CHAPTER 2

2081 Words
“Wow sis. Haggard ah. Sino pumagod sa’yo kagabi?” nanunuksong bungad ni Thea nang makasalubong ko siya papuntang staff room.  “Baliw,” natatawang sagot ko at mabilis na nagpalit na ng damit dahil late na ako sa shift ko. Ilang buwan na rin ever since umalis ako sa poder ng nanay ko. Nagtatrabaho ako sa ngayon sa isang sikat na fast food chain tuwing umaga tapos kung gabi naman ay waitress sa isa ring sikat na exclusive club dito sa sentro. Inumaga na kasi ako ng uwi kanina dahil naka-reserve ang buong club at may exclusive event kaya hindi ako makaalis hanggat hindi pa natatapos. Bilang lang din ang oras ng tulog ko kaya hindi na nakakapagtakang pinuna ni Thea ang itsura ko.  “Do I look that bad?” naiilang na tanong ko nang hindi pa rin  inaalis ni Thea ang tingin sa akin. Agad naman akong napabusangot nang agad siyang tumango.  “Hindi ka manlang nagsinungaling,” kunyari ay mataray na sabi ko at tinapos na ang pag-aayos ng buhok. Mahina namang natawa si Thea at nauna nang lumabas papuntang counter. Nagbanyo muna ako saglit para i-check ang itsura ko at nang makontento ay sumunod na rin ako sa labas.  “Good Morning Ma’am, this counter is open po,” magalang na tawag ko sa mga taong nakapila sa kabilang counter. Agad naman silang tumalima at lumipat sa counter ko. Napansin ko naman ang isang matanda na naunahan ng ibang customer dahil sa mabagal niyang pagkilos kahit nauna naman siya sa pila.  “Ma’am at Sir, Pwede po ba muna natin unahin si Lola?” suhestyon ko na ikinangiti naman ng matanda. Taas kilay na nilingon ng babaeng kaharap ko ang matanda at iritadong umatras.  “Thank you Ma’am,” malapad pa rin ang ngiting sabi ko dahil kahit hindi ko bet ang attitude ng costumer ay dapat pleasant personality pa rin. Besides, the customer is always right.  “Thank you iha. Ano pala ang sa tingin mo magugustuhan ng Apo ko? Dito kasi ang favorite restaurant niya,” nagniningning ang matang sabi niya habang nakatingin sa menu.  Hindi ko tuloy maiwasang mainggit sa Apo ni Lola. Maliban sa Papa  ko ay hindi ko rin nakilala ang Lolo at Lola ko dahil namatay na daw sabi ni Mama. Oh diba? Walang natira sa pamilya namin.  “Ang swerte naman ng Apo niyo sa inyo Lola. Pumunta ka pa talaga dito para bilhin ang paboritong pagkain niya.” Natawa naman ang matanda at sunod-sunod na umiling. “Wala akong magawa. Ayaw akong tantanan eh.”  I can’t help but notice her feature. Her face is wrinkled but she looks young. Yung itsura ng mga matatanda na sa unang tingin pa lang ay alam mo nang mabait. Binili ng matanda ang sinabi kong paborito ng karamihan ng mga bata naming costumer at magbibigay pa sana ng tip pero hindi ko na tinanggap. The day went on at ilang oras din akong nakatayo lang at paikot-ikot sa counter para kumuha ng order at sa wakas. Natapos na din ang shift ko.  “Gusto mo bang mamatay?” nalingunan ko si Thea na masama ang tinging pinupukol sa akin habang nagbibihis ako.  “Duh. Natural hindi. Ang bata ko pa kaya. Wala pa ngang nakaka ano sa virgin forest ko tapos aakyat na ako sa langit?” Nagulat ako nang padabog na pinasa niya sa akin ang isang plastic.  “Ano to?” takang tanong ko at binuksan iyon. Agad na kumulo ang tiyan ko nang makitang fried chicken at kanin ang laman niyon.  “Ingatan mo naman ang sarili mo. I know you need to save money to support yourself pero hindi naman ibig-sabihin niyon ay gugutumin mo na ang sarili mo,” mababa ang boses na sabi ni Thea pero mahihimigan ko ang galit doon. Malapad ang ngiting nilingon ko siya at inakbayan.  “Grabe love na love mo talaga ako. Thank you!” matinis ang boses na sabi ko at akmang hahalikan siya sa pisngi nang mabilis niya akong tinulak na ikinatawa ko.  “EWW!” mataray na sabi niya at lumayo sa akin. “Hindi tayo talo!” dagdag niya at inirapan ako.  I smiled warmly habang nakatingin sa kaniyang nagbibihis. Thea is actually the daughter of our boss. Yung mismong nag-franchise ng branch. Siya ang susunod na mamamahala ng restaurant and because she want to learn how things run kaya nagsimula siya sa mababang posisyon. Ako lang yata ang nakakaalam ng katotohanan because she want to keep it a secret.  Bilib din ako sa babaeng ‘to. Sobrang yaman ng pamilya niya pero parang ka-level ko lang siya kung tratuhin niya ako. Sobrang sweet pa at caring. Imagine? Ganoon kayaman ang pamilya niya at isa lang ‘tong restaurant na ‘to sa chain of business nila pero pinili niya talagang ito ang gawin. Nakaka-inspire. “HOY! ANONG TINITINGIN MO DIYAN?!” nanlalaki ang matang sabi niya at tinakpan ang sariling katawan nang mapansing nakatingin ako sa kaniya.  Ngumisi ako sa kaniya at nangalumbaba pa. “In-appreciate ka,” malanding sabi ko.  Nangisay naman ang bruha. “The hell?! Wag ka ngang ganyan! Cringy ka!” masungit na sabi niya at padabog na sinarado ang locker niya at nauna nang lumabas. Natatawang sumunod nalamang ako sa kaniya.  Thea dropped me off at my place na hindi kalayuan sa pinagtatrabahuan ko. Kung titingnan mo nga at parang nasa gitna ng dalawang trabaho ko ang pwesto ng tinutuluyan ko. Mabuti na lang at kaklase ko noon ang anak ng may-ari ng boarding house kaya may bawas sa usual na bayad ang renta ko. Solo ko lang din ang kwarto ko dahil walang may gustong umupa sa kwarto dahil sira ang aircon at hindi pa napapalitan. Pinatong ko ang plastic ng pagkain na hindi ko pa nabubuksan sa taas ng mesa at pagod na nahiga sa kama ko.  “Kapagod,” daing ko nang maramdaman ang p*******t ng katawan ko. Hindi rin nagpahuli ang tiyan kong walang laman at kumulo ng ilang beses.  “Mamaya ka na,” pagpapakalma ko dito habang hinihimas. Ayoko namang kumain ngayon dahil gusto ko munang matulog. Mamaya na lang ako kakain bago umalis papuntang work para sulit. Inabot ko ang senior citizen kong cellphone mula sa bulsa ko at tiningnan ang oras. Alas tres cuatro pa lang ng hapon. Mamayang 9 pm pa naman ng gabi ang pasok ko kaya marami pa akong oras para magpahinga. Sa sobrang pagod ay hindi ko napansin na nakaidlip pala ako ng hindi manlang nakapag-alarm.  “Oh sh*t,” malutong na mura ko nang makitang pasado alas otso na ng gabi.  Nako patay nanaman ako neto kay tanda. Ayaw na ayaw pa naman non ang  nale-late sa trabaho. Iniisip ko pa lang ang nanlalaki niyang mata at mataas niyang boses kung sumigaw ay kinakabahan na ako. Lumiban nalang kaya ako ngayon?  Malakas akong napailing at tumayo na para maghanda.’Hindi ka pwedeng lumiban Chessa. Tandaan mo. PULUBI KA NGAYON! ‘ paalala ko sa sarili habang naliligo. Hindi naman ako tumagal dahil parang wisik-wisik lang ng tubig ang ginawa ko sa sobrang pagmamadali. Di bale. Binawi ko naman sa cologne.   Ang isang oras na byahe papuntang club na pinagtatrabahuan ko kung umaga ay naging kinse minutos lang. Mabuti na lang at gabi na kaya karamihan sa mga tao ay papauwi kaya hindi masyadong madami ang taong nag-aabang ng jeep papuntang siyudad. Mabilis din ang pagpapatakbo ng driver na ayon din sa pabor ko.  “Oh my gosh! Akala ko ma le-late ka na naman! Pinagtakpan ka lang namin kanina kasi hinahanap ka na ni Madam Auring! Magbihis ka na,” natatarantang sabi ng kaibigan kong si Maureen na naninigarilyo sa gilid ng club.  “Sige. Salamat!” tipid na sabi ko at nagmamadaling tinahak ang daan papuntang entrance.  This place is the most well known nightclub. Meron kasi ditong membership na hindi biro ang halaga kaya tanging mga elite members of the society lang ang may access or hindi kaya ang mga sikat na celebrities na gustong magloko. Guaranteed din kasi ang safety nila inside the club kasi sobrang higpit ng security. Tanging ang may mga black card lang which signatures their membership ang makakapasok. Marami din ang sinubukang i-replicate ang card pero wala pang naging successful dahil kilala lahat ng security team ang mga members.  The members formed a club called “The sparrows” based from the club’s name na ‘Sparrow’ and kadalasan ay sila lang ang tanging laman ng lugar.  “Tell me what do you need?” malanding sabi ng babaeng nakaharang sa entrance ng club at mapanuksong nilapit ang sarili kay Chase, isa sa mga security team ng lugar. Hindi ko naman maiwasang matawa nang mapansin ang pandidiri sa mga mata niya pero maintained pa rin ang emotionless face niya.  Ito na yata ang kalbaryo ng mga security team. Aside sa mga taong alam naman na kailangan ng membership para makapasok ay meron talagang mainitin ang ulo na mga customer na nananakit para lang makapasok.  Napailing ako nang naalala ko nanaman ang nangyari noong isang gabi. Dumugo kasi ang ulo ng isang member ng security team namin dahil hinagisan ng bote na sumapul sa ulo niya. Muntik na tuloy silang magrambol. Mabuti na lang talaga at sobrang haba ng pasensya ng security team.  Bigla namang nag-iba ang itsura ni Chase at napalitan ng maliit na ngiti nang mapansin ako. “Chessa. Nandito ka na pala. Kanina ka pa hinahanap.” Taas kilay na nilingon naman ako ng babaeng nasa harap ko at muntik pa ako mapamura ng makita ang kabuuan ng mukha niya. Mukhang tinadtad niya lahat ng pulbo sa mukha at naubusan nang para sa leeg. Sobrang layo kasi ng kulay ng leeg niya at muka.  Napakagat ako ng labi at nagkunyaring wala akong nakita. “Uy. Hello Chase. Pasok ako ha?” Paalam ko and excused myself sa babae para makadaan ako. Mabigat sa loob naman siyang tumabi para makadaan ako.  “Eh bakit siya nakapasok hindi naman naka-dress code? Ha?!” narinig ko pang galit na sumbat ng babae nang papalayo ako.  Sinalubong ako ng nakakabinging musika at iilang mga members ng ‘Sparrow” na seryosong umiinom sa gitna ng dancefloor at nakikipag-usap sa isa’t-isa. Ang weird diba? Sobrang wild ng music tapos sila chill lang na nakatayo sa gitna at tuwid ang tayo.  Saglit na dumaan muna ako sa time clock para i-punch ang oras ng time in ko habang tarantang palingon-lingon sa paligid bago dumeretso sa staff room kung saan kami nagbibihis. Mahirap na at baka makasalubong ko si Madam Auring at magka homily bigla dito sa gitna ng club.  “MS. MARGARICO!” malutong akong napamura at napalundag pa sa sobrang gulat nang bigla na lamang dumagundong ang boses ni Madam Auring sa madilim na staff room.  Nanlalaki ang matang nilingon ko siya habang sapo ang dibdib. “Manang Rhoda. Ikaw pala. Magandang gabi,” magalang na bati ko habang pinapakalma ang puso kong sobrang bilis pa rin ng t***k. ‘P*tcha, parang aatakihin naman ako sa puso ng wala sa oras dahil sa kaniya sa sobrang gulat’. Paano naman kasi, ni hakbang niya ay hindi ko narinig tapos bigla na lang may sisigaw.  “Anong Manang? Rhoda lang! Rhoda! Ang bata ko pa kaya,” dikit ang kilay na sabi niya at inirapan pa ako.  ‘Ay. Attitude si Ate’ isip ko. “At bakit ka late?! Hindi mo ba alam kung anong araw ngayon ha?!” muntik na akong mapangiwi sa mismong harap niya nang sigawan niya nanaman ulit ako.  “Chill Ate. Hindi naman po ako bingi. Magkaharap lang tayo oh! Sige ka madadagdagan wrinkles mo,” pananakot ko sa kaniya. Bigla naman siyang na-conscious at hinawakan ang pisngi na ikinangisi ko.  Malalim siyang napabuntong hininga at kalmadong nagtaas ng tingin. “Magbihis ka na at kanina pa tayo hinihintay ni boss sa taas,” mababa ang tonong sabi niya at agad nang tumalikod.  Naiwan naman akong natatawa at hindi makapaniwala sa nangyari. ‘Iyon lang naman pala ang magpapakalma sa kaniya. Ang wrinkles niya.’  Natigilan ako sa akmang pagsuot ng damit nang rumehistro sa akin ang sinabi ni Rhoda.  “Naghihintay si boss sa taas?” My eyes widened in shock nang ma-realize ko kung anong araw pala ngayon. Birthday pala ngayon ng Boss namin! - - ✘ R E A D ✘ ✘ C O M M E N T ✘ ✘ F O L L O W M E ✘ 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD