“Lo, baka isa o dalawang linggo akong mawawaladahil sa malaking project ng kumpanya, isa ang team namin sa napiling isama, kaya matatagalan ako magauwi o baka higit pa sa isang buwan, hindi ko saigurado pero tatawagan ko na lamang kayo upang balitaan,”. Pagpapaalam ko kay lolo habang nasa harap nang hapag.
“Apo, mag iingat ka sa pagpunta mo doon, bundok ang pupuntahan mo at hindi mo alam ang magyayari sa iyo doon.” Pag-aalala nitong sabi sa kanya
‘Lo, marami kame doon, at kikilos kami bilang team at hindi mag-isa kaya wag kang mag-alala.” Aniya sa kanyang lolo Napatingin siya sa kapatid na naglalaro sa cellphone nito.
“Marco, ano ba yang ginagawa mo nasa harap ka ng hapag pero yang cellphone mo ang inaatupag mo, binili yan para magamit mo sa school, hindi para gamitin habang nasa hapag ka.” Sermon niya sa kapatid Napasimangot naman ito
“Hindi naman ako madalas gumamit ng cellphone, saka tapos ko na ang mga assignments”. Anito na nakasimangot “Hindi porke’t tapos mo na ang gawain mo ay okay lang na gamitin mo na yan sa harap ng hapag, matutukang rumispeto.” Dagdag niyang sermon dito, oo at nabibigay nila ang gusto nito pero hindi din sila nagkukulang sa pagpapa-alala dito
Lagi nilang itinuturo dito na hindi sila mayaman para magwaldas ng pera at laging masusunod ang luho, unahin ang kailangan hindi ang gusto lamang, at masaya siya dahil madaling turuan ang kaniya kapatid, mabait ito at matalino madalas ito ang nangunguna sa kanilang klase kaya ay madalas pag may sobra siyang pera ay binibili niya ang gusto nito at syempre bago niya ibigay may sermon muna. Kaya madalas siyang sabihan ng kapatid niya na daig pa nya ang may tatlong nanay
“alam ko po iyon ate, itatago ko na mamaya na ako maglalaro.” Anito sa kanya
“Hindi naman kita pinaghihigpitan, ang akin lang wala tayong ibang aasahan kundi tayo tayo lang, si papa na ibang bansa para din sa atin kaya wag natin iyong sasayangin.” Aniya at napaisip na parang bumaik sya sa pagiging bata noong siya pa ang sinesermonan ng kanyang ama. Natatawa na lamang siya sa loob-loob niya
“Opo”. Ani ng bunso nila habang nakayuko
“Wag mo ng sermonan yang kapatid mo, mabait na bata yan at alam na niya ang kanyang gagawin.” Pagtatanggol ng kanyang lolo
“Lo, ikaw ha! May favoritism ka, bakit nung sinesermonan ako ni Papa hindi mo ako pinagtanggol.” Aniya na may pagtatampo
“e kasi pasaway ka noong bata ka, lagi kang tumatakas at hindi gumagawa ng mga assignments mo.” Pag sermon nito sa kanya “Luh! Ako na ngayon ang sinasermunan.” Aniya na napapakamot sa ulo
“Ah basta Marco, matagal akong mawawala, wag mong susubukan gumawa ng kalokohan ah, samahan mo dito ang lolo, kung may mga group project kayo dito na sa bahay, ayokong dadayo ka pa sa iba, dito na lang.” aniya
“Ate dalawang linggo ka lang mawawala, kung magbilin ka parang taon kang aalis, saka wag kang mag alala wala naman kameng group project kaya dito lang ako sa bahay.” Anito
“buti naman kung ganoon.”aniya Pagkatapos nilang kumain ay dumiretso na siya sa kanyang kwarto dahil kailangan na niyang ayusin ang mga gagamitin niya para bukas.
****
Habang nilalagay nila ang kanilang gamit sa sasakyang gagamitin ay napansin niya ang lalaking nakita niya kanina sa second floor “kasama din ba ito sa project”. Sa isip niya habang nakakunot ang kanyang noo.
Muli niyang itinuong ang sarili sa pagaayos ng kailangang mga gamit ng lumapit sa kanila si Mr. Grey
“Hey guys, ano kamusta ok na ba ang mga gamit nyo, wala na kayong nakalimutan”. Anito na nagiinspeksyon sa sasakyan ng bawat grupo
“e ikaw Mr. Grey baka may kailangan kang kunin sa Team namin.. hehehe “ ani Vince Kinutusan ito ni Ms. Jane sabay sabing
“ikaw baka gusto mong maiwan, puro ka kalokohan.” Anito kay Vince
“We’re okay Mr. Grey. Thank you” aniya sabay ngiti
Napalingon silang lahat ng magsalita ang isang lalaki gamit ang mega phone nito.
“Okay, Guys are you ready, each team leader should give proper instruction to each of its member to understand what should they do especially the beginners in the group, Understand!.” Ani Mr. David the oldest member and their guide going to Sierra Madre, head ito ng kanilang department. Kamasa nito sa sakyan ang mga expert, na kinuha ng Company.
“Yes, Sir” sabay sabay na sigaw ng lahat
“Everyone, go to the car assigned to each team, and please just follow the car of a team in front of you, so that you don’t lose your track.” Anito at sumakay na ngsasakyan.
Halos lahat ng miyembro nasa sasakyan ay tulog pano naman, halos 7 oras silang nagbabyahe, bago marating ang paanan ng bundok, at mag-gagabi na rin kung kaya’t na pag desisyonan ng lahat na mag tayo na ng tent sa paanan, dahil kinabukasan ay maaga na lang silang aakayat ng bundok dahil dalawang bundok pa ang aakyatin nila para marating ang nasabing kweba.
Ang lahat ng member ay busy sa paghahanda ng kanilang tutulugan at makakain ang mga Team Leader naman ay nagpupulong para bukas, kung papaano nila hahatiin ang grupo, nasa 10 Team sila at hahatiin nila dahil bawat Team ay dapat may isang expert na kasama, dahil sa lima lang ang expert na kasama nila kaya ang 10 Team ay gagawin nilang lima.
Ang Team Janet at Team Grey ay magiging isa, at makakasami nila ang bratinelang si Lizzie, na akala mo party ang pupuntahan dahil nakaporma pa ito at naka make-up
“Duh! Bundok ang pupuntahan natin, nandito ka sa gubat, walang magiinteres sayo kundi ahas”. Ani Shun na naiirita namakasama ito.
“Excuse me, their is a cute guy there.. look he’s looking at me.” Anito sabay kaway sa lalaki at umirap kay Shun
Napatingin naman siya sa dereksyong tinuro ni Lizzie, nakita nya na nakatingin sa direksyon nila ang lalaki at parang ang sama ng tingin, nakakatakot itong makatingin, pero kahit naiilang siya sa tingin nito ay hindi nya iniwasan ang mga mata nito ng dumako din ng tingin sa kanya, para siyang hinahatak ng kung ano para makipag titigan dito. Wala halos sa kanilang dalawa ang gustong magbaba ng tingin kung hindi lang dahil kay Cel na tinawag sya hindi niya iiwas ang tingin dito.