ouch!" I groaned at pasimpleng hinawakan ang tiyan ko. The people started to squeeze us more. Halos hindi ko na makita ang dinadaanan namin dahil natabunan na iyon ng mga tao at silaw ng flash na nanggagaling sa camera.  "Hey! stop that!" narinig kong saway ni Thea and started to protect me.  "Thea," mahinang tawag ko sa kaniya at sinubukan siyang tignan mula sa nanlalabo kong paningin. Mariin akong umiling at sinubukang tumingin sa paligid pero nagsimulang dumilim ang paningin ko. Binuka ko ang bibig ko nang nahihirapan na talaga akong huminga, nagsimula na rin akong pawisan ng malamig.  "Thea," tawag ko kay sa kaibigan ko na hinihila lang ako. Natigilan si Thea nang marinig ang boses ko at nilingon ako.  "Chessa?" tawag niya sa akin at sinilip ako. Namutla siya nang makita ang itsura ko. "Uncle!" malakas na sigaw niya. Hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari dahil bigla na lamang akong nawalan ng ulirat.  THIRD PERSON'S POV: Maraming napatili mula sa madla nang bigla na lamang bumagsak si Chessa. "UNCLE!" sigaw ni Thea and looked at everyone around them with a glare. "Is it really hard for you to give us our privacy?" mas lalong naningkit ang singkit na nitong mata sa galit. "MOVE!" malamig na sabi niya.  Nahihintakutan na lumayo ang mga tao sa paligid nang makita ang galita sa itsura ng batang billionarya. Isa ito sa mga pinaka-influential na tao lalo na sa mga kaedad nito dahil sa ilang linya ng mga business na meron ito. Maliban doon ay isa din itong sikat ma modela sa mapa-Pilipinas man o sa labas ng bansa.  "WHAT HAPPENED?!" nanlalaki ang matang tanong ni Mr. sa pamangkin nang makita si Chessa na nakahandusay na sa sahig at sobrang putla.  "I don't know! She suddenly lost consciousness!" tarantang sabi ni Thea at sinubukang tapikin ang kaibigan at ginising ito pero hindi ito sumasagot at nanatiling walang malay.  Right at that moment ay nagsidatingan ang mga guwardya na dala ni Mr. Tan and they all surrounded the three of them and protected them from other people. Nagmamadaling lumapit si Mr. Tan kay Chessa at binuhat ito.  "Let the guard carry her!" pigil sa kaniya ng pamangkin.  "I can carry her," agad na sagot niya at nagmamadaling tinungo ang daan papunta sa direksyon kung saan ang exit. Walang nagawa si Thea kundi tumakbo na lang din sa likod ng tiyuhin niya.  "Call the doctor!" sigaw ni Mr. Tan. Nagmamadaling nilabas ni Thea ang cellphone niya and dialed their family doctor and asked him to come to their house. Their bodyguard lead them to the car and they rushed towards their mansion.  "My god, she is so pale," hindi makapaniwalang sabi ni Mr. Tan habang nakatitig kay Chessa na bitbit niya sa mga bisig niya. Hindi niya maintindihan pero parang hiniwa ang puso niya habang nakatingin sa dalaga na ganito ang sitwasyon.  "I can't believe what happened! She was energetic earlier. Maybe she have a claustrophobia?" takang sabi ni Thea habang nakatingin din sa kaibigan.  "Drive faster," mariing utos ni Mr. Tan sa driver na agad namang tumalima at sinunod ang utos ng amo. Ang higit isang oras na byahe papunta sa mansion na pagmamay-ari nila ay naging kalahating oras lang sa sobrang pagmamadali. Mismong pagka-park ng sasakyan at sinalubong sila ng mga grupo ng mga nurse at doktor na tinawag ni Thea. "What happened to her?" tanong ng doktor nang tuluyan itong makalapit.  "I don't know! we we're trapped in between the crowds. I was walking in front of her so I wasn't able to check that much on her. I just heard her called my name and when I looked back, she was already pale as paper and suddenly lost consciousness," paliwanag ni Thea sa buong pangyayari habang nakatingin sa kaibigan na nilipat ng mga nurses sa stretcher na dala nila.  "Alright, we will  do our best," buo ang boses na sabi ng doktor at sumunod na sa mga kasamahan nito papasok sa loob ng dambuhalang mansyon na pagmamay-ari ng mga Tan. "Oh my gosh!" nanghihinang bulalas ni Thea at napasapo ng mukha. This is the first time that she made a close ties to someone other than people who got involved into her life because of business. Chessa is the only person she knew that accepted her and befriended her not because of her status. She was surprised at first on how she wasn't able to recognize her, but then other co-workers of them wasn't able to recognize her as well so she used that opportunity to live normally. It was fun but it was cut short.  "Let's get you inside," marahang inalalayan ni Mr. Tan ang pamangkin papasok sa loob ng kanilang kabahayan. Hinatid niya ang pamangkin sa kwarto nito bago tumuloy sa sarili niyang kwarto.  Halos isang oras din ang dumaan nang pinatawag sila ng doktor para magbigay ng resulta kung ano ang kalagayan ng ni Chessa.  "How is she doing, Doc?" nag-aalalang tanong ni Thea na halatang hindi mapakali. Tahimik lang naman si Mr. Tan na nakikinig sa tabi.  "According to the result, your friend possibly might have a food poisoning. Do you have any idea on what she ate that lead to this?" concerned na tanong ng doktor.  Thea bit her lower lip when her worry doubled. "No," umiiling na sabi niya. "All I know is that, she skips meals often because it's either she doesn't have money to buy herself a food or she doesn't have a time to eat," paliwanag nito.  "I see, we just gave her an initial dose of medicine that she needed in order to recover. Let's just wait for her to wake up so we can assess further and provide the care that she needs," marahang sabi ng doktor na mukhang nakikisimpatya sa nararamdaman nilang pag-aalala.  "Thank you, Doctor," maliit ang ngiting sabi ni Mr. Tan and tapped the shoulder of the doctor who smiled lightly at them before he excused himself.  CHESSA'S POV: Napangwi ako nang maramdaman ko ang kaunting kirot sa tiyan ko na siyang gumising sa akin. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at nakita ang hindi pamilyar na paligid. Nanlalaki ang matang nilibot ko ang tingin sa paligid nang bigla akong kabahan nang mapagtanto ko na hindi ko alam kung nasaan ako. Wala sa sarili akong bumangon sa kama at akmang bababa sa dambuhala at mamahalang kama kung saan ako nakahiga nang pigilan ako ng isang babae.  "Ma'am, please calm down. Huwag ka po munang bumangon kasi kailangan mo pa pong magpahinga," kalmadong sabi niya sa akin. Dahan-dahan akong napaatras sa kama at sinuri siya ng tingin. Kung babasehan sa damit niya ay alam ko na isa siyang nurse dahil pareho iyong sa duty uniform na suot namin noong nag-aaral pa ako.  "Nasaan ako?" kalmadong tanong ko. "Anong nangyari sa akin?' nakangiwing tanong ko nang wala akong maalala.  "Hindi niyo po ba maalala ang nangyari?" nag-aalalang tanong ng nurse but still managed to look professional enough not to cause a worry to me.  "Hindi eh," disoriented na sagot ko.  "How about ang pangalan niyo po, Ma'am? alam niyo po ba?" tanong niya.  Teka, is she taking my GCS? GCS stands for Glasgow coma scale. Iyon ang palaging ginagawa tuwing kakagising lang ng pasyente o kung gusto tignan ng mga nurse o doktor ang kalagayan ng pasyente. "My name po is Chessa Maurice Margarico, Hindi ko po masasabi kung nasaan tayo ngayon kasi hindi ako familiar sa lugar na ito and-" I said at ginalaw ang kamay at paa ko. "Okay naman po ang utak ko. Hehe," pilit ang tawang sabi ko.  The nurse looked amused with what I did. "Are you a nurse?" nakangiting tanong niya sa akin at dinala ang vital signs kit sa tabi ko.  "Um. Nag-aral lang pero hindi po ako nakapag-tapos," nakangiting sabi ko. Hindi agad siya nakasagot dahil kinukuha niya ang blood pressure ko at temperature kaya hinayaan ko na lang muna siya. "Bakit naman? sayang," nakikisimpatyang sabi niya.  "Hindi kaya sa budget eh. Pero doble kayod naman ako para makapag tapos ako. Malay mo, magkatrabaho na tayo sa susunod," biro ko na ikinatawa niya.  "Why not? I'd love to work with you someday," magaan ang boses na sabi niya. "Nurse Chessa," dagdag niya sa naunang sinabi. Kumabog ang dibdib ko sa narinig. Iyon ang unang beses simula nang hindi na ako nag-aral na marinig akong tinawag ng ganiyan. Ang sarap lang sa tenga na marinig ang ganoong tawag sa akin.  "Hayy, sana nga," nangangarap na sabi ko.  The nurse lightly tap my shoulder. "You can do it," determinadong sabi niya. "My name is Bea by the way Ma'am and I am your personal nurse. Tatawagin ko lang si Doc para ipaalam na gising ka na, okay lang ba?" therapeutic na pakilala niya sa sarili.  "Okay lang!" energetic na sabi ko. The nurse smiled at isang beses pang nagpaalam before getting out of the room. Naiwan naman akong mag-isa and so I admired the place. Tumayo ako mula sa kama at sinuri ang paligid. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, ito ang unang beses na nakakita ako ng ganito kaganda, mamahalin at kalaki na kwarto. Halos saan ako tumingin ay puro iyon ginto at babasaging mga bagay.  "CHESSA!" sigaw ng pamilyar na boses. Nagulat ako nang bago pa man ako tuluyang lumingon ay sinalubong na ako ni Thea ng mahigpit na yakap. "I was so worried!" matinis ang boses na sabi niya. Parang nag-melt naman ang puso ko nang mahimigan ko ang pag-aalala sa boses niya.  I smiled and wrapped my arms behind her. "Sorry, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin. Bigla na lang akong nawalan ng malay kanina," hinging paumanhin ko. Malakas akong napahiyaw nang tinapik ni Thea ang kamay ko kung saan may IV pang nakatusok.  "Oh my gosh! I'm sorry!" nanlalaki ang matang sabi niya at napatakip ng bibig.  "Gagi okay lang," mangiyak-ngiyak na sabi ko pero para na akong magwawala sa sakit ng kamay ko. May dugo pang lumabas doon.  "Sorry! Ikaw kasi eh," kita mo itong bruha na ito. Tinuro pa talaga sa akin. Ano naman ang ginawa ko?  "Nasaan tayo?" takang tanong ko at muling nilibot ang tingin sa paligid. Pakiramdam ko ay para akong sanggol na kakapanganak lang sa mundo. Well, sa mundo ng mayayaman.  Thea was about to answer nang may kumatok sa labas ng kwarto. "Get in," sabi ni Thea and a man wearing a white coat entered the room. Umawang ang labi ko nang makita ko ang itsura ng doktor. He is tall and handsome. His clean features suited the white coat that he is wearing.  "Hello, Ms. Margarico," pormal na sabi nito at malapas na ngumiti sa akin.  "Aherm. Ang mata," pasimpleng bulong sa akin ni Thea na nakatayo na ulit sa tabi ko. Agad kong sinarado ang bibig ko at napapahiyang umiwas ng tingin.  "H-Hello!" parang sabog na ganting bati ko sa kaniya. Napatampal na lamang si Thea ng noo niya nang mapansin na malakas talaga ang tama sa akin ng doktor habang ang doktor naman mismo ay napangiti na lang sa akin.  'Jusko Lord, ang gwapo!' "Is is okay if I start assessing you now so I can provide interventions as soon as possi-" "Oo!" agad na sagot ko at nagmamadaling umupo sa kama at hindi na hinintay na matapos niya ang sinasabi niya.  The doctor chuckled which made my heart raced faster even more. "Cute," I heard him muttered under his breath before coming close to me. Para naman akong kamatis na hinog sa sobrang pamumula ng pisngi ko nang marinig ang sinabi niya. 'Teka, sinadya niya bang iparinig sa akin iyon?' I thought. Para tuloy akong nakalunok ng malaking buto buong pagkakataon dahil sa sobrang kilig.  THIRD PERSON'S POV: "I am telling you, sign the contract or kiss your life goodbye," malamig na sabi ng isang lalaki sa kausap niya sa telepono. Hindi na niya hinintay pang sumagot ang kabilang linya at agad nang binaba ang tawag. He heard three soft knocks from the door.  "Come in," tipid na sabi niya at nilagyan ng alak at yelo ang baso niya.  "Here is the photos, Sir," sabi ng isang lalaki sa amo nito na tahimik lang na nakaupo sa swivel chair nito at sumisimsim sa baso ng alak na hawak nito. The man face his desk and opened the envelope. Nilagay niya ang baso sa isang tabi at walang pake-alam na pinunit ang selyo ng envelope at tinignan ang laman niyon. Agad na nagtagis ang bagang niya nang makita ang ilang kuha ng larawan na natanggap niya. Tumagal ang tingin niya sa isang kuha ng larawan kung saan kita ang itsura ng babaeng nakasuot ng hoodie. Nakahiga ito sa sahig at walang malay.  "Bring all the information that you can find about this woman," malamig na sabi niya sa tauhan niya habang masama ang tingin sa babae sa larawan. Wala sa sariling kinuyumos niya ang papel at gigil na tinapon iyon sa isang tabi.  "What are you still doing here?" kunot-noong tanong niya sa tauhan niya nang mapansin na nakatayo pa rin ito sa tabi niya.  "I'm sorry, Sir," nagmamadaling sahi nito at agad na yumuko sa kaniya at lumabas na. Halata ang takot sa itsura nito.  The man clenched his teeth while looking at the other photos which shows the face of this certain woman. "What do you want with my family," malamig na sabi niya habang titig na titig sa picture ng babae.  - - ✘ R E A D ✘ ✘ C O M M E N T ✘ ✘ F O L L O W M E ✘ 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD