Chapter 7

1291 Words
Habang nagpapahinga hindi mawala sa isip ni Miles si Lance bukod sa pinakita nitongpagalalay sa kanya, hindi din niya maintindihan ang sarili kung bakit siya ganoon pag dating sa lalaki dahil kung tutuusin mas Sweet at caring si Andrei, pero hindi niya maramdaman dito ang tulad ng nararamdaman niya para sa lalaki kahit dalawang araw pa lang niya itong kasama, bukod don ay hindi niya ito nakaka usap, dalawang beses pa lang din niya itong naka-usap, unang yung nasa paanan sila ng bundok naginulat siya, pangalawa ung sinalo sya sa muntik na niyang pagkahulog dahil nadulas siya. Iyon pa lang at ang laki na nag epekto nito sa kanya na para bang matagal naniya itong kilala at kasama Habang iniisip niya ang kanyang sitwasyon ay may narinig siyang mahinang tunog at bahagyang lumalakas iyon at iniisip nya kung anong tunog iyon, nang maalala niya ang Kwintas na suot niya.  tic-tak.. tic-tak.. Ang maliit niyang orasan, binigay sa kanya iyon ng kanyang lolo noong naka pagtapos siya ng High School, may isang matandang babae daw na nagpunta noong sa kanilang lugar at isinanla ito sa kanyaang kwintas na iyon bago pa lang daw nakatayo ng shop, kailangan kailan daw kasi ng babae ang pera kaya wala itong nagawa kundi isangla ito, sabi ng kanyang lolo may kapares ang kwintas na iyon, parang pang couple, ang itsura nga kwintas kung kasama ang kapares  ay para itong isang last quarter moon at ang buwan ay parang nakayakap sa maliit na orasanito ay ang hawak niya, at pag pinagsama ito ay isang fullmoon ang mabubuo, ang sabi ng babae ay babaalikan niya ang kwintas dahil importante ito sa kanya sa loob ng isang buwan ay babalik ito, kung kaya’t ito’y itinagong mabuti ng kanyan lolo pero lumipas ang ilang dekada ay walang babae ang nag balik At itinago na lang ito hanggang sa nakalimutan na lang, naalala lang niya itong nag minsang maglinis sila ng shop at nakitang muli ito ng kanyang lolo Ang maliit na orasan ay hindi na gumagana, dahil sa katagalan na rin, pero dahil sobrang ganda pa rin nito ay binigay ito sa kanya ng kanyang lolo dahil mukhang walang balak pang balikan ng mayaari nito “siguro naalog ito nung muntik na akong mahulog, kaya gumana itong muli” pabulong niyang sabi dahil ayaw niyang magising ang kanyang mga kasama Pinakatitigan niya itong mabuti dahil madilim at tanging sinag nang buwan lang ang naging tanglaw niya para makita ang orasan, pero mukhang sira na itong talaga pano ba naman, pabaliktad ang ikot nito Habang tinititigan niya ay unti-unti siya tinangay ng antok Sa sobrang himbing ng mga kasama niya sa tent na natutulog hindi na napansin ng mga ito, na balisa ang isa sa kanilang kasamang natutulog. ******* Habang natutulog si Miles naramdaman niya may yumuyugyog sa kanyang balikat sa pag aakalang si Shun iyon dahil ganoon kung paano siya gisingin nito, narinig din niya may mga plato na nakakalampagan, inakala niya na ginigising lang siya upang kumain. “Give me 5 minutes Shun, hindi ko maidilat ang mga mata ko sa antok e.” pero hindi ito nag salita at patuloy lang ang pagyugyog sa balikat niya “ano ba” sa pagkakataon na iyon ay bumangon na sya na may pagkairita sa tinig pag tingin ay isang bata ang gumigising sa kanya at hindi si Shun, naguguluhang napatingin siya sa paligid, papaanong may bata sa bundok parang hindi niya na panasin na may kasama silang bata Bigla siyang na patayo at nagtataka papaanong wala sila sa bundok, anong nangyayari nasa mukhang isang sinaunang bahay, meron pa palang ganito ngayon. Sa isip niya Sa pagtataka patakbo siya lumabas ng bahay “ano... papaanong... nasaan ako.” Aniya nahawak hawak ang kanyang ulo dahil pakiramdam niya ay parang hihimatayin siya sa pag kabigla at tuluyan na nga siyang nawalan ng malay, muli ay naramdaman niya may yumuyugyog sa kanyang balikat, at naririnig ang pagtawag sa kanyang pangalan, nakakarinig din siya ng ingay na para bang naghahanda ng hapag kainan, gising na siya pero ayaw niyang dumilat dahil baka pag dilat niya malaman niya nasa ibang lugar ulit siya Pero makulit ang may-aring kamay na yumuyugyog sa kanya, hindi pa ito na kuntento at hinampas siya nito, ditona siya dumilat at nakita niya si Shun na muli siyang papaluin pero naiwasan niya. “Ano kabang babae ka, kanina pa kita ginigising para kang tulog mantika jan.” pagmamaktol nito Tinitigan lang niya ito, panaginip na naman, sa isip nya, hindi sya makapaniwala na panaginip lang iyon dahil sobrang parang totoo, yung pagtakbo nya sa labas, paghawak ng bata sa kanya at yung mga nakita nya parang totoo lahat Bumalik ang kanyang diwa ng muli siyang hampasin sa balikat ni Shun. “Miles, ano ba bilisan mo na jan, anong bang nangyayari sayo, lumabas kana at kumain, para may lakas ka para mamaya.” Anito at tuluyan ng lumabas ng tent Sa pagkakataong iyon ay sumunod na siya dito pero hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang panaginip nayang iyon Habang iniisip niya ang kanyang panaginip nagawi ang tingin niya kay Lance nakita niya na nakatingin din ito sa kanya, na pakunot siya ng noo, dahil sa pangalawang pagkakataon ay nakita niyang muli ito sa kanyang panaginip, hindi niya maiwasan ang mapaisip ng sobra, simula kasi ng simulan nila ang project na iyon at makarating sa bundok ng Sierra Madre ay hindi na nawawala ang mga kakaiba niyang panaginip. At si Lance simula din ng makita niya ito sa building kung saan siya ay intern, lagi na lang niya itong nakikita na nakatingin sa kanya, mas lalo siyang na papaisip. Hayst... na buntong hininga na lamang siya at bumalik siya realidad ng akyaban siya ni Andrei, “Good morning babe, mukhang masama ang gising natin ah!” anito habang na katingin sa kanya nginitian niya ito “Kinulang kasi ako sa tulog”. ‘Maghilamos ka na nang magising ka” ani Shun sabay bato sa mukha niya ang basang towel “napaka sama mo talagang kaibingan, ‘bat ganyan ang turing mo sa akin wala man lang kalambing lambing.” Birong tampo niya sa kaibingan “Ayan palambing ka jan sa lalaking yan.” Ani Shun sabay turo kay Andrei Nang tingnan nya si Andrei ay sobrang itong makangiti at nag thumbs up pa kay Shun “ Kaya sayo ako e.” “Syempre ikaw ang manok ko eh.” Natatawang sinabayan ang kalokohan ni Andrei at tinulak nya ito palayo sa kanya “ano babe, gusto mo nang lambing”. Sabi nito habang nakabukas ang mag kamay nito na akmang yayakapin siya pero umiwas siya Sa kakaiwas niya sa kalokohan ni Andrei ay nabangga niya ang isang pader “oops” narinig niyang sabi ni Shun sabay nguso nito sa kanyang likuran Paglingon niya, si Lance pala ito at hindi isang pader, sobra dilim ng  pagkakatitig nito sa kanya “hindi ito playground o hotel para magharutan kayong dalawa, kung ganyang lang pala ang gagawin nyo dito sana hindi na lang kayo sumama”. Malamig pa sa yelo nitong wika sa kanila ni Andrei “Pasensya na Mr. Wilkes, hindi na po ito mauulit.” Ani Andrei habang hinila sa siya palapit dito Tiningnan lang siya nito ng masama at nilagpasan na siya “Gosh anong problema ng lalaking yon” aniya “wag ka ng maingay baka marinig ka pa” saway ni Andrei sa kanya “bipolar ata ang lalaking iyon” sa isip naya habang papaupo sa putol na kahoy na kanilang gamit at tinitingnan ang likod nito na papalayo sa kanila Napatingin siya kay Lizzie, at mukhang masaya ito dahil na sermonan siya. Inirapan na lang niya ito ang kumain na lamang
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD