CHAPTER1
Bahagya siyang natigilan ng makarinig ng mahihinang daing.Hindi niya naituloy ang pagbukas sa kanyang unit dahil sa narinig.Napatingin siya sa katabing pinto.Napakunot ang noo niya ng mapansing hindi iyong nakasarado ng maayos.May kabitbahay na pala siya.Sa dalawang taong pananatili niya doon ay ngayon lang may umukopa sa katabing unit.
Kinabahan siya ng makarinig ulit siya ng daing.Parang nasasaktan na hindi niya maintindihan.May sakit ba ang bago niyang kapitbahay at nag iisa ito?Humakbang siya palapit sa nakaawang na pinto at inilapit ang tenga.Papalakas ang ungol na naririnig niya.Hinuha niya ay babae.May iniinda ba itong sakit?
Akma na sana niyang kakatukin ang pinto nang umungol ito ulit.Unti-unti nanlalaki ang kanyang mga mata ng ma realized kung ano ang nangyayari.
Oh my God!
"Oh babe,that feel so gooood...." daing ng babae galing sa loob.
Naeeskandalong napatakip siya ng bibig.Muntik na siyang mapatili sa kabiglaan.Diyata't daing pala nang nasasarapan ang naririnig niya.Hindi dumadaing dahil sa sakit.Muntikan na siyang kumatok!
Hindi man lang nakapagsarado ng pinto, bwisit!!
Hindi na siguro makapaghintay at hindi na naalalang mag lock ang mga ito.Siya naman itong tanga,hindi alam ang pagkakaiba ng daing ng nasasaktan sa nasasarapan.Buti na lang di siya deretsang sumilip sa maliit na awang ng pinto.
Nanginig ang kamay na binuksan niya ang kanyang pinto.At pabagsak na isinara.Naeskandalo ang buo niyang pagkatao sa narinig.Sa tanang buhay niya,jusko!Hindi niya maimagine ang ginagawa ng mga ito.Marahil ay mag asawa o magkasintahan ang mga ito.
Mga bastos!
Buti na lang soundproof ang bawat unit sa gusaling iyon.Dahil kung hindi talagang mawiwindang na ang buo niyang pagkatao kung sakali.
Pinilit niyang iwaglit sa isip ang nangyari.Minalas lang siguro siya sa araw na iyon.
Nagugutom siya.Napagpasyahan niyang sa baba na lang kakain.Merong may hindi kalakihang restaurant sa tapat ng condominium na tinitirhan niya.
Hindi na siya nag abalang mag ayos.Tanging short na maong lang ang kanyang suot at pares ang asul na blustier. Kumuha siya ng pera mula sa pitaka at isinuksok na lang basta sa kanyang bulsa.Sinuot ang pambahay na tsinelas saka lumabas.
Nasa loob na siya ng elevator na papasara na sana ngunit mas mga kamay na pumigil don.Napatingin siya sa pumasok.Talagang ang kamalasan,pag nasimulan naging sunod sunod na grrr!
It means they living in the same floor.Oh God,ito ba ang umuungol kanina?
Tiningnan niya ang magkapareha.In fairness maganda si ghurl.At si boy?Hindi na niya nabistahan ang mukha nito dahil tumalikod na ito.Nasa bandang likuran kasi siya at ang babae nakaharap sa kanya at nakayakap kay boy.
Nakulangan pa ata' sitang isip niya.Para kasing linta ito kung makayakap sa lalaki.Lihim na lang niyang binistahan ang likod ng lalaki.
In fairness likod pa lang pwede na, broad shoulders and nice butt.
Maghunusdili ka self!Katatapos lang nila sa---- erase!erase!
Huminga siya ng malalim at tinuwid ang tayo deretso ang tingin.Kunwari nag iisa siya,wala siyang kasama sa loob.Wala siyang nakikita.Kunwari di niya rin nakita ang paghaplos ng babae sa puwitan nang lalaki.
Gustong manlaki ng butas ng kanyang mga ilong.Wala pala talagang piling lugar ang mga ito.Kahit may ibang tao sa paligid ng mga ito ay balewala lang.
Pigs!!
Nang lumapag na sa ground floor ay agad agad siyang lumayo sa mga ito ng makalabas siya sa elevator.Hindi niya masikmura ang ginagawa ng mga ito.Oo nga at liberated siyang umayos pero hindi siya cool sa mga taong matakaw sa tawag ng laman.She mean, s*x is normal but in appropriate situation and place.Kulang na lang magsex ang mga ito sa kanyang harapan.Mga exhibitionist yata ang mga ito.
Disgusting!!
Hinuha niya hindi mag asawa ang mga ito.Dahil kung mag asawa ang mga ito,may respeto ang mga ito sa isa't isa.Ang ganda ng babae,naisip niya gwapo din siguro ang lalaki.Amoy pa lang kasi nito,masarap na sa ilong.
Kadiri ka Tina! sita niya sa sarili.
Dumeretso na siya sa kanyang sadya.
Hapunan na kaya medyo marami ang customer.Inukopa niya ang pwesto sa gilid ng pinto.Mula sa loob kita ang ilaw sa building na tinitirhan niya.
Pagkuway tinawag niya ang waiter at umorder ng kanyang pagkain.Dahil medyo gutom siya,nag order siya ng dalawang klaseng ulam at dalawang serve na kanin.
Habang hinihintay ang order,binuksan niya ang cellphone at tiningnan kung may bagong message na pumasok.Naramdaman niyang may pumasok dahil sa gilid lang siya ng pinto.At ang bagong dating inukopa ang bakanteng mesa sa harap niya mismo.
Saka naman siya natigilan.Kung ang pagkakataon nga naman oo!At dito pa kakain ang mga ito.
Dahil pandalawahan lang ang mesa ng mga ito,nakaupo patalikod ang babae sa kanya at ang lalaki nakaharap sa gawi niya.
Ang gwapo nga!
Gusto niyang matawa sa sarili.Para siyang tanga na affected sa presensiya ng mga ito.Paanong hindi,kung tumatak na yata sa isip niya na nag jugjugan ang mga ito kanina.
Kailangan mong masanay ghurll!Kapitbahay mo na sila.
Mahina siyang napa buntung-hininga.Ano pa nga bang magagawa niya e di waley!
Bahagyang nangunot ang kanyang noo ng mapansing iba ang titig ng lalaki sa kanya.Salubong ang mga kilay nito.Bakit naman ganon ito makatingin?
Napasinghap siya ng maalala ang pabagsak na pagsara niya ng pinto kanina.May idea na ba ito na alam niya na may kababalaghang ginawa ang mga ito?Napahawak siya sa kanyang pisngi.Nag iinit ang kanyang mukha dahil sa kahihiyan.
Madalian siyang tumayo at aksidenteng nasagi ng kanyang tuhod ang isang paa ng mesa.
"Aww!",napangiwi siya.Sigurado magkakapasa agad siya dahil sa balat niyang maputi.
"Ma'am, okay lang po kayo?",tanong ng isa sa mga waiter.
"O-okay lang.Pakisuyo naman ako,yung order ko ite-take out ko na lang." nakangiting pakiusap niya rito.Pamilyar na sa kanya ang mukha ng mga waiter doon maliban sa bago.Suki na kasi siya don kaya natatandaan din siya ng mga ito.
"Sige po, Ma'am.Kung gusto niyo po ihahatid na namin sa unit niyo''. magalang na alok nito.
"Hindi, okay lang.",tanggi niya."Nandito na lang din lang ako, hihintayin ko na.Malapit na sigurong maluto."
"Kayo po bahala Ma'am",saka nito binalikan ang ginagawa.Siya naman lumipat ng mauupuan,malayo sa dalawang nasa harapan.