Chapter 15

1269 Words
Nagmadali na siya at tumulong na rin sa pag aayos, ang mga kalalakihan na tumulong sa kanila noong unang araw na umakyat sila ay nadoon narin upang tulungan silang ibaba ang ilan sa kanilang gamit, at ang ibang gamit nila tulad ng tent at mga foldable table at ilang mabibigat na bagay ay iniwan nila a loob ng kweba, umaasa silang safe ang kanilang mga gamit dito, naglagay na din sila ng tanda para kung sakaling may maligaw doon ay malalaman na restricted ang area at bawal pasukin ng sinuman. Nag simula na ang grupo sa pag baba, wala na din silang pahipahinga dahil kailangan na din nilang magmadali kung ayaw nilang abutin sila ng bagyo habang pababa sila. Mag aalas dos pa lng ng hapon e, medyo dumidilim na ang langit at pababa na sila sa pinaka unang bundok, ang mga may hawak ng mga nahukay ay mabilis na nakababa dahil sa sanay na ang mga ito sa ganoong trabaho, halos tinatakbo nga lang ng mga ito ang bundok Nung una nga’y nakita pa niya ang isa sa mga ito ng tinatakbo lang ng pantalon ang pagaakyat sa bundok, para lang itong nagpa-pagcor sa mga puno Nakababa na rin ang marami sa kanilang kasamahan, dahil ang team nila ang huling umalis dahil sinigurado muna nila na walang maiiwan sa mga gamit labas at ang gamit na dapat ipasok sa kweba na nandon lahat Halos ilang minuto na lang ay mararating na nila ang paanan ng bundok ng unti-unting bumuhos ang ulan kung kaya nag madali sila sa pagbaba Dahil sa bumuhos na nga ang ulan kung kaya’t naging madulas at maputik ang daan, nang marinig nila ang sigaw ni Cel “aaahhh” sigaw nito Sinubukan nilang dalawa ni Shun pigilan ang pagbaksak nito, dahil kung hindi ay mahaba-haba ang gugulungan nito at tatama sa mga ugat ng puno Ngunit dahil nga sa madulas na ang daan ay hindi nila tuluyang napigilan ang pagbaksak nito at nahila sila Dahil sa puwersa ng bagbagsak ni Cel sa kanila ay napaatras sila at nadulas, napagintaan nila si Shun, dahil tumama si Cel dito at siya ay nasa likod ni shun nakakapit Paatras siyang na dulas at tuluyang na nawalan ng balanse dahil lahat ng bigat ng dalawa ay nasalo niya. Kaya napahiga siya at nabitawan ang dalawa kung kaya’t gumulong ang dalawa, hindi naman gaanong mataas ang kinabagsakan ng dalawa kaya galos lang ang natamo ng mga ito Agad na lumapit sina Andrei at Vince sa dalawa “Okay lang kayo” nag aalalang tanong ng sabay na nagsalitang si Andrei at Vince “okay lang ako,” “okay lang din ako, medyo parang may naipit lang sa balikat ko pero ok lang ako.” Ani Cel Nang napalingon silang lahat ng simigaw si Ms. Janet “Miles” na natatarantang sigaw nito Naririnig lang niya ang pag-uusap ng bawat kasama niya pero hindi niya magawang kumilos dahil sa itsura niya Tumama siya sa naglalakihang ugat ng puno dahil dito siya bumagsak, habang ang isa niyang paa ay naka ipit sa pagitan ng mga ugat ng puno, at mukha siyang nakabitin Tawing gagalaw siya ay nakakaramdam siya ng sobrang sakit sa bandang balakang niya, kaya ayaw niyang kumilos, gusto na niyang umiyak sa sakit Hindi siya makadilat dahil tumatama ang patak ng ulan sa kanyang mukha, ng maramdaman niya ang mga kamay na dahan-dahang umaalalay sa kanya, pinilit niyang idilat ang isang mata ng mapagsino ang taong tumutulong sa kanya at ito ay si Lance na mababakas ang sobrang pagaalala sa mukha nito, nakita rin niya ang papalapit na mga kasamahan. Dahan dahan siyang inalalayan na makatayo, ngunit ramdam niya na parang mapuputol ang kanyang balakang, mukhang napuruhan siya sa kanyang pag-kabagsak Kitang kita ng kanyang mga kasamahan kung papaano siya mapangiwi sa sakit “Miles, sorry kung nag-ingat lang ako sa pagbaba hindi sayo iyan mangyayari” halos umiyak ng sabi ni Cel sa sobrang pagaalala sa kanya “Ano ka ba okay lang, saka madulas ang daan kaya hindi mo kasalanan, hindi maiiwasan ang ganitong pangyayari” pilit niyang ngiti dito, para kumalma ito “bilisan na natin dahil palakas na ng palakas ang ulan, kailangan na natin makababa” ani Ms. Janet na bakas din sa mukha ang pagaalala “Mr. Wilkes tulungan na kitang alalayan si Miles” sabi ni Andrei, nang pigilan naman ito ni Lance, nagtaka naman na napatingin ang lahat dito “No, let me do it alone.” Anito “dahil mas mahihirapan tayo kung dalawa tayong aalalay sa kanya, hindi pantay ang lalakaran natin, dahil kung dalawa tayo at ang isa ay madulas posibleng makatak natin ang isa’t isa, baka lumala lng ang sitwasyon ni Miles, mas mabuti pang mauna na kayong lumakad, at Andrei umalalay ka na lang sa akin sa pagbaba habang buhat ko si Miles” dagdag nito “Can you walk a little bit” tanong nito sa kanya “just a little closer to me”. At patalikod itong lumuhod sa kanya Inalalayan siya ng isang nitong kamay upang makapwesto siya sa likod nito pero bago pa siya makahakbang ay biglang kumirot ng matindi ang kanyang balakang at mapasigaw siya, dahilan para mawalan siya ng ulirat Huli niyang marinig bago siya tuluyang mawalang ng malay ay ang pasigaw ng mga kasama niya sa taranta at ang pagtawag ni Lance sa kanyang pangalan. ******* Shit! Napamura na lang si Lance ng makita na unti-unting bumabagsak ang babae sa harap niya, pero naging mas maagap siya kaya’t nasalo niya ito at hindi na tuluyang bumagsak. “Miles” narinig niyang sigaw ng mga kaibigan nito Binuhat na niya ang walang malay na si Miles “Alalayan ninyo ako sa pagbaba kailangan siyang matingnan ng doctor” ani Lance sa mga kasama Kahit na buhat-buhat ni Lance si Miles ay mabilis parin ang kanyang ginawan pagbaba, halos takbuhin na niya ang bundok upang makababa agad. Nagtataka naman ang mga naunang Team na nakababa ng makita sila, nagaalala ang mga itong lumapit sa kanila “What happened?” tanong ni Mr. Grey kay Ms. Janet “Mamaya na ang paliwanag, kailangang matingnan si Miles ng doctor”. Ani Lance at kaagad na pumasok sa loob ng bahay na kanilang kinuha upang matuluyan habang sila ay nasa lugar “Kailangan nating tumawag ng doctor, bilisan na natin.” Ani Shun na natataranta na “Pero paano natin madadala si Miles sa ospital, nasa kabilang bayan ang pinakamalapit at hindi tayo makakatawaid ngayon.” Ani ni Nikki “Anong ibig mong sabihin Nikki” ani andrei na bakas din ang sobrang pagalala sa mukha “Sinabihan kame ni Mang Ado kanina na nung makababa kame dito, na hindi madadaan ang tulay pansamantala, dahil bago pa man tuluyang tumama ang bagyo sa kalupaan nagpakawala na ng tubig sa dam upang maiwasan ang pagkasira nito kung sakaling magiging dami ang tubig na dala ng bagyo.” Ani Mr. Grey “What happened here?” ani Desmond kasunod nito ang ibang expert “What happened to Miles” singit ni Simon “Okay, for now, we need to find someone who can help us.” Ani Lance “Ms. Lincoln, ikaw na ang bahala muna ka Miles, kailangan niyang mapalitan ng damit.” Anito kay Ms. Janet “Yes Sir, ako na ang bahala sa kanya” ani Ms. Janet “Then I’ll go find someone who can help us”. Ani Lance “Sir sasamahan na kita” ani Andrei “Okay let’s go”. Anito at muli sinugod ang ulan papunta sa kabahayan na malapit sa kanilang tinutuluyan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD