CHAPTER 3

1143 Words
 Muntik pa akong matalisod sa sobrang pagmamadaling umakyat sa 3rd floor ng club kung saan ang celebration. Meron din kasing level of membership. First floor is para sa mga celebrities who are considered the lower class in this club, second floor is para sa mga high-net worth individuals na middle class  while yung third floor is exclusive sa mga private person with very high net worth. Karamihan sa kanila ay personal na kilala ng owner.  Sa pagkakaalam ko kasi ay aside sa club ay meron siyang company and one of the highest investor in real estate. Hindi ko gets kung ano ibig sabihin niyon pero tunog mayaman nga talaga si Boss.  I was expecting the people to be wild pero I was surprised nang mabuksan ko ang pintuan at sinalubong ako ng jazz music at mga bisitang nakasuot ng eleganteng mga damit habang seryosong nag-uusap.  “Nagsisimula na ba?” pawisang tanong ko kay Shane na hinahanda ang appetizer.  “Hindi pa naman. Mag-o-opening speech pa daw muna si Bossing bago tuluyang magsimula ang party.” Nanghahaba ang leeg na inusisa ko ang lahat ng bisita para hanapin kung sino ang posibleng Boss namin pero pare-pareho talaga sila ng dating. Yung tipong lahat sila pasadong maging boss namin.  “Nakita mo na ba Boss natin?” takang tanong ko.  “Ah, si Sir Tan? Oo naman. Mabait iyon!” Shane suddenly smiled wickedly na ikinataka ko. “Bakit?” kinakabahang tanong ko dahil sa uri ng tingin niya.  Mas lalong lumapad ang ngiti niya at mahigpit na hinawakan ang dalawa kong balikat. “You should’ve seen his son!” nagniningning ang matang sabi niya. Ako lang ba or tila naghugis puso ang mga mata niya?  “Bakit anong meron sa anak niya?” takang tanong ko.  Nagpipigil na tumili si Shane habang nakatingin sa taas at tila may inaalala. “Sobrang gwapo ng anak ni Sir Tan! Masungit ngalang pero dagdag sa appeal niya! Hayy. Sana pupunta siya ngayon.” Kumunot naman ang noo ko sa huling sinabi niya.  “Bakit hindi ba siya pupunta?” kung anak siya ni Bossing at birthday ni Boss ngayon edi malaki ang chance na pupunta talaga siya ngayon.  Hindi ko tuloy maiwasang ma-curious sa anak ni Bossing na sinasabi ni Shane.  “Nah. Once in a blue moon lang pumupunta iyon dito. Siya na kasi ang nag-manage ng company nila kaya busy na siya. Isang beses ko lang din siya nakita at yun iyong time na inatake sa puso si Sir Tan habang nandito siya sa club. To the rescue naman si Mr. Tan junior kay Papa niya. Oh diba? Napaka responsible talaga and caring!”  Napailing na lamang ako dahil hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. Hindi naman kasi ako maka-relate kasi ni isa sa dalawang taong pinag-uusapan namin ay hindi ko pa nakikita sa personal. I bet you guys are wondering papaano ako napadpad sa trabahong ito kahit hindi ko pa na meet ang boss. Meron kasing blind hiring nung nakaraan at nagbabasakaling nag-apply ako. Hindi ko naman inaasahan na ako ang makukuha pero thankful na rin na at least sa dami ng karibal ko na nag-apply dito ay ako ang nakuha.  “Aray!” napaigik ako nang bigla na lamang akong sikuhin ni Shane na biglang tumayo ng maayos. Sinundan ko naman ang direksyong tinitingnan niya at maging ako ay napatayo din ng maayos nang mapansin na papunta si Ate Rhoda sa direksyon namin.  “Ihatid niyo na ang appetizer sa table,” utos niya at pinasadahan ng tingin isa-isa ang mga pagkain para i-check bago ihatid sa mga table. Kahit strikto si Ate Rhoda ay hindi ko maiwasang mamangha sa kaniya. Mabait naman siya kung tutuusin at kung iisipin ko ay para din naman sa amin ang ginagawa niya at para mapabuti kami sa trabaho.  “Good evening Ma’am, Sir.” I smiled warmly at everyone na nakaupo sa table na pinaglagyan ko ng appetizer and they smiled back at me. I bowed a little at akmang tatalikod na nang may makabunggo ako.  “I’m sorry.” “I’m sorry!”    Magkasabay naming sabi sa isa’t isa. Nagtaas ako ng tingin at nakaharap ko ang isang pares ng chinitong mga mata na mukhang nagulat nang matingnan ako. Agad akong nagbaba ng tingin at paulit-ulit na humingi ng tawad.  ‘Chessa naman eh, this opportunity is once in a lifetime. Wag mo naman sayangin dahil lang sa pagiging clumsy mo.’ I told myself. “Sorry po ulit, Sir.” Napakagat ako ng labi sa frustration at yumuko pa ng isang beses.  ‘Sana talaga mabait lang itong kaharap ko’ piping panalingin ko sa isip.  Mahina akong napaigtad nang maramdaman ko ang mainit na kamay na humawak sa siko ko at inalalayan akong tumayo ng maayos. Sinalubong naman ako nakangiting itsura ng lalaki nang magtaas ako ng tingin.  “It’s okay. No need to say sorry. I was the one not looking at the direction I am walking,” natatawang sabi niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko lalong-lalo na nang mapansin ko na halos lahat ng mata ay sa amin nakatingin kaya sinabayan ko rin siya ng tawa.  “Ahh, ganoon po ba.” Kakamot-kamot na sabi ko.  “Chessa,” narinig kong tawag sa akin ni Ate Rhoda. Mabilis pa sa alas cuatro na lumapit siya sa tabi ko at nangingiting hinarap ang lalaki habang mahigpit na nakahawak sa braso ko.  “I’m really sorry for this, Mr. Tan. She’s a new one.” Nanlalaki ang matang nilingon ko si Ate Rhoda nang marinig ang apelyidong sinabi niya.  ‘Tama ba ang pagkakarinig ko? Mr. Tan daw?!’ Agad akong nanginig sa takot nang ma-realize ang ginawa ko. Paano na ako nito ngayon? Papaalisin ba ako sa trabaho?  “Its okay, Rhoda. Let’s not make a big deal out of this,” malapad ang ngiting sabi niya at tinapik ang balikat ni Ate Rhoda. He took a quick glance at me before finally turning his back to leave.  Ilang beses akong napakurap. Tama ba ‘yong nakita ko? Mr. Tan looked at me with eyes full of longing. Pero bakit naman ganoon? Bago pa lumalim ang isip ko sa nangyari ay agad akong hinapit papuntang likod ni Ate Rhoda. Gusto ko sanang umalma sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin pero alam kong deserve ko naman dahil sa nangyari.  “Ikaw ang maghuhugas ng lahat ng pinggan ngayong gabi. At huwag na huwag kang lalabas hanggang hindi ko sinasabi,” matalim ang titig na sabi niya sa akin at padabog akong binitiwann. Napabuntong hininga nalamang ako habang pinapanood ang papalayo niyang bulto.  At least ito lang ang inabot ko kesa mapaalis sa trabaho.  - - ✘ R E A D ✘ ✘ C O M M E N T ✘ ✘ F O L L O W M E ✘ 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD