“hey! You guys, can you please be quiet wala kayo sa bangketa para mag-ingay, sabagay ano nga ba ang aasahan sa inyo.. hmmp!” ani Lizzie na may panunuya na naglalakad palapit sa pwesto nila
Maganda ito at seksi, kinababaliwan ng mga lalaki sa school nila, pero ganda lang ang meron ito madalas umaasa lang sa connection ng pamilya na meron sya.
Madalas dinadaan sa pera para makakuha ng mataas na grado, lagi siya nitong binu-bully dahil malaki ang inggit nito sa kanya, dahil siya kahit walang pera at malakas n connection nagagawa pa rin niya malamangan ito
Gaya nang makapasok siya sa company na ito, sa kagustuhan niya makapasok dahil feeling na mauungusan ko sya, ginamit nya ang connection niya at nag donate lang naman sya ng malaking halaga para lang makapasok dito bilang intern.
Pero hindi naman lahat ay gusto siya, gaya ng dalawang babae sa Team niya dahil madalas sila nitong gawin alila, wala naman silang magawa dahil malakas ang kapit nito at kailangan nilang matapos ang pagging intern nila upang mga pagtapos, kung kaya’t tinitiis na lang nila ito. Mga lalaki lang naman ang madalas humahabol dito, maraming sa mga classmate namin ang inis sa kanya dahil sa ugali nito
“Hindi ko alam kung bakit isa ang Team nyo ang napili para sa project na ito e, Tingin ko kasi magkakalat lang kayo doon.” Sabay tingin sa kanila ng pailalim.
Mag iisang buwan na siya bilang isang intern doon at kabilang siya sa team na nangunguna, katunayan ay isa ang team niya sa napili para sumama sa malaking project sa Company nila.
“Watch your mouth Ms. Lim, you have no right to mocked them.” Pagalit na sabi ng gwapong lalaking TL kay Lizzie habang papalapit sa kanila, kahit alam nitong may kapit ito sa company ay hindi niya ito kinukunsinte
“hindi porke’t malakas ang kapit mo dito sa company ay may karapatan ka ng manghamak ng kapwa mo”. Dagdag pa nito
Si Mr. Xander Grey gwapo ito matalino at mabait, patas din ito at walang nilalamangan kahit may mataas itong posisyon sa Company, kung kaya naman ay pinapangarap ito nga mga babae sa kanilang trabaho, pero sa mata nito si Ms. Janet lang nakanilang Team leader ang maganda, matagal na nitong nililigawan si Ms. Janet pero mukhang pa hard to get pa itong TL namin, kahit alam naman namin na gusto din nya ang lalaki pero pinahihirapan pa ito.
“I’m so sorry about that Ms. Janet, it’s my fault not to teach her properly”. Sabay ngiti kay TL
“It’s okay, it doesn’t matter, as their Team Leader I know what everyone on my team can do, their not using any connection but still, they can get the high score! Right! Ms.Lim”. Ani Ms. Janet na may nakakalokong ngiti
“Indeed”. Ani Shun na nag-cross ang kamay sa dibdib at ngumiti ng abot tenga
At kame naman sa likod ni Ms. Jane ay natatawa na lalo namang ikinagalit ni Lizzie, napapadyak ito ng paa sabay alis na sinundan ng dalawang lalaki sa kanilang team na parang aso
“Akala ko ba it doesn’t matter? Pero pinalutan mo pa rin”. napapakamot sa ulo na sabi ni Mr. Grey
“Of course, Hindi ko naman hahayaan na ang Team ko na aapihin noh!” Sabay irap nito kay Mr. Grey
“uuyy! Hindi pa man LQ na”. ani Vince na ikinatawa ng lahat, hinampas naman ito ni Ms. Janet
“Pasensya na kayo sa kanya ah” ani Nikka na ka-team ni Lizzie
“Hay ! naku buti kayong dalawa na pagta-tsagaan nyo ang ugali non”. Tanong ni Shun sa dalawa
“Noon una, pero nakasanayan na lang din namin”. Ani Mei na sobrang hinhin sa grupo nila, malas lang dahil naging ka-team nito ang isang spoiled brat na gaya ni Lizzie
“Ok, tama na ang chit-chat”. Sabay tulak ng mahina ni Mr. Grey sa dalawang babae
“Bye. Beautiful in my eye, see you in my dreams”. Sabay Wink nito kay Ms. Janet “Laters, baby”. Habol pa nitong sabi na ginaya ang famous line ni Christian Grey Kame naman ay nakatingin lang sa magiging reaction ni Ms. Janet, bahagya itong napangiti at namula ang pisngi
“Uy kinikilig, kilig.. kilig... kilig”. Pakantang wika ni Vince sabay sayaw ng patuwad na parang bibe habang iniikutan si Ms. Janet Na ikinatawa ng Team ng malakas si Vince ang pinaka kengkoy sa group, gwapo ito pero na wawala iyon sa pagiging kengkoy nito
Lumabas na din kame ng building dahil baka kung magtagal pa kame dun ay hindi lang si Lizzie ang lumapit sa kanila baka pati ang mga guard dun ay lumapit sa kanila at itapon sila palabas dahil sa sobrang ingay nila
Paglabas ng building ay dumiretso sila kung saan naka park ang sasakyan na kanilang gagamitin papunta sa bundok ng Sierra Madre, sampung sasakyan ang nag convoy papunta sa lugar kung saan matatagpuan ang nasabing kweba na nagsisilbing lagusan papunta sa mas malalim pa nitong parte, ayon sa mga naunang archaeologist na nagpunta sa lugar, ang na diskubre nila ay parang sinunang tirahan ng mga sinaunang tribo na nanirahan doon, marami din sila mga artifact na nakita, pero hindi pa nila masyadong na pagaaralan dahil sa kulang sa kagamitan, kung kaya ang Company nila ay nagsagawa ng malaking proyekto upang pagaralan pa itong mabuti, kumuha sila ng mga eksperto pagdating dito sa iba’t ibang bansa, tatlo sa kanila ay foreigner at dalawa ang Local.
Ito yung mga lalaking kasama ng kaninang lalaki na nakita niya sa second floor ng building, hindi niya akalain na mga expert pala ang mga ito, kung titingnan kasi ay parang mga bisita lamang ang mga ito dito, pero bakit kasama ng mga ito ang lalaki isa din ba ito sa mga expert. napapa-isip si Miles habang nagaantay sa kanilang pag alis.