Mariin akong napakagat ng ngipin ko nang unati-unting umaakyat ang lamig na nararamdaman ko sa mula sa sakong ko. Kanina pa ako giniginaw pero pinipigilan ko lang ang sarili ko na manginig dahil sa lamig ng aircon ni Mr. Tan. Nahihiya naman akong sabihan siya na hinaan iyon, nakiki-hitch na ngalang ako tapos ako pa ang demanding.
"I'm sorry, I didn't notice," bigla ay sabi niya at may in-adjust sa may harap namin. Tinitigan ko kung ano iyon at nakita na control pala iyon sa aircon.
"Ay nako, Sir. Ayos lang ho," nahihiyang sabi ko.
Mr. Tan chuckled. "It's not okay when you look like you are about to freeze to death. Just tell me if there is something that bothers you," magaan ang ngiti na sabi niya habang nakatutok pa rin sa daan ang tingin.
"Thank you po," tipid na sabi ko at kagat labing tinutok na lang ang pansin sa labas ng bintana. Gusto ko sanang sundin ang sinabi ni Mr. Tan na matulog ako habang nasa byahe, pero paano naman ako makakatulog sa presensya ng boss ko?
"So, Ms. Margarico. I heard you still have a work," natigilan ako nang biglang magsalita si Mr. Tan. Umawang ang labi ko nang nagtaka ako kung paano niya nalaman ang tungkol sa ganoong bagay, pero naalala ko na binanggit pala iyon ni Chase kanina. 'Tsk, ang ingay din pala ng lalaking iyon' I thought.
"Ah. Yes po, Sir," magalang na sagot ko.
"May I ask what is your work?" curious na tanong niya.
Hindi ko maiwasang mamangha nang mapansin ko kung gaano ka-smooth ang pag-ikot ni Mr. Tan ng manibela nang lumiko kami. "Sa isang fast food chain po, Sir," sagot ko.
"What time is your shift?" kunot-noong tanong niya.
"8 am po, Sir hanggang 2 pm po. Tapos sa club naman po ay 9 pm to 3 am po," kinumpleto ko na kahit hindi niya tinanong dahil feeling ko ay iyon ang sunod niyang itatanong.
Mr. Tan took a quick glance at me and I noticed that he have this amused look on his face. "I can't imagine how are you able to manage your time to rest."
Hayy. sa totoo lang ay kahit ako ay nahihirapan sa set-up ko pero wala naman akong choice. Kailangan ko mag-doble kayod para makapag-ipon ako. Actually, plano kong tapusin ang pag-aaral ko. Isang taon na lang naman ang kulang ko kaya kung maaari ay tatapusin ko na lang. "To be honest po, minsan ay halos wala na po akong pahinga. Matagal po kasi minsan magbantay ng jeep kaya imbis na ipahinga ko ay kailangan ko pang maghinatay, Hindi din naman po ako pwedeng matulog sa jeep dahil baka anong mangyari sa akin tapos baka lumampas ako kung saan ako bababa. Kaya kung hapon po ako bumabawi ng tulog para kahit papaano ay may pahinga naman po ako," mahabang kwento ko sa kaniya.
Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko kung bakita ko sinasabi ang lahat ng ito sa kaniya. Unang-una ay hindi naman kami close. Tapos diba dapat professional ako sa kaniya kasi boss ko siya? eh bakit bigla siyang naging human diary ko?
"I hope you don't mind me asking, but where is your parents?" agad akong napakagat ng labi nang marinig ko ang tanong niya. Medyo nahulaan ko na na aabot sa ganoon ang tanong niya, knowing the status of my life.
"Ah, mahabang istorya po. Pero in short ay kailangan ko pong sumipak para mabuhay," I tried to make my voice normal para hindi niya mapansin ang lungkot doon. Minsan ay may mga panahon na napapaisip pa rin ako at nalulungkot sa kinahinatnan ng pamilya namin, lalo na ng relasyon namin ni Mama. Pero siguro kung hindi nangyari iyon ay hindi ako mamumulat sa katotohanang dahilan kung bakit nawala si Ate.
"That must be hard. Especially that you are still young, you should be out there venturing out your self, skills and talents." nanghihinayang na sabi ni Mr. Tan.
I chuckled. Alam ko iyon, kahit ako nga rin ay nasasayangan especially tuwing maiisip ko na ang mga kaklase ko ay graduate na ngayon at may maayos nang trabaho. Yung iba nga sa amin ay nakalabas na ng Pilipinas at malaki na ang sahod habang ako naman ay nagtitiis sa kakarampot na natatanggap ko. Hindi naman sa I am belittling my effort and work, pero iba din talaga kung na-achieve ko lang ang goal ko sa buhay.
"Ayos lang po! plano ko din naman pong mag-aral ulit. Isang taon na lang po ang natira sa akin. Kaya todo kayod po ako para makapag-ipon ng pera pampaaral sa sarili ko," bibong sagot ko sa kaniya.
"That's really good, Ms. Margarico. Keep up the spirit and I know will be going to the place where you want to be someday," supportive na sagot ni Mr. Tan. I never felt this kind of joy sharing these kind of things to someone else. Pakiramdam ko ay for once nakatanggap ako ng moral support na kailangan ko. Hindi ko naman kasi sinasabi sa mga kaibigan ko ang mga plano ko sa buhay kaya nakakagulat na sinabi ko iyon kay Mr. Tan na hindi naman kami close. Siguro ay nadala lang ako, magaling kasi siyang makipag-usap.
"Thank you po, Sir," sincere na sabi ko.
Namataan ko ang pamilyar na lugar kung saan ako tumutuloy. "Ay, diyan lang po ako, Sir," turo ko sa kaniya. Mr. Tan parked the car to the side pagkatapos ay humarap sa akin at malapad na ngumiti. For the nth time ay naramdaman ko naman ang mainit na pakiramdam na palagi kong nararamdaman nang makita ko siya.
"Maraming salamat po talaga, Sir. Pasensya na po sa abala," nahihiyang sabi ko.
"I told you, It not a hassle. I also want to ensure the safety of my people," he said and chuckled lighty. Siguro isa ito sa mga dahilan kung bakit nananatili siyang isa sa mga top ranked businessman. Maliban sa magaling siyang makipag-usapan dahilan para makuha niya agad ang loob ng isang tao ay alam niya kung paano alagaan ang mga tauhan niya. Sobrang professional din niya, unlike sa ibang tao na marahil ay nakatanggap na ako ng bulyaw at mura kung sila ang nabunggo ko kanina.
"Mauuna na po ako, Sir. Mag-iingat po kayo. Salamat ho ulit," sabi ko at akmang lalabas na ng sasakyan nang bigla siyang magsalita.
"Benjamin."
"Po?" gulat na tanong ko at nilingon siya.
Mr. Tan smiled widely and offered his hand to me. "You can call me Benjamin," sabi niya. Nag-aalinlangan na tinignan ko ang kamay niya. Nahihiya akong hawakan ang kamay niya dahil mukhang ang linis niyon habang ang kamay ko naman ay puno na ng itim sa kuko dahil sa kakahugas ko kanina. Maliban kasi sa mga pinggan ay hinugasan ko din pati ang mga pinaglutuan.
Dali-dali kong pinunasan ang kamay ko sa pantalon ko at tinanggap ang kamay niya. Ayoko namang maging rude no. "Chessa po," pakilala ko sa sarili ko.
"That's a beautiful name, Chessa," nakangiting sabi niya. Napangiwi ako nang matigilan siya nang biglang humigpit ang hawak ko sa kaniya. Bigla na lang kasing kumabog ang dibdib ko nang marinig kong sinabi niya ang pangalan ko. Iyon bang para akong naging masaya? Ang weird talaga.
Mabuti naman at wala siyang sinabi tungkol doon. Pasimple ko nang binawi ang kamay ko at lumabas na ng sasakyan. Sa sobrang pagmamadali ko ay nakaramdam ako ng hilo nang bigla na lamang akong tumayo. 'Nyeta, wala pa pala akong kain' I thought at sumandal sa sasakyan ni Mr. Tan.
"Chessa, are you okay?" nahimigan ko ang pag-aalala sa boses ni Mr. Tan.
Agad akong tumayo ng tuwid and gave him an approve sign. "Ayos lang po ako, Sir."
"Benjamin," mariing sabi niya.
"B-Benjamin," pag-uulit ko sa sinabi niya. Para akong bata na tinuturuan ng magulang niya kung paano magsalita. Parang ang weird kasi na tawagin ang boss mo sa pangalan niya mismo.
He smiled satisfyingly nang narinig niyang sinabi ko ang pangalan niya pero saglit lang iyon dahil bumalik sa pagkakakunot ang noo niya. "Are you sure you are okay? you look a little bit pale," he said at akmang lalabas ng sasakyan nang mabilis akong umikot at lumapit sa entrance ng tinutuluyan ko.
"Okay lang po ako, Sir! Huwag po kayong mag-alala!" pilit ang ngiting sabi ko kahit pinapawisan na ako. Kailangan ko nang pumasok sa loob at magpahinga dahil nakakaramdam na ako ng sobrang hilo, iyong tipo na para akong hihimatayin na. "Mauuna na po ako, Sir! Good night po! Ingat!" nagmamadaling sabi ko at hindi na hinintay ang sagot ni Mr. Tan. Nakakahiya man pero mas nakakahiya na mawalan ako ng malay sa mismong harap niya!
Nanginginig na hinanap ko ang susi sa loob ng bag ko at pinasok iyon sa seradura ng pinto. Agad akong sumalampak sa sahig nang tuluyan akong makapasok, muntik pa akong hindi umabot.
"Jusko!" mahinang sabi ko at minasahe ang ulo ko. Mariin akong pumikit nang dumudoble na ang paningin ko. Narinig ko naman ang sasakyan ni Mr. Tan sa labas na umandar at umalis. Nagtaka ako nang marinig ko ang tunog niyon na dumaan pabalik sa kung saan kami galing but I didn't gave that much attention to it dahil para akong masisiraan ng bait sa sakit ng ulo ko tapos dumagdag pa ang tiyan ko.
"Pahinga lang ito," mahinang bulong ko sa sarili ko at pinilit ang sarili ko na makatulog na. Maaga akong nagising kinabukasan kahit hindi ako nakapag pa-alarm. Marahil ay nasanay na ang katawan ko na ganitong oras ako gumigising. Sinilip ko ang oras sa relo ko at nakita na 7:30 pa lang ng umaga.
Nanghihina akong bumangon sa kama ko at umupo sa dulo niyon. Hinimas ko ang tiyan ko na hanggang ngayon ay sumasakit pa rin dahil isang buong araw nang walang laman. Nilibot ko ang tigin ko sa buong paligid para hanapin ang pagkain na bigay sa akin ni Thea. Hindi ko na alam kung saan ko iyon nilagay kami sa sobrang pagmamadali na makahiga. Nakita ko naman iyon sa gilid ng pinto. Kinuha ko iyon at nilapag sa hita ko at binuksan.
I did the sign of the cross and uttered a simple thank you for the gift of good pagkatapos ay akmang kakagat na sa manok nang may maamoy akong malangsa. Napangiwi ako nang inamoy ko ang manok at napagtanto na maasim na ang amoy niyon, ibig sabihin ay sira na.
"Sayang naman," nanghihinayang na sabi ko. Bigay pa naman ito sa akin ni Thea. 'Hindi naman siguro masama kung kakain ako ng kaunti? tsaka, para magkaroon din naman ng laman ang tiyan ko kahit papaano' kaunti lang naman.
I clenched my teeth at kumuha ng kaunting parte ng manok at sumubo ng kanin. Hindi pa naman pala siya ganoon kasama, nangangamoy pa lang naman. Inubos ko ang matigas nang kanin at kaunti lang ng manok, kahit papaano ay naramdaman ko ang panunumbalik ng resistensya ko. Binalik ko sa plastic ang box pagkatapos ay nagsimula na akong maghanda para pumasok sa trabaho. Ilang minuto lang naman ang lumipas at tapos na akong mag-ayos. Hindi na ako nag-abala pang maglagay ng kolorete sa mukha ko dahil unang-una sa lahat ay wala naman akong ganon.
Kinuha ko na ang gamit na dadalhin ko at lumabas na ng tinutuluyan ko bitbit ang plastic na pinagkainan ko. Hinulog ko iyon sa basurahan na nasa labas at nagpara na ng jeep. Nakarating ako sa mall mga 8:45 ng umaga kaya marami pa akong oras para magpahinga at maghanda. Naglalakad ako papunta sa direksyon ng pinagtatrabahuan ko nang maramdaman kong may tumapik sa balikat ko.
"Oi!" sigaw ng pamilyar na boses ni Thea sa mismong tenga ko.
"Ah!" sigaw ko na umalingawngaw sa mall. Sinamaan ko siya ng tingin nang tawa siya ng tawa habang tinuturo ako. "Ang aga mong man-trip." asar na sabi ko at nahihiyang napayuko nang mapansin na nakatingin ang ibang mga tao sa amin, lalong-lalo na sa akin dahil sa ginawa kong pagsigaw.
"Sorry," hinging paumanhin niya pero parang hindi naman sincere dahil tawa pa rin siya ng tawa. Hanggang sa makarating kami sa piangtatrabahuan namin ay natatawa pa rin siya.
"Ewan ko sa iyo," asar na sabi ko at inalis ang kamay niya sa balikat ko.
"Uy! Sorry na!" sabi niya at sumunod sa akin papunta sa locker room namin. Hinubad ko ang suot kong kamison at sinuot na ang uniform namin. I started to tie my hair in a bun at nilagyan iyon ng hair net. Iyon din ang ginawa ni Thea na tumabi talaga sa akin.
"Galit yan?" natatawang komento niya. Pansin ko lang, baligtad yata kami ng ugali ngayon. Mukhang siya ang bibo sa aming dalawa ngayon habang ako naman ay parang wala nang bukas sa sama ng pakiramdam ko.
"Pagod lang," naiiling na sabi ko. The day went on and as usual ay madami na naman akong na-encounter na mga costumers na mga may attitude. Meron din naman na mababait at maunawain.
Natigilan ako nang mapansin ko na tila may pinagkakaguluhan ang mga taong nakapila sa harap ko sa counter. Takang sinilip ko iyon pero hindi ko naman makita dahil maraming tao doon. Hindi ko na lang pinansin at malapad na ngumiti sa costumer na nakatayo sa harap ko. "Hello, Ma'am. Good morning po. May I take your order po?" magalang na tanong ko sa kaniya.
The lady raised one of her brow at me bago tinignan ang menu sa taas. Nagdikit ang labi ko nang nangati akong pantayan ang pagkataray ng costumer na nasa harap ko pero hindi pwede. 'Calm down, Chessa. Wala kang planong mawalan ng trabaho. Isipin mo na lang na makaka-graduate ka na' paalala ko sa sarili ko at malapad na ngumiti ulit.
"Give me that," mataray na sabi niya at tinuro ang isang combo meal.
"Combo meal C po, Ma'am?" magalang na tanong ko para maklaro kung pareho ba kami ng pagkakaintindi. '
"Tinuro ko na diba? ano ka? lutang?" masungit na sabi niya at inirapan ako. Nagdikit ang labi ko nang maramdaman kong unti-unti na akong napupuno sa inis sa babaeng kaharap ko. Ito talaga problema sa ibang mga costumers, masyado silang feeling sa sarili nila na hindi manlang nila iniisip ang pakiramdam ng ibang mga tao lalo na ng mga service crews na kagaya ko.
'Chessa, kalma lang' sabi ko sa isip ko at huminga ng malalim. "Okay po, Ma'am. Is there anything else?" pilit ang ngiting sabi ko. Ito na yata ang pinakamahirap na gawin sa lahat ng trabaho ko. Ang pilit na ngumiti kahit hindi ka naman okay.
"May iba pa ba akong sinabi?" taas kilay na tanong niya.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa dulo ng damit ko at doon nilabas ang inis at frustration na nararamdaman ko. 'Putangina! simpleng oo o hindi lang naman ang isasagot niya! mahirap ba iyon?!' sigaw ko sa isip ko.
"For a while, Ma'am," magalang pa rin na sabi ko pero hindi na ako ngumingiti. Bahala na siya diyan sa buhay niya. I tapped in to the system and order niya. "Your total po Ma'am is 105 pesos po," magalang pa rin na sabi ko. At least kahit hindi na ako ngumingiti ay magalang pa rin kahit hindi deserve ng costumer na ito na galangin.
"Oh bakit hindi ka na ngumingiti sa akin? ba't mukha ka nang mataray ngayon ah?" natigilan ako nang biglang tumaas ang boses niya habang kumukuha ng pera sa wallet niya. I clenched my teeth nang nakaramdam ako ng hiya lalo na nang mapansin ko na nasa amin na ang attensyon ng halos lahat ng mga tao dito mapa-costumer man o katrabaho ko.
Pakiramdam ko ay nanlamig ang paa ko at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Galit ako pero mas nangingbabaw sa akin ang takot na baka mapaalis ako sa trabaho ko. "Oh? ba't hindi ka makasagot?" patuloy na patutyada pa rin ng babae. Hindi ko alam kung ano ba ang problema niya sa buhay at sa akin niya nilalabas ang galit niya. Wala naman akong ginawang masama para ikagalit niya.
Ilang beses na bumukas sara ang bibig ko para sumagot at depensahan ang sarili ko pero nag-aaalinlangan ako dahil baka mali ang masagot ko. 'f**k, bakit ngayon pa nagblangko ang isip ko?' I thought.
"Ma'am, with all due respect-"
"Excuse me, Ms?" natigilan kaming pareho ng costumer nang biglang may magsalita. Takang lumingon ang babae at napasinghap. I tilted my head to see kung sino ang lalaking nagsalita. Hindi ko kasi makita ng maayos kasi natatakpan siya ng ibang mga costumer na pumipila.
Nanlaki ang mata ko at kulang na lang lumuwa nang makita ko ang pamilyar na itsura ni Mr. Tan na nakapila sa gitna ng mga tao. "Mr. Tan?" gulat na sabi ng babae na literal na nakanganga sa harap ni Mr. Tan.
"Oh!" suprised na sabi ni Mr. Tan and smiled. "I am glad you know me. I am just wondering why are you harassing the service crew?" nakangiting tanong ni Mr. Tan pero mahihimigan mo ang pagkaseryoso sa boses niya. I bit my lowwer lip nang narinig ko ang sinabi niya. Narinig ba niya iyon? ang sinabi nga babae? 'Well duh, malamang narinig niya. Bakit sa tingin mo iyan ang sinasabi niya kung hindi niya narinig? bopols ka din talaga minsan Chessa' masungit na sagot ng kabilang utak ko. Teka, in the first place ano namang ginagawa niya dito?!
"I- Uh. I am not harassing her. I am just uh talking to her," kumunot ang noo ko nang marinig ko ang uutal-utal na sagot ng babae. Takang sinilip ko at itsura niya at napansin na mukha siyang kabado at pinagpapawisan pa. Nagtaas ako ng tingin kay Mr. Tan and I immediately knew kung bakit ganoon ang itsura ng costumer. Nakakatakot lang naman ang itsura ni Mr. Tan habang tila agila na nakatingin sa kaniya.
"You are, Ms. Did you know that they are receiving the bare minimum wage while serving you with all they can? and you have the audacity to harass one?" malamig na sabi niya. Parang gusto ko na lang tuloy maglaho nang napunta sa akin gn tingin ng iba habang ang iba naman ay nagbubulungan. 'Jusme! nakakatakot pala magalit si Mr. Tan!'
"I'm sorry," napapahiyang sabi ng costumer nang marinig ang kumento ng ibang mga costumer na nagsasabing masama daw ang ugali niya at salbahe siya dahil sa ginawa niya sa akin. Kung kanina lang ay para siyang lion na hindi nakakain ng ilang araw, ngayon naman ay para siyang maamong tupa.
