"Ma'am Tina,nailabas ko na po lahat ng stocks na kapareho nung napili niya pero wala pa rin po siyang napili",reklamo ni Jen sa kanya.Pang ilang balik na nito sa opisina niya dahil sa customer nilang hindi matapos tapos sa pagpili.Masyado yatang maarte."Kung hindi lang po gwapo,kanina ko pa yun sinukuan"
"Gwapo?Ibig mong sabihin lalaki ang customer natin sa labas?",takang tanong niya.
"Opo, regalo daw niya sa kanyang friend.I bet hindi lang ordinary friend yun,ang hot po kaya ni Sir...Kung ako po ang babae hindi po ako papayag maging friend lang kami",daldal nito.Napailing na lang siya sa karupukan nito pagdating sa mga gwapo.Iniwan na lang niya ito at pinuntahan ang lalaking tinutukoy nito.Bahagyang naningkit ang kanyang mga mata nang mamataan niya ang likod nito.Hindi siya nagkakamali.Likod iyon nang kapitbahay niyang pinaglihi sa aphrodisiac dahil sa katakawan sa s*x.
"What are you doing here?",pinamaywangan niya ito nang humarap ito sa kanya.
"Oh,you work here?",gulat na tanong nito nang makaharap siya.Tumaas ang isang kilay niya dahil sa reaksyon nitong over acting. Exaggerated ang pagkakagulat nito.Halatadong nagkukunwari.
"Ay hindi...nandito lang ako para tanungin ka kung anong ginagawa mo dito",sakrastikong sabi niya.
"Hey,hey hey.... you don't have to be sacrastic.This is a*****e so obviously I'm here to buy some clothes",depensa agad nito.
"Ganun?Okay po Ser....May napili na po ba kayo sa mga pinalabas nang assistant ko?Kasi kung wala pa po,malaya po kayong makapaghanap sa ibang store", malumanay ngunit may diin ang bawat bigkas niya nang mga salita.
"Is that the way you treat your customers here?",nakataas ang mga kilay na tanong nito.Aba iniinsulto yata siya nito.
"Are you here to questioned me?Sa tingin mo matutuwa ako sa ginawa mo?Pinapagod mo ang assistant ko."
"That's her work,is she complaining?", nakangising sabat nito.Ang mga ngising lalong nagpapakulo sa dugo niya.
Napabuga na lang siya nang hangin saka mapagkumbabang hinarap ito.Alam niyang pinagloloko lang siya ng lalaki.Pag lalo niya itong patulan hindi ito titigil.
"I think you are just waisting our time Mr Russo", malumanay niyang wika."Thank you for coming".
Saka ito tinalikuran.
"Fine! I'll buy all of those",sukong sabi nito na ikinalingon agad niya.
"Ay,hindi ko tatanggihan yan.Jen!",tawag niya agad sa assistant na nasa likod lang pala niya at nakamasid sa kanilang dalawa ng lalaki.
"Ma'am",
"Ibalot mo lahat ng inilabas mo,bibilhin daw lahat ni Sir",
"Lahat po Ma'am?", alanganing tanong nito
"Lahat",may diin niyang sabi at lihim itong pinandilatan nang mata para sumunod agad.
Hindi na niya binigyan nang pansin ang titig nang lalaki.Alam niya ang larong gusto nito.
"Twenty thousand?",nakangangang wika nang lalaki pagkatapos niyang iabot ang credit card nito at resibo."For this clothes,twenty thousand pesos?!"
Hindi niya pinansin ang reklamo nito.Sadyang mamahalin ang dresses na iyon dahil sa ganda nang quality at hindi ordinaryong brand lang.
"Salamat po Sir...Sa uulitin",sa halip na sabi niya saka tumalikod na at bumalik sa loob.Pinipigil lang niya ang sariling singhalan ito at itaboy.
"I can't believe this",narinig niya pang wika nito.
---
Napakunot ang kanyang noo nang mapansin ang mga shopping bags na nasa paanan nang kanyang pinto.Kagagaling lang niya sa kanyang boutique at ito kanyang naabutan.
