Mabigat sa loob akong nagpakawala ng malalim na hininga nang marinig kong bumukas ang pinto, ibig sabihin ay isang tambak na naman ng hugasan ang pinasok para hugasan ko. Simula kanina hanggang ngayon ay wala akong ginawa kundi ang maghugas ng pinggan. Kadalasan ay meron dapat na taong nakatoka dito na maghugas, usually ay mga dalawa o tatlo pero kita niyo naman na malaki talaga ang galit sa akin ni ate Rhoda at pina-solo sa akin ang tambak na hugasan. Hindi ko naman siya masisi, alam ko na ilang araw niya itong pinaghandaan kaya naiintindihan ko kung bakit ganoon na lang ang reaction niya dahil sa kapalpakan ko, kahit sabihin man natin na hindi iyon sinasadya.
"Chessa," narinig ko ang pamilyar na boses ni Shane. Pilit ang ngiting nilingon ko siya nang tuluyan siyang makalapit sa akin at nilapag ang ilang stack ng pinggan na huhugasan. 'Sabi ko na ngaba eh' I thought while looking at the pile of dishes.
"Okay ka lang ba? gusto mo tulungan kita? marami na din naman sila sa labas," offer sa akin ni Shane who have a look of worry on her face.
"Hindi, ayos lang," malapad ang ngiting sabi ko. Alam kong madadagdagan lang ang galit ni ate Rhoda kung malaman niya na may tumulong sa akin. Mamaya ay madamay pa si Shane.
Narinig ko naman ang malalim na buntong hininga ni Shane habang nakatingin pa rin sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang matawa nang muli ko siyang lingunin at nakita na mukhang mas stressed pa siya kesa sa akin. "Oh? anong problema mo at mukha ka pang mas stressed kesa sa akin?" natatawang puna ko.
Isinantabi ko ang ilang pinggan na tapos ko nang hugasan at nilagay sa lababo ang mga bagong pinggan na huhugasan ko. "Eh kasi naman halatang pagod na pagod ka na. Nakakapagpahinga ka pa ba?" naiiling na sabi niya at inagaw ang kamay ko. "Tignan mo oh! ang liit-liit mo na!" bulalas niya nang makita kung gaano kaliit ang palapulsuhan ko.
Naiilang na inagaw ko sa kaniya ang kamay ko. Alam ko na namamayat na ako pero wala akong magawa, alangan na lang na basta ko na lang gamitin ang pera ko. Marami pa akong dapat problemahin na babayaran, lalong-lalo na ang inuupahan ko. Gusto ko na meron akong mga extra na pera para may magamit ako tuwing emergency. "Ano ka ba, ganito na kaya ako ka-sexy noon pa lang!"
"No! Mas okay pa iyong katawan mo noong kakapasko mo dito. Ngayon ay butot-balat ka na!" mariing tanggi ni Shane. 'Ano ba naman iyan, ang kulit. Hindi ba pwedeng intindihin na lang niya ang sitwasyon ko?' Alam kong nag-aalala lang siya sa akin pero minsan nakakarindi din.
"Hayaan mo na. Babawi din ako sa sarili ko kapagnakaluwag-luwag na ako," I said dismissively dahil ayoko nang ipagpatuloy pa ang pinag-uusapan namin.
Mukhang napansin naman iyon ni Shane at muling napailing habang nakatingin sa akin. "Alam ko na marami kang kailangang unahin, pero sana unahin mo din ang kalusugan mo. Sino ang susuporta sa iyo kung magkasakit ka?" pangaral ni Shane.
Imbis na mainis ay napangiti ako. Ngayon ko lang napagtanto na magkapareho sila ni Thea. For sure magkakasundo silang dalawa. "Alam mo, para kang isang kaibigan ko. Feeling ko magkakasundo kayo," kwento ko sa kaniya habang binabanlawan ang mga pinggang hinuhugasan ko.
"Kung pagalitan ka lang naman, why not?' she said and looked up.
Pareho kaming natigilan at napalingon sa likod nang bumukas ang pinto. Niluwa niyon si ate Rhoda na may malamig na expresyon sa mukha niya. 'Paktay, sabi ko na eh.'
"Shane, anong ginagawa mo dito?" masungit na tanong niya at pinaningkitan ako ng mata nang magsalubong ang tingin naming dalawa.
"Ay, naghatid lang po ako ng huhugasan," palusot ni Shane at saglit akong tinignan. She mouthed a 'sorry' at me before rushing towards the door.
"Kanina ka pa naghatid hanggang ngayon hindi ka pa rin nakabalik. Ganon ba talaga katagal ang maghatid? ang sabihin mo nagchismis kayong dalawa," nagpipigil sa galit na sabi niya. Nakayukong tuluyang lumabas si Shane at ako naman ay tinutok na ang pansin sa hinuhugasan ko. Naramdaman ko naman ang titig sa akin ni ate Rhoda bago siya tuluyang lumabas.
Napahawak ako sa lababo at maluwag na nakahinga. Mukhang nag-50/50 yata ako sa trabaho ko ngayon dahil sa nangyari ah. Ngayon ko lang naramdaman na ganito kagalit si ate Rhoda sa akin. Usually kasi ay pagkatapos niyang magalit ay parang wala nang nangyari, ngayon ay parang nagtanim talaga siya ng galit sa akin.
I hissed nang maramdaman ko ang hapdi sa kamay ko. Sa tagal ng pagbabad ng mga daliri ko sa tubig ay kulubot na ang balat ng mga daliri ko at parang manipis na kaya medyo mahapdi na siya. Nag-aalangang nilingon ko ang orasan. Malapit nang mag-1 ng umaga. "Wala kang choice, gawin mo na lang. Makakaraos ka rin," sabi ko sa sarili and stretched my body before going on with my work. Iyon palagi ang sinasabi ko sa sarili ko tuwing nawawalan na ako ng gana o hindi kaya ay pagod na ako pero may kailangan pa akong tapusin. Wala akong magagaw akung tatamarin lang ako dahil sa huli ay gagawin ko pa rin naman iyon. Kaya bakit hindi ko na lang gawin agad?
A few more minutes passed and napansin ko na kaunti na lang ang mga huhugasang pinggan ang pumapasok kaya nang matapos ako sa paghuhugas ay nagsimula na akong tuyuin ang mga pinggan at iba pang mga gamit para mabalik na sa lalagyan.
"Hey," malakas akong napapitlag at nabitawan ang baso na pinapatuyo ko gamit ang towel nang bigla na lamang may tumapik sa balikat ko. Wala akong narinig na pintong bumukas, wala din akong naramdaman na presensya kaya ganoon na lang ang gulat ko. Lumikha ng malakas na ingay ang baso nang tumama iyon sa sahig at nabasag.
Nanlalaki ang matang nilingon ko ang taong tumapik sa akin at nakita si Mr. Tan. "Sir!" bulalas ko at napasapo ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay para akong binuhusan ng malamig na tubig dulot ng sobrang gulat sa ginawa niya.
Natigilan ako nang bigla niya akong hinila palapit sa kaniya. "Don't step on the glass," sabi niya nang muntik ko nang maapakan ang mga bubog. Kinabahan ako nang makita ko ang baso na pira-piraso na at nilingon ang pinto. 'Patay na naman ako nito kung makikita ni ate Rhoda. Malamang sa malamang ay papabayaran niya sa akin ito' walang pagdadalawang isip na niyuko ko ang bubog na nagkalat para pulutin iyon.
"No! You'll cut yourself!" agad na pigil sa akin ni Mr. Tan pero huli na.
"Ouch!" I hissed nang masugatan ang isa kong daliri dahil sa sobrang panginginig na dulot ng sobrang gulat kanina. Mariing pinisil ko ang daliri ko para lumabas ang dugo doon.
"See, I told you," seryosong sabi ng amo ko at hinila ako papunta sa lababo. Nakatitig lang ako sa kaniya nang pinaandar niya ang tubig at pinadaanan ng malamig na tubig ang daliri kong may sugat. Nasa ganoon kaming posisyon nang pumasok si ate Rhoda.
"Chessa! Ano na namang- Mr. Tan!" gulat na sambit niya nang makita kaming dalawa. Bumaba ang tingin niya sa kamay ko na hawak ng amo namin. Puno ng paumanhing pinukol ko ng tingin si ate Rhoda pero hindi na makikitaan ng emosyon ang itsura niya ngayon. Kumpara kanina ay kalmado siya ngayon na nakatingin lang sa amin.
"T-Thank you, Sir," nahihiyang sabi ko nang pinakawalan na ni Mr. Tan ang kamay ko.
"Stay still," sabi niya at inilang hakbang lang ang first aid kit na nakalagay sa isang gilid at kumuha ng betadine doon at band aid, tsaka mabilis na bumalik sa harap ko.
"Ay! ako na po Sir!" presenta ko at akmang aagawin sa kaniya ang mga panggamot na hawak niya nang nilayo niya iyon sa akin.
"Don't you have a trust on me?' he asked. Natigilan ako nang magtaas siya ng tingin at nagkasalubong ang tingin naming dalawa. Right at that moment I felt a warmth crept inside my heart. Iyong tipo ng pakiramdam na para siyang pamilyar sa akin. Mr. Tan is in his late 50's pero hindi halata iyon sa itsura niya. He have this usual Chinese features that makes him looks younger and youthful compared to his actual age. 'Ano kaya ang sikreto ng mga intsik at ang ganda ng kutis nila?' I thought while looking at him.
Napakurap ako at namumulang nag-iwas ng tingin nang bigla siyang ngumiti sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kaniya. I feel like my heart is aching with so much longing. 'Teka! huwag mong sabihin type ko si Mr. Tan?' Jusko self, sa dami ng pangarap mo sa buhay parang hindi naman included ang maging sugar baby o hindi kaya step mom!
"Hindi naman po sa ganoon," awkward na sagot ko sa tanong niya. I heard him chuckled lightly before taking my hand one more time at maingat na nilapag iyon sa taas ng mesa. Mr. Tan opened the betadine at nilagay iyon sa cotton and gently pat it on my wound pagkatapos ay binuksan niya ang pakete ng band aid at nilagyan ang taas ng sugat ko.
"There, now you are set," he said and smiled warmly at me.
Muntik ko nang hawakan ang didbib ko nang maramdaman ko naman ang pamilyar na kabog niyon. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam sa isang tao, lalong-lalo na sa isang lalaki. Hindi ko alam kung gusto ko lang ba siya bilang tao o baka may crush na nga talaga ako kay Mr. Tan.
"T-Thank you, Sir," paos ang boses na sabi ko at matigas na napalunok. Tinutok ko na lang ang pansin ko sa maliit kong sugat para may rason akong umiwas ng tingin sa kaniya. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang may nag-alaga sa akin ng ganito. Palagi kasi ay kung maliliit lang naman na bahay ay ipinapabahala na. "Malayo iyan sa bituka" ika nga ni Mama.
"Rhoda," sambit ni Mr. Tan at nilingon si ate Rhoda na kanina pa nakatayo lang sa isang tabi. Kung hindi pa nga sinabi ni Mr. Tan ang pangalan niya ay hindi ko maaalala na nandiyan siya.
"Yes, Sir," agad na sagot ni ate Rhoda at tuwid na tumayo.
"Let's talk," mariing sabi niya dito at muli akong nilingon. "Are you okay now?" he asked. Nabigla akong nang marahan niyang hinawakan ang likod ko.
"O-opo, Sir," utal na sagot ko when I felt a little discomfort.
"Alright, I think you did more than what you are tasked tonight. You are can go home now," sabi ni Mr. Tan. Gulat na nagtaas ako ng tignin at nilingon si ate Rhoda.
"Ahm, Sir. Pasensya na po pero hanggang 3 a.m pa po ang pasok ko," pag-amin ko. Kahit na Boss na namin mismo ang nagsabi na pwede na akong umuwi pero hindi naman pwede na basta ko na lang talikuran ang inutos sa akin ni ate Rhoda. For sure, kung aalis ako ay ang mga kasamahan ko naman ang tatapos nito, hinid kaya si Shane. Oh diba, imbis uuwi na siya ay nadagdagan pa ang trabaho niya.
"I said you can go home now," pag-uulit ni Mr. Tan ng sinabi niya.
Matigas akong napalunok nang makaramdam ako ng intimidasyon sa uri ng tingin niya sa akin. Halatang ginagamitan niya ako ng tingin na ginagamit ng mas nakakataas ng posisyon sa mga trabahador nila. "Ah, Sir. Tatapusin ko na lang po ang trabaho ko pagkatapos ay uuwi na po ako," buo ang boses na sagot ko pero sa totoo lang ay kabado bente na ako.
"Others can do that. I am dismissing you for the last time, Ms?" he frowned when he realized na hindi pa pala niya alam ang pangalan ko.
"Ms. Margarico ho, Sir. Pwede po bang tapusin ko na lang po ang trabaho ko? Ayaw ko naman po kasing madagdagan pa po ang trabaho ng mga kasama ko dahil alam ko na pagod na rin po sila," pagbabakasali ko.
'Utang na loob Sir, pumayag ka na dahil hindi ko na alam kung ano pa ang isasagot ko sa iyo' patagal ng patagal ang sagutin namin ay mas lalong nadadagdagan ang kabang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay sa bawat na salitang sinasabi ko ay para akong bibitayin.
Ilang segundo kaming nagkatitigan ni Mr. Tan nang bigla siyang ngumiti na ikinagulat ko. "I like your persistence. Alright, do what makes you comfortable. Just make sure to go home earlier than others," mariing sabi niya and pat my back one last time bago tuluyan nang tumalikod sa akin. He signed ate Rhoda to follow him. Nakahinga ako ng maluwag nang nasa bandang pinto na sila.
"Hayy salamat," mahinang sabi ko sa sarili ko at tinignan ang sugat ko na may band aid. Meron pa iyong design na teddy bear.
"Ms. Margarico," agad akong napatuwid ng tayo nang marinig kong magsalita si Mr. Tan na kasalukuyang nakatayo sa bandang pinto. 'Shucks, akala ko talaga ay nakalabas na sila' I thought.
"Po?" maang na sagot ko.
He smiled one more time at me which made my heart melt and brought warmth into my system. Hindi ko alam pero gustong-gusto ko siyang nakikitang ngumingiti. "It's nice meeting you, Ms. Margarico. See you around," mabait na sabi niya at tuluyan nang tumalikod. Parang lantang gulay akong napasandal sa lababo nang masigurado kong nakalabas na talaga sila.
"Jusko! Chessa! sa dami ng lalaking pwede mong magustuhan ang may anak pa talaga?!" sabi ko sa sarili ko at mahinang napasabunot ng buhok. Para akong baliw na kinakausap at pinapagalitan ang sarili ko. Ilang minuto din akong nakipagdebate sa sarili kong isip bago ko napagdesisyunang tapusin na ang ginagawa ko. Pinatuyo ko ang natitirang mga pinggan, kubyertos at mga baso pagkatapos ay nilagay na iyon sa mga lalagyan nila.
"Ah, kapagod!" sabi ko sa sarili ko at umupo sa isang stool. Napangiwi ako nang hinimas ko ang likod ng tuhod kong kumikirot dahil sa ilang oras na pagtayo. Nilingon ko ang paligid para tignan kung may gagawin pa ba ako pero wala na. Tapos ko na ring linisin ang lababo kung saan ako naghugas ng pinggan pati ang sahig ay malinis na rin. 'Uuwi na siguro ako?' I thought at nilingon ang orasan. 2:30 pa lang, meron pa akong 30 minutes bago matapos ang shift ko.
'Just make sure to go home earlier than others' umalingawngaw sa isip ko ang pamilyar na boses ni Mr. Tan. Mariin akong napailing at kinatok ang noo ko. "Umalis ka sa isip ko please!" I said.
"Chessa?" mabilis kong tinago ang kamay ko at inayos ang sarili ko nang marinig kong magsalita si Shane.
"Uy, andito ka na naman. Tapos ka na ba sa labas? baka pagalitan kay ni ate Rhoda niyan." nag-aalalang sabi ko sa kaniya. Tapos naman na ako dito kaya pwede na siyang mag-focus sa mga gawain sa labas.
"Oo tapos na ako. Tutulungan sana kita kaso-" pabiting sabi ni Shane at sinilip ang lababo na wala nang natirang huhugasan. "Kaso mukhang naubos mo na lahat," nakangiwing sabi niya and looked at me with disbelief. Mukha siyang hindi makapaniwala na natapos ko ang lahat ng iyon na ako lang mag-isa.
"Ah, oo. Mag-aayos na din ako pauwi. Sabay na tayo," sabi ko sa kaniya at tuluyan nang tumayo mula sa pwesto ko. Lihim akong napangiwi nang maramdaman ko na naman ang sakit ng paa ko pero ininda ko lang iyon at sumabay na kay Shane papuntang locker room namin. Kadalasan ay naghihilamos pa ako bago magbihis pero ngayon ay para akong nagka-trauma na humawak sa tubig kaya deretso na lang ako sa pagpalit ng damit ko.
"Hala!" sabi ko nang mabuksan ko ang locker ko at makita ang binigay ni Thea sa akin ni pagkain kaninang lunch. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakain. Wala naman kasi akong oras kanina para kainin tapos hindi ko na rin makakain ngayon dahil kailangan ko nang umuwi at matulog, Mamaya ay sasakit lang ang tiyan ko kung kakain ako bago matulog.
"Teka, wala ka pang kain?" usisa ni Shane nang makita ang box ng pagkain na dala ko.
I released a heavy sigh. "Oo, please huwag mo na akong pagalitan. Pakiramdam ko ay wala na akong energy," pagod na sabi ko at kinuha ang box.
Shane raised both of her hands in defense. "Okay, chill. Nagtatanong lang naman ako," natatawang sabi niya pero agad ding sumeryoso. "Just make sure na kakainin mo iyan," sabi niya. Tumango lang ako bilang sagot. Sabay na kami ni Shane na lumabas ng club nang matapos kaming maghanda.
"Uy, mag-iingat ka ha?" nag-aalalang sabi niya sa akin at kumaway.
"Ikaw din," tipid na sabi ko dala ng pagod. Kumaway ako pabalik sa kaniya at tuluyan nang tumalikod at naglakad papunta sa waiting shed kung saan ako palaging nag-aabang ng masasakyan. Malimit na lang ang mga jeepney driver na nagmamaneho ng ganitong oras pero meron pa rin naman. It's either ay iyong driver na kakagising lang o di kaya iyong driver na high at hindi makatulog kaya nagtrabaho na lang. 'Huwag naman sana iyong panghuli' I thought. Muntik na kasing mag-50/50 ang buhay ko noon. Ang bilis kasing magpatakbo, muntik na tuloy kaming mabunggo. Sa sobrang inis ko ay bumaba ako nang wala sa oras at nilakad na lang ang natitirang kilometro pauwi.
Ilang minuto na din ang dumaan nang may marinig akong pamilyar ng boses na tumawag sa pangalan ko. "Chessa," napangiti ako nang makita si Chase na naglalakad papunta sa direksyon ko.
"Uy. Pauwi ka na rin?" tanong ko sa kaniya nang tuluyan siyang makalapit.
Chase smiled widely at me dahilan para lumabas ang dimple niya sa magkabilang pisngi. Sa lahat ng mga bouncer ay siya lang ang hindi inaaway ng mga costumer naming babae, in fact ay nilalandi nga siya. I admit, may itsura nga talaga si Chase. "Oo, I assume na ikaw din," natatawang sagot niya. Sumabay na lang din ako ng tawa.
"Hindi ka ba natatakot na ganitong oras ka na umuuwi?" takang tanong niya sa akin.
Natigilan ako at napaisip. Hindi naman pumasok sa isip ko iyan noon dahil parang wala na rin naman sa akin na umaga na ako umuuwi. Siguro nasanay na? "Noong una medyo, pero ngayon ay nasanay na. Bakit?" kunot-noong tanong ko.
"Wala lang, babae ka pa naman," kibit-balikat na sagot niya.
"Meron naman ako nito," sabi ko at dali-daling kinuha mula sa bag ko ang isang bagay na hindi ako makakaalis nang hindi ko dala. "Ito oh!" sabik na sabi ko at pinakita sa kaniya ang pepper spray na dala ko. Hindi iyon ang binili sa mall dahil ginawa ko lang. Sorry lang naman, hindi ko kasi afford. Sayang ang 500 pesos.
"Uy, ganda ah," sabi niya at manghang tinignan ang pepper spray na gawa-gawa ko lang.
"Thank you!" nakangiting sabi ko at binalik na iyon sa bag ko.
Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Hindi naman kasi kami ganoon ka close na Chase. Simpleng bati lang sa isa't-isa ang ginagawa namin parati. Ito lang yata ang unang pagkakataon na nagkausap talaga kami. Naiinip na tinapik ko ang paa ko sa sahig nang ilang minuto na ang lumipas pero wala pa ring jeep na dumadaan.
"Chessa, gusto mo bang hatid na lang kita?' narinig kong sabi ni Chase.
Mabilis akong umiling sa kaniya. "Nako! hindi na. Ayos lang sa akin. Kaya ko naman. For sure malapit nang may dumaan na jeep dito," nahihiyang sabi ko.
"Meron kasi akong motor. Baka lang kako ay gusto mong sumabay na lang para hindi ka matagalan," kakamot-kamot na sabi niya. Doon ko lang napansin ang susi na hawak niya. 'Teka, kung meron din naman pala siyang motor eh ano pang ginagawa niya dito?' I thought.
"Huh? may motor ka pala. Anong ginagawa mo dito? bakit hindi ka pa umuwi?" sunod-sunod na tanong ko.
Agad kong napansin ang pamumula ng pisngi niya ngunit mabilis siyang umiwas ng tingin. Chase was about to answer nang may pumarada sa harap namin na isang magarang sasakyan. Takang pinukol namin iyon ng tingin. Pareho kaming nagulat ni Chase nang bumaba ang bintana sa bandang driver's seat at nakita namin si Mr. Tan.
"Good evening, Sir!" agad na bati namin sa kaniya.
"Good evening," nakangiting sabi niya at pinukol ako ng tingin. "Ms. Margarico, I told you to go home early didn't I?" napakamot ako ng ulo nang marinig ko ang sabi niya.
"Ugh, Sir. Maaga naman po akong umalis pero wala po kasing jeep na dumadaan," explain ko. Mr. Tan took a quick glance at the place.
"I can give you a ride if you want to," umawang ang labi ko nang marinig ang sinabi niya. "Both of you," he offered. Nagkatinginan kami ni Chase na halatang nagulat din sa sinabi ni amo namin. 'Who would have thought that the great Mr. Tan who owns a billions worth of company will offer us a ride? kaming mga trabahador niya'
"Ugh, actually po, Sir. Meron po akong motor and I offered Chessa to give Chessa a ride," pag-amin ni Chase.
Mr. Tan looked surprised. "Oh. Where is the destination of the two of you?" takang tanong niya.
"Ako po sa may Sampaguita street mo sa may bandang Carles," naunang sagot ko. Sunod na pinukol ng tingin ni Mr. Tan si Chase na agad ding sumagot.
"Sa may quinto po. Dito," napangiwi ako nang tinuro ni Chase ang direksyon which is the opposite of where I am heading to. Shet, hindi pala ako pwedeng sumabay kay Chase dahil mapapalayo lang siya kung sasabay ako.
"Hala, malayo ka pala sa akin," nag-aalalang sabi ko. Chase frowned when he realized that fact.
"You can ride with me Ms. Margarico. I will be passing through your place," narinig kong sabi ni Mr. Tan. Napakagat ako ng labi nang makaramdam ako ng hiya. Hindi naman sa ano, pero maliban sa taxi ay hindi pa ako nakakasakay sa pribadong sasakyan. If ever ay ito ang unang beses na mararanasan ko.
"Uh-" pabiting sabi ko at pasimpleng nilingon ang daan, hoping to see a jeepney coming pero wala talaga. 'Nyeta, don't tell me lahat ng jeepney driver ay tulog ngayon' I thought.
"Oo nga, Chessa. Mas safe ka kung sasama ka na lang kay Mr. Tan," muntik ko nang hampasin si Chase nang sinabi niya iyon. Kitang nahihiya ako tapos iyon pa ang sasabihin niya.
"You heard the gentleman, Ms. Margarico," magaan ang ngiting sabi ni Mr. Tan. Nagulat ako nang tuluyan siyang bumaba ng sasakyan at umikot papunta sa kabilang side at binuksan ang pinto doon. "Get in, Ms. Margarico. I don't bite," natatawang sabi niya.
I clenched my teeth nang makaramdam ako ng anxiety. Hindi naman sa wala akong tiwala kay Mr. Tan, pero nahihiya lang talaga ako. Ilang beses na niya akong sinagip ngayong gabi tapos eto, isa na namang hassle ang dala ko sa kaniya.
"Sige na, Chessa. Para makapagpahinga ka na. Alam kong may trabaho ka pa bukas," sulsol naman ni Chase. Bigla ay nangati akong sapukin at takpan ang bibig ni Chase. Kanina pa ito nanlalaglag eh.
Kakamot kamot na naglakad ako papunta sa direksyon ni Mr. Tan. "Sige po. Thank you po talaga Sir at pasensya na po sa hassle," nahihiyang sabi ko. Nilapadan niya ang pagkakabukas ng pinto.
"It's not a hassle. Get in," yaya niya sa akin.
Kinalma ko ang sarili ko nang maramdaman ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. Sasakay lang naman ako ng sasakyan pero sobra-sobra ang kabang nararamdaman ko. Marahil ay dahil ito ang unang beses na gagawin ko kaya pakiramdam ko ay para akong magde-defend ng thesis.
I got inside the car and Mr. Tan immediately closed the door. Agad kong kinabit ang seatbelt ko habang wala pa si Mr. Tan. Mabuti na lang at marunong akong maglagay ng seatbelt, kung hindi ay isa na namang kahihiyan. Mr. Tan got inside the car and sat beside me. Muntik na akong mapapikit nang maamoy ko ang pabango niya. Lalaking-lalaki pero hindi iyon masakit sa ilong. Iyong tipo ng amoy na alam mo talagang mamahalin.
"Are you comfortable?" tanong niya sa akin. Ngumiti ako at tumango kahit sa totoo ay naninigas na ako sa kinauupuan ko.
Mr. Tan lowered the window to his side. "Good bye, Mr?" pabiting tanong niya.
"Mr. Garcia po, Sir. Ingat po kayo!" bibong sabi ni Chase at kumaway. Sinilip niya ako at malapad na ngumiti sa akin sabay kaway. Nginitian ko siya at kumaway din pabalik sa kaniya.
"You too, Mr. Garcia," pormal na sabi ni Mr. Tan at tuluyan nang sinarado ang bintana ng kotse. Pakiramdam ko ay bigla akong nabingi sa katahimikan nang kaming dalawa na lang ni Mr. Tan ang naiwan.
"Relax, Ms. Margarico. We are outside work, feel free to rest while we are traveling," nakangiting sabi niya at may inabot sa likod. "Here," nagulat ako nang binigyan niya ako ng isang maliit na unan.
"Hala, para saan po ito," gulat na sabi ko at tinanggap iyon.
"So you can sleep," tipid na sabi niya at tuluyan nang pinaandar ang sasakyan. "Tell me if you need anything," mababa ang boses na sabi niya at tuluyan nang pinatakbo ang sasakyan.
Mas lalo tuloy nadagdagan ang hiyang nararamdaman ko. Isa lang naman akong trabahador niya pero kung tratuhin niya ako ay para akong isang tao na malapit sa kaniya.
- -
✘ R E A D ✘
✘ C O M M E N T ✘
✘ F O L L O W M E ✘