CHAPTER ONE
VANIA’s POV
“Babayaran mo ang utang ng gagong ‘to o pasasabugin ko ang ulo niya pati ‘yang bunbunan ng anak mo? ‘Pag patay na sila at saka kita isusunod!”
Binalot ako ng takot sa sigaw ni Matias. Tila ako binuhusan ng malamig na tubig. Nanginginig ang mga kamay ko habang naka tingin sa takot na mukha ng asawa ko. May nakatutok na baril sa kaliwang sentido niya. Iyak ng iyak ang apat na taong gulang kong anak na babae habang nakayakap sa kanan kong hita.
“P-Parang awa mo na, bigyan mo ko ng sapat na panahon. B-Bayaran kita. P-Pangako magbabayad ako,” nauutal na wika ko habang dama ko ang sunod-sunod na daloy ng luha sa magkabilang pisngi ko.
“Kailangan ko ang 200,000 hanggang Sabado! May tatlong araw ka pa para manlimos! Huwang niyo na ring subukan pang tumakas at kilala niyo ‘ko. Hindi baleng makulong ako, mapatay lang kayo!”
Tuluyan akong napaluhod sa sinabi nito. ‘Dalawang daang libong piso? Saang kamay ng Diyos ko kukunin iyon?’
Natulala ako sa kawalan, ni hindi ko napansin na nakaalis na si Matias. Tumahan na rin sa pagiyak si Tasha. Tumayo sa pagkakaluhod ang asawa kong si Timothy para hagkan ang anak namin.
Dahan-dahan akong tumayo, naglakad ako papasok sa kuwarto naming mag-asawa. Narinig ko pa na tinawag ni Timothy ang pangalan ko pero wala na ‘kong sapat na lakas para lingunin siya.
Kumuha ako ng unan mula sa kama at tinaklob ko iyon sa mukha ko, saka ko inubos ang natitira kong lakas para isigaw ang halo-halong nararamdaman ko ngayon.
“Putang inang buhay ‘to! Putang ina ng mundo! Putang ina talaga! Ano bang kasalanan ko at nangyayari sa’kin lahat ng ito!”
Saan ako pupulot ng gano’n kalaking halaga sa loob ng tatlong araw? Pero hindi ko kakayanin na panoorin lang na wakasan ng taong iyon ang buhay ng asawa ko lalong-lalo na ang anak kong wala pang ka muwang-muwang.
Ibinato ko ang hawak kong unan. Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa side table ng kama. Tinawagan ko ang malalapit kong kaibigan pero iilan lang ang may kaya sa kanilang magpahiram. Kapag pinagsama-sama ay kulang dalawampung libo lamang ang mabubuo mula roon.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto pero hindi ko tinapunan kahit tingin man lang ang pumasok mula roon.
“Van, patawarin mo ‘ko. Kasalanan ko ang lahat ng ‘to,” nakayukong sabi ni Timothy.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa pag scroll sa f*******: friend lists ko, nagbabakasakali na may kaibigan pa akong natitira na puwedeng magpahiram sa’kin ng pera.
“Van, alam kong kinasusuklaman mo ‘ko ngayon. Pero sana kausapin mo naman ako,” akma niyang hahawakan ang kamay ko ngunit inilayo ko kaagad iyon sa kaniya.
“Hindi tayo magkakapera kapag kinausap kita. Kung may natitira ka pang kahihiyan sa katawan mo, lumabas ka ng kuwarto, iwan mo ko,” mariin na sabi ko.
Hindi ko pa rin siya magawang tignan. Sa loob ng mahigit limang taon naming pagsasama, nilunok ko lahat ng bisyo niya. Kung hindi lasing ay panay naman ang kaniyang pagsusugal. Hindi matatapos ang isang araw nang wala siyang ginagawa sa dalawang ‘yon. Tiniis ko ang lahat alang-alang sa anak namin, galing ako sa broken family kaya wala akong ibang gusto kundi ang mabigyan ito ng kumpletong pamilya.
Ilang beses nang nangako si Timothy na magbabago siya, sa umpisa magagawa niya pero kinalaunan ay babalik ulit siya sa nakagawian niya. Napagod na akong umasa, nag desisyon ako na hintayin na lang na siya mismo ang mapagod sa bisyo niya. Nagkamali ako, ilang taon akong nag hintay ngunit hindi ito napagod. Wala sana kami sa sitwasyon na ito ngayon kung noon pa lang ay tinuruan ko na siya ng leksiyon.
Natigilan ako sa pag scroll sa screen ng aking phone nang makita ko ang pamilyar na pangalan. “Callan Andrada.”
Pinindot ko ang picture nito at dinala ako no’n sa profile niya. Hindi ko na maalala kailan ko huling binisita ang f*******: ng lalaking ito. Maybe 3 years ago? Marahil ay higit pa, apat o limang taon yata.
Nagpatuloy ako sa pag scroll. Hindi siya active sa f*******:, parang isa o dalawang beses sa isang buwan lang ito nag p-post sa wall. Natigilan ako nang makita ko ang life events niya.
“Promoted as CEO at Hotel Lucia.”
It was posted 1 year ago. Ang pagkakatanda ko ay iyon ang hotel na pagmamay-ari ng pamilya nila na nagmula sa first name ng kaniyang ina. Kaagad kong pinindot ang hotel na naka mentioned sa post. Tumambad sa akin ang napaka taas na hotel na siyang covered photo sa page ng Hotel Lucia. Hindi ako makapaniwalang pagmamay-ari niya na ito ngayon.
Bumalik ako sa profile ni Callan at lakas loob na pinindot ang message button.
To Callan Andrada:
Do you still remember me? If you have time, can we talk? I really need your help.
Akmang babalik na ako sa friend lists ko nang makita kong nag t-type ng message si Callan. Ang akala ko’y hindi ito active sa f*******:. Siguro’y mas active siya sa messenger.
From Callan Andrada:
In all of a sudden, V? Ginulat mo ko.
Parang may kung anong lumundag sa puso ko nang mabasa ko ang tawag niya sa’kin. He used to call me in that nickname several years ago.
From Callan Andrada:
At our favorite spot, tom 10am. I’ll be cancelling my morning appointment kaya wag mo ko indyanin.
To Callan Andrada:
Thanks, Cal. I’ll see u tom
Our favorite spot? Sa dami ng napuntahan namin noon at sa sobrang tagal na rin, halos hindi ko na maalala. Mabuti na lang at isa ‘yon sa pinaka memorable place para sa’kin kaya malabo ko iyong makalimutan.
Muli ko pang tinitigan ang mukha ni Callan sa kan’yang profile photo bago ko in-off ang screen ng phone ko. Kinumbinsi ko ang aking sarili na walang mali sa gagawin ko na pakikipagkita dito. Wala na akong nararamdaman para sa kaniya, ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay ang kaligtasan ni Timothy at Tasha.