"Don't tell me that, I am not the one you caused a trouble," malamig na sabi ni Mr. Tan.
Nagulat ako nang biglang humarap sa akin ang babae. "I'm sorry," mabilis na sabi niya at mukha pang napipilitan.
"A-Ayos lang po. Heto po order niyo at ang sukli niyo po," sabi ko at nilapit sa kaniya ang tray na may laman ng order niya. Nagmamadaling kinuha niya iyon at walang lingon-likod na tumalikod na. Nahihiyang nilingon ko si Mr. Tan pero sinagot niya lang ako ng isang malapad na ngiti. Nag-alangan pa ako kung ano ang gagawin ko pero napagdesisyunan ko na mamaya ko na lang siya kakausapin kung malapit na siya sa counter. Ilang costumer na lang naman at siya na.
"Hey! I'm surprised to see you here," malapad ang ngiting sabi niya nang tuluyan siyang makaharap sa counter ko. 'Seryoso ba siya? siya pa talaga ang nagulat? hindi ako?' Hello, sobrang un-expected kaya na makitaa ang kagaya niyang nandito sa isang fast food chain.
"S-salamat nga po pala," agad na sabi ko.
Mr. Tan chuckled at kinumpas ang kamay sa harap ko. "It was nothing, that woman was really rude," kibit-balikat na sabi niya.
I tapped one of my foot on the floor nang makaramdam ako ng awkward sa pagitan namin. 'Oi, baka gusto mong gumalaw na. Marami ang naghihintay sa likod!' sabi ng kabilang utak ko. "Ah, Sir-"
"Benjamin," agad na correct niya sa akin.
"Uh- Sir Benj-"
"Just Benjamin," natatawang sabi niya.
Pinamulahan ako ng mukha nang mas lalo akong nataranta kung susundin ko ba siya. Baka nakakalimutan niya yatang nagtatrabaho ako sa kaniya. "Benjamin, ano pong ginagawa niyo dito?" pakiramdam ko ay parang mainit na pagkain na bigla ko na lang nilunok ang pagsambit ko sa pangalan ni Mr. Tan. Ang awkward talaga.
"Oh, actually I was about to ask if you know someone I need to see," sabi niya.
Napangiwi ako at sinilip ang haba ng pila sa likod. Nagulat ako nang makitang parang wala lang sa kanila ang paghihintay sa likod ni Mr. Tan. Usually kasi ay mukhang iritado ang mga tao kung natatagalan ang isang costumer. 'Ganoon ba talaga kasikat si Mr. Tan?' I thought.
"Pumila ka po? para lang may tanungin?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yes?" natatawang sabi niya, revealing his perfect pearl white teeth. Iba talaga kung mayaman no? may pera para pampaayos ng ngipin. Ako nga ay parang baby sa liit ng ngipin ko pero tamang tama lang siya dahil bagay naman sa akin.
Muntik na akong mapangiwi sa harap niya ngumit pinigilan ko lang. "Sino po ba ang hinahanap niyo, Si- este, Benajamin?" curious na tanong ko.
Mr. Tan was about to say something nang biglang may magsalita. "Uncle?" gulat na nilingon ko ang direksyon ng nagsalita at nakita si Thea na hindi makapaniwalang nakantingin kay Mr. Tan.
"Ah, Thea my dear. I've been looking for you," malapad ang ngiting sabi ni Mr. Tan. Naguguluhang lumapit sa amin si Thea.
"Magkakilala kayo?" gulat na tanong ko.
"Yeah, she's my niece," kibit balikat na sabi ni Mr. Tan habang si Thea naman ay napasapo na lang ng mukha nang hindi niya napigilan si Mr. Tan sa ibinulgar nito.
Hindi makapaniwalang nilingon ko si Thea na hindi makatingin sa akin. Ibig sabihin ay piniling magtrabaho ng ganito kayaman na tao dito sa isang fast food chain?!
- -
✘ R E A D ✘
✘ C O M M E N T ✘
✘ F O L L O W M E ✘