“Shun, Cel tulungan ninyo akong dalawa na palitan ng damit si Miles”. Ani Ms. Janet “Let me help you” ani Mr. Grey “No! Thank you pero kame na lang.” pigil dito ni Janet ng tangkang lalapit na si Mr. Grey kay Miles “Ah! Okay, sorry nakalimutan ko. Hehe” ani Mr. Grey na napakamot sa ulo, dahil sa pagaalala nakalimutan niyang babae nga pala si Miles “Ako na lang po ang tutulong sa kanila Sir.” Naka-ngiting sabi ni Nikki “Mas mabuti pa nga” ani Mr. Grey Sinundan na lamang ni Mr. Grey ng tingin ang apat sa pagpasok ng mga ito sa kwarto “okay” ani Mr. Grey at pumalakpak upang ang attention ng nakakarami ay bumaling sa kanya “Makinig, naghanap na nang makakatulong sa atin si Mr. Wilkes, wala tayong ibang magagawa kundi ang magantay sa pagbalik nila, magdasal na lang tayo na sana ay may makita silang pwedeng tumulong sa atin sa ngayon magsipunta na kayo sa kanya-kanya ninyong kwarto at mag sipag-ayos ng mga sarili ninyo, mag sipag palit na kayong ng mga damit ninyo at baka kayo naman ang magkasakit.” Anito sa mga kasamahan “Gentlemen” ani Mr. Grey habang papalapit sa mga expert “Magpahinga na din po kayo, we will let you know when they’re arrive” may paggalang na wika ni Mr. Grey “Yes please because we were worried.” Ani Desmond “Don’t you worry Sir” ani Mr. Grey **** “Cel paki handa yung damit ni Miles” ani Ms. Janet “Okay po” ani cel at kumilos na agad “Kailanangan natin siyang paliguan dahil puro putik siya” ani Shun “Paano natin siya papaliguan, baka kung galawin natin sya mas lumala ang sitwasyon niya”. Ani Nikki “Ginawa ko na yan dati sa lola ko noon, pero sa sitwasyon ni Miles, hindi natin sya pwede galawin habang hindi natin alam ang lagay niya, punasan na lang natin siya at tangin ulo na lang niya nag paliguan natin dito mismo sa higaan” ani Shun “Kung ganoon mag madali na kayo, kumuha na kayo ng magagamit natin” utos ni Ms Janet “Wala dito ang gamit ni Miles” ani Cel habang naghahap sa gamit **** “Haist, paano ba ako papasok sa loob” ani Vince na palakad lakad sa harap ng kwarto kung saan si Miles “Hoy ano ba ang ginagawa mo jan Vince” tanong ni Mei ng makita si vince na hindi mapakali sa harap ng pinto ng kwarto nila Miles “oh, buti nandito ka Mei, ito kasi yung gamit ni Miles, ako kasi may dala nito kanina, kaso hindi ako makapasok dahil baka inaasikaso nila si Miles” anito “Sige bigay mo sakin iyan at ako na ang magpapasok sa loob” anito at kumatok sa pinto Narinig ni Cel ang kumakatok sa pinto at kaagad niya itong binuksan, nakita nito na nakatayo sa dito sina Mei at Vince “Oh! Mei, Vince ano ang kailangan ninyo” ani Cel “nandito ako para tumulong at nakita ko si Vince na dala ang mga gamit ni Miles” paliwanag nito “hay salamat, kanina ko pa yan hinahanap e” anito at kinuha ang gamit kay Mei “Vince nandyan ka na rin lang tulungan mo na kame” ani Shun “Me” anito sabay turo sa sarili dahil alanganin kung papasok sa loob o hindi “Sino pa bang Vince ang nandito” ani Shun at napansing nag aalangang pumasok at niluwangan ang bukas ng pinto “Wag kang mag-alala hindi pa namin siya binibihisan dahil kailangan pa namin siya paliguan, pwede mo ba kame ikuha ng malinis na tubig” dagdag nito “Ah! Okay, sige” ani Vince na ngingiti-ngiti At tumalikod na upang sundin ang utos nito **** “Sir Wilkes, may tao akong nakita sa banda doon” turo ni Andrei kay lance sa isang bahay na mukhang abala mga nakatira doon sa pagluluto dahil nakita nila na may lumalabas na usok pa sa taas na bahagi ng bahay “Okay, let’s go there” anito at tumakbo papalapit sa bahay Toktok... toktok “Tao po, may tao ba jan?” katok ni Lance “Tao po... tao po” tawag din ni Andrei sa mga tao sa loob Nakita nila ang isang matandang babae na nagbukas ng pinto “Anong maitutulong ko sa inyo mga Ginoo” tanong nito sa kanila “Magandang hapon ho” bati ni Andrei dito “Pwede po bang magtanong, naghahanap po kasi kame ng malapit na ospital dito” ani Lance “Naku bakit iho, anong nangyari?” tanong nito sa kanila “Isa po kasi sa kasamahan namin ang kailangang matingnan ng Doctor, dahil nahulog siya habang pababa kame ng bundok kanina dahil madulas ang daan.” Paliwanang ni Lance “La, sino yan may bisita ba tayo” ani ng isang lalaki na papalapit sa kanila “Apo, nag hahanap daw sila ng Doctor.” Ani ng matanda “oh! Kayo po pala yan Sir” anito kay Lance “Kilala mo ako?” tanong ni Lance dito “Ah! Sa mukha lang po, isa po ako sa mga inupahan ninyo upang buhatin ang mga gamit ninyo paakyat ng bundok saka sa pagbaba kanina” anito “ano po ba ang nangyari, bakit kayo naghahanap ng Doctor?” dagdag na tanong pa nito “Isa kasi sa kasamahan ko ang nadulas habang pababa kame kanina, wala siya malay ngayon” ani Lance “Naku Apo tulungan mo sila mukhang malala ang sitwasyon na meron sila ngayon.” Ani ng matanda “Pero Sir hindi tayo makakatawid sa kabilang bayan nandon ang Ospital at mga Doctor” anito “Wala na po ba kayong kilala na makakatulong” singit ni Andrei na nagaalala sa sitwasyon “Meron akong kilala pero hindi siya doctor, pero ang mga tao dito na walang pera pang ospital ay sa kanya pumupunta” anito sa kanila “Pwede mo ba kaming samahan sa kanya” tanong ni Lance dito “Sige, sandali lang, pumasok po muna kayo” anito sa kanila “hindi na basa na rin naman kame” ani Lance Hindi nagtagal ay umalis na sila papunta sa manggagamot “Mang Amboy... Mang Amboy nandyan ka ba?” katok nito sa pinto ng bahay “Oh! Bert anong kailangan mo?” tanong ng babaeng nagbukas ng pinto “Rachel, nandyan ba si Mang Amboy” anito sa babae “Oo nandito sya, bakit? Tanong nito at tumingin sa kanila “Bert anong kailngan mo?” ani ng matandang lalaki na papalapit sa kanila “Mang Amboy, may mga kasama ako dito, isa kasi sa kasamahan nila ang nadulas habang pababa ng bundok, hindi kasi makakatawid papunta sa kabilang bayan upang madala sa ospital ang kasama nila kaya dito ko na isip na dalhin sila.” Paiwanag dito ni bert “Maaari ninyo po ba kame tulungan?” tanong ni Lance dito “Pero mga iho hindi ako doctor kagaya ng iniisip ninyo, sa lugar na ito isa akong albularyo, pero sige titingnan ko kung ano ang aking maitutulong” anito at tumalikod at kinuha ang gamit nito Agad din silang umalis, sumama din si Bert sa kanila, hindi nagtagal ay nakabalik sila sa kanilang tinutuluyan