Ang lahat ay maagang nagising dahil kailangan na nilang lumakad, halos madilim pa ang paligid at wala pang araw ng magsimula silang umakyat ng bundok daladala ng kani-kanilang flashlight, ang iba sa kanilang mga gamit ay inuna na nila pina-akyat sa mga lalaking inupahan nila para hindi sila mahirapan sa pag akayat. ang Team nila ang nasa hulihan nagsisimula ng umakyat ang kanilang Team nang mapansin nya si Lance.
“s**t, siya pa ata ang expert na maasign sa atin” aniya ng pabulong
Ngunit narinig ito ni Andrei “Bakit, may problema ka ba sakanya”. Bulong nito sa kanya
Tumingin siyang muli dito at nakita niya ang sama ng tingin nito sa kanilang dalawa ni Andrei
“Wala naman nakakainis lang kasi lagi na lang ang sama kung tumingin” aniya
“Baka ganyan lang talaga yan tumingin, wag mo na lang pansinin.” Ani andrei sa kanya habang inaalalayan siya sa pagakyat
Dahil sa maaga pa at hindi pa nawawala ng mga hamog, kung kaya’t naging mabagal ang kanilang pagakayat, dahil baka madulas sila
“Everybody, watch your step, masyadong madulas ang daan paakyat.” Sigaw ni Mr. Grey habang inaalalayan si Ms. Janet
Nasa unahan niya si Andrei at sa unahan nito si Lizzie na inaalalayang ng dalawang lalaki niyang ka-Team sa unahan nila ay sina Mr. Grey at Ms. Janet at sa likod niya ay ang iba sa team, si Cel, Nikki at Shun ay mag kakasama, at si Vince ayun nakikipag harutan kay Mei, dumada-moves pa ang loko, napansin niyang wala si Lance ng tangka niyang lingunin ay namali siya ng tapak, at dahilan ng kaniyang pag ka out of balance, napasigaw siya kasi akala niya ay mahuhulog na siya pero may matigas na parang pader siyang nasandalan
Paglingon niya ay si Lance pala, kanina pa pala ito sa kanyang likod hindi niya ito na pansin dahil bago sila umakyat ay nasa pinaka huli ito, papaanong nasa likod na niya ito, narinig niya ang mga kasama niyang babae sa likuran na parang sinisilihan sa kilig, sa pagkakataong iyon napasin niya ang posisyon nilang dalawa ni Lance, halos pigilin niya ang kanyang pag hinga.
Ang kanang kamay nito ay nakahawak sa baging na nakapalupot sa malaking puno, habang ang kaliwang paa nito sa naka hakbang na parang akmang aakyat, at ang kaliwang kamay nito ay nakapalupot sa kanyang beywang, bahagya din itong nakayuko sa kanya, at siya naman ay naka-tingala dito, at ang sweet nilang tingnan sa posisyong iyon, nakatingin ito sa kanya at naka ngisi, nag iwas siya ng tingin dito.
“Thank you”. Aniya dito sabay dahan dahang kinakalas ang pag kakayakap nito dito, pero mukhang ayaw siyang bintawan ng loko
Tinitigan nya ito na masama dahil parang nananadya na ito, ngumiti ito sabay sabing “Be careful next time, baka sa susunod mahulog ka na nangtuluyan at hindi na kita masalo”. Anito sa kanya ng naka ngiti at dadahan-dahan siyang tinulak para makabalik sa kanyang balanse
Halos habulin naman niya ang kanyang hininga dahil sa pagpigil niya dito kanina dahil sa pagkakayap nito sa kanya, hindi niya maintindihan pero iba ang epekto nito sa kanya, sa tuwing lumalapit ito sa kanya ay bumibilis ang t***k ng kanyang puso
“Ano bayan kakasabi lang na mag-ingat, hindi ka talaga marunong makinig sa instruction noh, Miles.” Ani Lizzie sa kanya na masama ang tingin na nagpabalik sa kanya sa reyalidad, napayuko na lang siya sa hiya
“bwisit kung hindi ka inaalalayan ng dalawang lalaki na yan malamang kanina ka pa gumulong-gulong pababa ng bundok” aniya sa kanyang isip sabay simangot
Hiniwakan naman siya ni Andrie at inalalayan sa pag akyat, hanggang makarating sila sa tuktuk nag pinaka unang bundok na kanilang inakyat, na mangha ang lahat sa nakita, dahil sa naabutan pa nila ang sea of clouds, pakiramdam niya ay para siyang nasa isang paraiso habang nakatingin sa mga ulap, at ang araw ay unti unti ng sumisikat kasabay ng malamig na hangin na para bang dumuduyan sa kanya
“ahgh” sabay unat nang kanyang kamay para mapawi ang ngawit at pagod ng kanyang katawan pansamantala, habang ang iba naman umupong pasalampak dahil sa pagod
Sandali silang nagpahinga at muling nag simulang kumilos, sa pagkakataong ito pababa naman sila ng bundok at kailangan ng doble ingat dahil kung mamali sila ng hakbang ay mabilis sila bubulusok pababa, na maaari nilang ikamatay dahil sa mga batong babagsakan nila kung sakali na mahulog sila, halos mahigit tatlong oras ang kanilang nilakad para tawirin ang unang bundok at makarating sa pangalawa, sa unang bundok ay iniwasan nila ang dumaan malapit sa bangin, pero sa pagkakataong ito, ay kinakailangan na nilang lumapit sa bangin dahil ito ang mas mabilis na daan papuntang kweba, dahil kung iiwas ulit sila dito ay baka abutin sila nag gabi doon dahil mas matarik ang mangalawang bundok at mas magiging mapanganig para sa kanila.
Dahan dahan ang bawat pagkilos ng lahat upang maiwasan ang hindi inaasahang disgrasya sa kanilang pagakyat, inaalalayan ng bawat isa ang isa’t isa.
Na papansin din niya na todo ang pagalalay sa kaniya ni Lance, kahit hindi ito nagsasalita ay bantay sarado nito ang bawat kilos nya, ng muli ay nadulas ang kanyang paa, pero na agad naman siyang nakahawak ay todo pa rin ang pagalalay nito sa kanya, hindi ito umalis sa tabi niya.
Nagtataka man siya ay pinagsawalang bahala na lamang niya ito at nagpasalamat sa loob loob niya.
Hanggang makarating sila sa nasabing kweba saka lang ito lumayo sa tabi niya at pumunta sa kapwa nito expert.
Lumapit ang mga ka-team nya sakanya ng may nakakalokong ngiti.
“ehem.. ehem mukhang hindi lang mga artifact ang mahuhukay sa project na ito, hmp..hmp.” ani Shun na pakindat-kindat sa kanya
“malamang pati pusong bato mahukay na. eiy” ani Cel na may pakilig kilig pang nalalaman
“Pwedeng ba tumigil nga kayo, baka marinig yang mga kalokohan nyo.” Aniya sa naasar na tono, dahil hindi na siya natutuwa sa nararamdaman nya, kainis kasing lalaking iyon bakit ganon na lang ang trato nito sa kanya, hindi na siya natutuwa baka konting push pa ay bumigay na siya
At tumigil din naman ang mga ito sa pang aasar sa kanya, ang grupo ay pinagpaliban muna ang pagpasok sa kweba dahil pagod na din sila sa ginawang pagakyat at baba nila sa bundok halos buong araw din kasi ang gunugol nila sa paglalakad bago marating ang kweba.