"What are these?",hindi niya mapigilang sambit.Saka napagtanto ang tatak nang shopping bags ay galing sa kanyang boutique.May pagmamadaling binuksan niya ang isa at napagtantong iyon ang binili nang lalaki kanina.Mariin niyang naipikit ang mga mata.Talagang sinusubukan talaga nang lalaki ang kanyang pasensya.Ilang araw na niya itong iniiwasan dahil sa ginawa nito pero wala pa ring tigil ito sa kapapadala nang mga bulaklak sa kanya.At kanina wala siyang nagawa dahil naabutan siya nito sa kanyang boutique.
Marahas niyang hinablot ang mga iyon at saka tinungo ang kabilang pinto saka madiing pinindot ang doorbell.Nang hindi pa siya nakontento ay hinampas niya nang malakas ang pinto.Wala siyang pakialam kung marinig man nang ibang nakatira sa building.
"Are you trying to destroy my door?",kunot noong sabi nang lalaki nang buksan nito ang pinto.Walang salitang hinampas niya dito ang tatlong shopping bags at agad itong tinalikuran.Hindi agad ito nakahuma sa pagkabigla at napatanga lang ito habang pinapanood ang kanyang galaw.
Natauhan lang ito nang mabuksan niya ang pinto nang kanyang unit.Dali-dali naman itong lumapit sa kanya.Agad siyang pumasok para sana isara ang pinto ngunit agad nitong naiharang ang kalahati ng katawan at pinipilit ang sariling pumasok.
"This is trespassing Mister Russo,I can sue you for this",gigil niyang sabi habang pilit pa rin niyang tinutulak ang pinto kahit naiipit na ito.
"What the hell is wrong with you? I'm just trying to be nice on you!Is it because of the kiss?Oh c'mon, it's not a big deal you know, it's not like it was your first kiss"
Lalo yatang nagatungan ang inis niya dito dahil sa lumabas sa bibig nito.Not a big deal?Of course it was a big deal for her.That was her first for Christ sake!
"Look Bettina,I don't know what's going on.Why you hate me that much.Did I've done something worsts on you in the past life?If it was about the kiss,I am really sorry."
Binitawan niya ang pinto at seryosong hinarap ito."Why I hate you so much? Because you are your mother's son!"
"What?",hindi makapaniwalang sabi nito."You are that childish?"
"Yes",taas noong sabi niya."So can you leave me alone now?You don't have to deal with a childish person like me".
"Huh,I can't believe this.",iiling-iling nitong wika.
Malakas siyang bumuntung-hininga para iparating dito na hindi siya natutuwa sa presensiya nito."I want you to leave.Please."
Napatawa ito nang pagak at seryoso siyang tinitigan."Sure....if that's what you want."
"I mean forever.Leave me alone and stop medling with my life.Never ever talk to me when we'll cross our way in the future. You'll just remind me of your mother."
"Okay,but let me do this one last time",saka nito madaliang tinawid ang kanilang distansya at inabot ang kanyang magkabilang panga saka siya kinuyumos nang mariing halik sa mga labi.Dahil sa gulat hindi siya agad nakahuma.Pinisil nito ang kanyang kaliwang dibdib na ikinaawang ng kanyang bibig na nagbigay daan para makapasok ang mapangahas nitong dila.
Nawala siya sandali sa huwisyo.Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman dahil sa halik nito.Ipinikit na lamang niya ang mga mata at hinayaan ang sariling matangay sa matamis nitong halik.Akma niyang igagalaw sana ang labi ngunit bigla itong bumitaw.
"Now i gave you a reason to hate me more",nakangising sabi nito.Namula siya sa tindi nang pagkapahiya.Hindi niya alam kung paano isasalba ang sarili sa kahihiyan na siya rin mismo ang may gawa.Hinayaan lang niya ang lalaking halikan siya nito at ang malala pa nasarapan pa yata siya.Nahiling niya na sana lamunin na siya ng lupa dahil sa matinding pagkapahiya.Iisipin na lang nito na kunwari pa siyang galit sa ginawa nito noong una pero gusto din pala niya.
"Arrivederci amore mio" wika nito sa lengguaheng malay ba niya kung ano.
Saka ito lumabas at ito na mismo ang nagsara ng pinto.Hindi pa siya nakakahuma bumukas ulit ang pinto at ipinasok nang lalaki ang mga shopping bag na hinampas niya dito kanina.Walang salita nitong inilapag ang mga iyon at saka agad ding umalis.
Nanginginig ang kamay na ni-lock niya ang pinto at agad na tinungo ang sofa saka nanghihinang napaupo para kalmahin ang sarili.
----
"What's with the rushed tina?",naguguluhang tanong ni Rafa sa kanya.Kasalukuyan silang nasa bar.Tinawagan niya ito kanina at nagpasundo at niyaya itong uminom.Minadali pa niya ito kanina dahil gusto niyang masayaran agad nang alak ang kanyang lalamunan.
"I really hate that moron!",gigil niyang wika habang tumutungga nang alak.
"Will you please relax?Hindi tayo nagkakaintindihan kung ganyan ka kagigil pati baso gusto mo nang durugin",inis na sabi nito.
"I don't want to talk about it",pasinghal niyang sabi.Malaya siyang naipapakita dito ang kanyang iritasyon dahil ganon din ito sa kanya. They understand each other flaws.
"E di wag"
"I want to stay in your place", pagkuway wika niya.Ayaw niya munang umuwi sa kanyang condo unit dahil naalala lang niya ang ginawa nang kanyang kapitbahay.Pinaglalaruan siya ng lalaki.Darating din ang araw na makakaganti rin siya rito.Anong karapatan nitong guluhin ang sistema niya?Paulit-ulit na nagre-replay sa kanyang isip ang ngisi nito matapos siya nitong halikan.
"Okay... Robe is not there anyway",pagpayag nito.
Uminom lang siya nang uminom until she get wasted.Hindi na uminom nang marami ang kanyang kasama dahil magmamaneho pa ito mamaya.
Hinayaan lang siya nitong maglasing.
----
Pagkaumaga parang biniyak ang kanyang ulo dahil sa tindi nang hang over.Kaya hindi na muna siya umuwi ang nagpalipas na muna nang ilang oras sa condo unit ng kaibigan.Hinayaan na lamang niyang si Jen ang magbantay sa boutique,magpapahinga muna siya.
Kasalukuyan silang kumakain ni Rafa nang tanghalian nang biglang sumakit ang kanyang tiyan.Lagi niya iyong nararamdaman pag inaatake siya nang kanyang dysminorrhea.Ngunit kakaiba sa araw na iyon dahil masyadong masakit.Katulad nang dati kinakapos din siya nang hininga at nag- iiba ang kulay ng kanyang balat.
"Tina? What's wrong?",binitawan nito ang mga kubyertos at dali-dali itong lumapit sa kanya.
"Ang---ang s-s-sakit......",daing niya.
Inalalayan siya nitong tumayo ngunit agad siyang napabitaw dito at gumapang sa sahig.Hindi niya kaya ang sakit.Para siyang nasusuka.
"Tina....",taranatang sabi nito."Wait susi.Tama susi!Saglit lang kukunin ko ang susi nang sasakyan."
"Rafa......!",naiiyak niyang tawag sa pangalan nito.
''Oh God!", tarantang sabi nito.Nanginginig ang kamay nitong pilit siyang inaalalayang tumayo.''Hold on,Tina. I'll bring you to the hospital."
Hirap itong inakay siya at nang makarating sa baba sumigaw ito nang tulong sa dalawang security guard.
Para siyang lantang papel na binuhat nang isa sa mga gwardiyang naroon.
"Rafa,just f-focus on driving please."hirap niyang sabi.Baka sa sobrang taranta nito at maaksidente pa sila."Don't worry,I can handle this just like before".
Pinilit niyang hindi mautal para hindi ito mataranta.Kahit na hirap na hirap na siyang huminga.
"Please hold on Tina",sabi nito saka pinausad ang sasakyan
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at taimtim na nagdasal. Kapag malapit na ang kanyang buwanang dalaw ay inaatake siya ng ganong pananakit ng tiyan. Nakakaya naman niya iyon pero ang ngayon ay kakaiba. Hindi niya kinaya ang sakit. Lihim niyang nasambit ang pangalan ng yumaong ina.
Ang sakittt!